Chapter 6

1241 Words
LENARD’S POV “I’M SORRY, ZEN.”MABILIS SIYANG TUMAYO UPANG SUNDAN ITO. Naging mapangahas siya ng hagkan ang dalaga dahil tuluyan siyang nagpadaig siya sa bugso ng damdamin. Hindi niya masisi ang sarili. Alam niyang ito ang matagal na niyang nais na gawin. Maaaring nabigla niya ito pero desidido na siyang umamin at sana lang pakinggan siya nito. “Zen, kausapin mo naman ako.” Hinawakan niya ang braso nito bago pa makapasok ng sasakyan. Humarap ito sa kanya at walang kibo na tinitigan siya. “So, what now?” tanong nito. Hindi siya makapagsalita. Tila umatras ang kanyang dila at hindi niya maibukas ang bibig. “See? Wala ka naman sasabihin,” sabi nito. “It’s now or never,” sabi niya sa sarili saka huminga ng malalim. “Zen, pwede ba tayong mag-usap ng maayos?” desperado na siya. “Nag-uusap na tayo di ba?” may galit sa boses nito. “Nagagalit ka ba sa akin?” tanong niya. Hindi pa rin binibitawan ang braso ng dalaga. “May dahilan ba para magalit ako?” balik tanong nito sa kanya. Nanunubok ang mga tingin nito sa kanya. “Yung kanina…” naibulsa niya ang mga kamay. “Hindi ko pinagsisisihan iyon,” sa wakas ay nasabi niya. Wala pa ring pagbabago sa expression ng mukha ng babae. “Ginusto ko iyon.” Nakahalukipkip na ito at hinihintay ang mga sasabihin niya. “Matagal ko ng gustong gawin iyon at kung hahayaan mo ako ay itutuloy ko.” Sinuri niya ng mukha nito. Tila hinihintay niya kung may magbabago sa reaksiyon nito. “What do you mean na itutuloy mo?” parang wala lang na tanong ulit ni Zeny. Salubong ang mga kilay nitong tuminging sa kanya. “Kalimutan na natin ang nangyari sa nakaraan at magsimula muli. Sana pagbigyan mo ako na mapatunayan na matino akong lalaki.” Hinawakan niya ang isang kamay nito at marahang pinisil. “Alam kong hindi na mawawala sa alaala mo ang mga nangyari kaya naman…” Hindi niya naituloy ang sasabihin ng mabilis itong pumaloob sa kanyang mga bisig at niyakap siya ng mahigpit. “Yes, pumapayag ako,” sagot nito. “Totoo?!” Hindi siya makapaniwala. Kulang na lang na lumuwa ang mga mata niya sa narinig. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at nakangiting tumitig sa kanya. “We will start all over again but…” Nilagay nito ang hintuturo sa labi niya. “Kailangan ligawan mo muna ako.” Ang dalawang kamay nito ay ipinalibot sa kanyang batok. “No worries, maliit na bagay iyan sa akin.” Kumunot-noo siya. “Talaga lang ha?” Bumitaw ito sa kanya at humakbang palayo. “Wait, saan ka pupunta?” Nagtataka niyang tanong. “Ano pa, eh di magpapaligaw sa iyo.” Lumitaw ang nakakaloko nitong ngiti at mabilis na tumakbo. “Hey, huwag mo sabihin na…” Hindi na naman niya naituloy ang sasabihin dahil malayo na ito sa kanya. “If that is what you want, so be it. I’ll promise you kapag nahuli kita hindi ka na makakawala pa sa mahihigpit na yakap ko,” sabi niya at bumuwelo pa bago tuluyang tumakbo ng mabilis patungo sa kinaroroonan ni Zeny. SIMULA NG MAGKAINTINDIHAN SILA NI ZENY AY PALAGI NIYANG IPINAPARAMDAM SA DALAGA NA NAPAKA-ESPESYAL NITO SA KANYA. Araw-araw siyang gumigising sa umaga para maihanda ang mga bulaklak na ibibigay niya rito. Gusto niya na bawat pagsikat ng araw ay masaya ito.Kung minsan ay tumutulong siya sa pagluluto sa kusina kasama ang ina niya na labis na nagtataka sa ikinikilos niya. Hindi pa niya sinasabi sa mga magulang na nililigawan niya si Zeny kasi baka apurahin na siya agad na pakasalan ang dalaga. Alam niya naman na may deadline ang paglagay niya sa tahimik ngunit hinding-hindi niya mamadaliin ang babaeng iniibig. Sisiguruduhin niyang hindi masasayang ang pagkakataon na ipinagkaloob nito sa kanya at titiyakin niyang ‘those three little words’ ay maririnig niya rin mula rito sa tamang panahon. Katatapos lang niya ihanda ang breakfast na iniluto niya mismo nang pumasok sa kusina ang ama niya na hawak ang isang tasa. Inilapag ito sa lababo at humarap sa kanya habang nilalagay sa tray ang mga pagkain. “Para kay Zeny ba iyan?” Nanatili itong nakatayo. “Yes Pa,” sagot niya. “Iyan na ba ang uso ngayon? Breakfast in bed?” Tila may nais itong malaman mula sa kanya. “Pa, dapat alam ninyo ang trendy sa panahon ngayon. Kailangan din araw-araw mo pa rin nililigawan si Mama,” dire-diretso niyang sabi. “Sa lagay ba eh, nililigawan mo na si Zeny?” mukhang nahuli siya nito. Hindi siya agad nakasagot. “Oo Pa,” mahina niyang tugon at marahang ibinaba ang hawak na tray. “Iyon naman pala eh. Bakit hindi mo agad sa akin sinabi?” Inakbayan siya nito. “Marami akong alam na paraan para sagutin ka agad ni Zeny,” bulong nito sa kanya. “Pa, baka naman pumalpak ako diyan. Mas lalo pang lumayo ang loob sa akin ni Zeny.” Nag-aalangan siya sa suhestiyon na sinabi ng ama. Maayos naman na sila ni Zeny eh, baka masayang ang kaisa-isa niyang tiyansa na maging kasintahan ito. “Maniwala ka sa akin. Lahat ng mga babae ay iisa lang naman ang gusto nila. Ang maramdaman nila ang sinseridad ng isang lalaki. Hindi ko man alam ang mga bagong uso ngayon eh sa tingin ko mas maiibigan ni Zeny ang mga makalumang paraan,” mahabang pahayag nito. “Hindi ba sinabi mo kung gaano ito kasaya nang magpunta kayo sa windmill? Well, doon pa lang masasabi ko na mas pabor siya sa mga simple lang pero tunay at totoo,” dagdag pa nito. “May point kayo Pa,” pagsang-ayon niya rito. “Pag-isipan mong mabuti anak,” tinapik siya nito. “Botong boto kami ng Mama mo kay Zeny. She’s a great lady,” matapos sabihin iyon ay iniwan siya nito. Dala ang tray ng pagkain ay marahan siyang kumatok sa pinto ng silid ng dalaga na agad naman nitong binuksan. Gulat na gulat ito ng makita ang dala niya na siya namang sinamantala upang makapasok sa loob. “Wow! You surprise me!” sabi nito nang makita ang inihanda niyang almusal. “For the only woman I fell in love with,” saad niya. “Bolero,” nakataas ang kilay na tugon nito. “You think I’m just joking around you?” nakangiti niyang tanong. “Hindi nga ba at marami ka ng naging…” sambit nito ngunit mabilis niyang pinigil ng kanyang mga labi ang mga nais nitong sabihin. Saglit itong natigilan ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay dahan-dahan na gumaganti at lalo pang dumidiin ang bawat halik sa isa’t isa. “Your lips are very sweet,” aniya nang maghiwalay sila at sumagap ng hangin. “Really?” Napatitig ito sa kanyang labi. Napalunok siya. “Very much,” iginiya niya itong maupo sa gilid ng kama upang magsimula ng kumain. Siya pa mismo ang kumuha ng tray at inilapag sa kanyang mga hita. “Kaya kong kumain mag-isa, Lenard,” saway nito sa kanya ngunit mapilit siya na subuan ito at sa huli ay pumayag rin. “Ganito ka rin ba dati?” Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Parang nakagawa na agad siya ng kasalanan. “What do you mean?” “Sa mga naging girlfriends mo,” sa pagitan ng pagnguya. Umiling siya. “Sa iyo lang ako ganito kasi ikaw lang naman talaga ang tinitibok ng pihikan kong puso.” Walang kagatol-gatol niyang sabi na sinundan naman ng pagyuko ng dalaga dulot ng kilig ng mga saitang binitiwan niya. Kinuha niya ang kamay nito at paulit-ulit na hinagkan iyon.Kasabay ng pag-angat ng tingin nito ay ang pagsilay ng ngiting laging niyang pinanabikan na makita. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Unti-unti ng nabubuo ang dati ay pira-piraso niyang pangarap. Ang pangarap na umibig ng tunay sa babaeng labis na minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD