Lumipas ang tatlong taon. Naging matagal ang panahon kay Mia pero naging madali ang lahat ng 'yon dahil sa tulong ng kaibigang si Cassey, lalong lalo na si Dane na hindi talaga umalis sa tabi niya. Sa loob ng tatlong taon na pagpapagaling ay ipinagpatuloy ni Mia ang pag-aaral niya, ganon din ang ginawa ni Dane. Nag-transfer si Dane sa Paris para masamahan at mabantayan si Mia. Si Cassey naman ay umuuwi ng pilipinas at kada end lang ng semester pupunta ng Paris para mabisita at makasama ang kaibigan. Naging madalas ang pag-uusap ni Cassey at Dane dahil na din kay Mia. Ngayon, nakakalakad na si Mia ngunit mabagal pa din dahil may mga ugat pa lang nadamage sa paa niya gawa ng aksidente. “Kailan ka babalik dito, Cas?” tanong ni Mia. Nakaharap siya sa laptop kung saan kita doon si Cassey.

