“Oh my, Cassey. Answer my calls!” bulong ni Mia. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung magpropose sa kaniya si Dane ngunit hindi niya pa rin ito nababalita sa kaibigan na nasa pinas. Nung una inisip niya na wag muna dahil baka busy sa final research ngunit ngayon ay ika-dalawang araw na kaya naisipan niya na na tawagan ang kaibigan. Ngunit kanina pa ito tumatawag pero nag-riring lamang ito. “Bakit kaya ayaw sagutin ni Cas—” Natigilan si Mia ng biglang lumitaw ang mukha ni Cassey sa screen ng phone. Agad natuon ang atensyon niya doon at hinarap ang kaibigan. Binungaran niya agad ito ng ngiti. Naka-suot ng uniporme si Cassey at nasa loob ng sasakyan, mukhang nagmamaneho ata. “Oh em ji! You are driving, Cas! I’m sorry!” singhal ni Mia. Napatakip pa ito ng bibig gamit ang palad dah

