Cassey’s POV When I saw Mia’s ring on her left hand kanina, hindi ko inaasahan na babagsak ang luha ko at hindi ko mapipigilan ang sarili na hindi maiyak. Right now, nasa bahay na ako at nasa loob ng kwarto. I still don’t know what to feel. After receiving good news sa school kanina ay dalawang balita agad ang gumuho ng lahat. Napapikit ako at napahimalos sa mukha gamit ang mga palad. “Cassey, umayos ka. Be happy. Be happy.” kumbinsi ko sa sarili ko. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, hindi ko kaya na maging masaya biglaan. Una, engage na si Mia at Dane. Yes, matagal ko na pinag-isipan yung nararamdaman ko and I confirm it na gusto ko si Dane. Hindi ko alam kung kailan nangyari pero biglaan na lang kasi. Hindi ko alam paano ako nahulog sa kaniya. Matagal na kaming magkakilala

