Liwanag ng araw mula sa bintana ng eroplano ang bumungad sa mukha ni Mia dahilan para magising siya. Mabilis niyang idinilat ang mga mata at agad na napalingon sa katabing nobyo. “Babe, it’s already morning?” tanong niya kay Dane. Nilingon siya ni Dane na kasalukuyang nagbabasa ng magazine. “Yup love, 11 hours ka lang namang natulog.” aniya. Nanlaki ang mata ng dalaga. Sa sobrang pagod siguro ay nakatulog ito ng malala. “Really? Gosh! Sorry.” aniya. Mabilis siyang umayos ng upo at inayos ang sarili. Dane chuckled because of her. “Why are you saying sorry babe?” Natigilan si Mia sa pagiging aligaga. “Because I slept too much. Wala ka tuloy kausap.” guilty na saad nito. Tuluyan nang natawa ang binata. Ibinaba niya ang hawak niyang magazine at dahan-dang niyakap ang dalaga. Dinamp

