Kabanata 4

1431 Words
Kainis. Unang salita na kanina pa namumuo sa isipan ko. Pagkauwi na pagkauwi ko talaga, dumiretso agad ako sa kwarto at nagkulong. Buong araw akong wala sa sarili after that kissing—uh! He stole my first kiss and it frustrates me so much to the point na gusto kong maglumpasay sa sahig at umiyak. Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko. Parang gusto ko tuloy tabasin. Pinikit ko ang mata ko para pigilan yung inis na nararamdaman ko. Nang dumilat ako ay agad kong nakita yung wet wipes na nakapatong sa side table ko. Mabilis ko yung kinuha at pinunasan yung labi ko. "Damn you, Marco!" I shouted so loud. Tinapon ko yung wet wipes na ginamit ko sa basurahan at kumuha ulit ng wet wipes at nagpunas ulit. “Humanda ka talaga sa akin bukas, Aquino!” Kahit na anong gwapo ni Marco. I already reserved it for Dane pero nawala because of that fvcking kiss! At ang kinaiinisan ko pa sa sarili ko, if I already reserved my first to Dane then why did I let myself to enjoy that kiss! I didn't even complain or slap him. Sarili kong katawan ang kumalaban sa utak ko. Habang nagpupunas ng labi ay kinuha ko ang phone ko para sana tawagan si Cassey pero natigilan ako sandali because someone's knocking on my door. Panira ng momentum naman ito. At first, ayoko talagang buksan yon. Hindi dahil sa ayoko nang kausap, sadyang tinatamad lang talaga ako. Pero sa huli, I opened it. I saw ate Kate standing there. “Mia are you okay?” she worriedly asked. “I heard your shouting. May kaaway ka ba sa phone mo?” I tried to smile. “Nothing ate. Naasar lang ako sa binasaba kong story." I answered. Tumango na lang siya. Magsasalita pa sana siya ulit pero hindi ko na hinayaan pa, agad ko siyang sinaraduhan ng pinto. Alam ko kasing hahaba na naman ang usapan namin ni ate Kate at alam din naman nila na ayoko nang istorbo kaya hindi big deal sa kanila 'yon. Bumalik ako sa pagkakahiga ko at yung balak ko sanang gawin na tawagan si Cassey ay hindi ko na lang itinuloy, mas madaldal pa ‘yon sa mga marites eh. Until now, pa rin ako maka-move-on... Dammit! Para talaga kay Dane yung first kiss ko na yun eh. Wala ng ibang para sa akin kundi si Dane pero after nung nangyari kanina, I feel trash na. I don't think na deserve niya pa din ako. Gosh! Napahawak tuloy ako sa labi ko ulit. Bumalik na naman yung scenario kanina… Oh gosh! Habang naiisip ko yun mas lalo ko pang natutunan na lumaban at kung paano ko pa gagantihan yung Marco na 'yon. Hindi ako makakapayag na madali niya lang makukuha ang first kiss ko! No! Never. Kala mo Marco Aquino, Humanda ka sa akin! **** “Good morning, Mia.” I heard someone voice habang nakadapa akong natutulog at may umuuyog sa akin. “Who's hmmm” walang gana kong sagot. Wala pa ako sa huwisyo, nasa kama pa ang katawan ko kaya hindi ko kilala kung sino yung yumuyugyog sa akin. Naramdaman kong iniharap ako nung taong katabi ko ngayon at doon naaninag ko ang pigura ni mom. Pikit ang isang mata akong sumagot. “Oh, mom… Good morning...” Umikot ulit ako patalikod kay mom nang bigla siyang magsalita. “Mia, may naghahanap sayo sa baba.” Huh? Umikot ulit ako paharap kay mom na kunot ang noo. Agad akong napa-isip kung sino 'yon. Alam ba niyang maaga pa at maaring tulog pa ako? Ugh! Hindi kaya si Dane–No! Kung si Dane yan ay dapat siya na mismo ang umakyat at gumising sa akin. Like what he done last time. “Okay po mom, susunod na lang po ako.” tamad kong sagot. Umalis na din si mom. Bumangon na lang ako kahit inaantok pa ako. I really don't know kasi kung anong oras ako nakatulog. Basta ang naalala ko lang–I was thinking some plans para magantihan yung leche na Marco na yon! Naligo, nagbihis ng pinakamaayos na damit at short, Nagsipilyo at nagbrush ng hair. I think this is enough. Nagmadali akong bumaba hanggang sa naaninag ko kung sino siya.. Si Cas lang pala with–Oh darn! “What the— ” biglang sabi ko kasi pagkita ko nasa baba si Cas at si— MARCO... Paano nalaman ng damuhong ito kung saan ako nakatira ha?! Jusko kapag nalaman kong si Cassey ang nagsabi sa kaniya tatanggalan ko ng libag itong bruhang ito. Napatingin agad ako kay Cassey at pinandilatan siya ng mata. Umiling na lang siya. “Tsk tsk.” he tsked and look at his back, para kunwari'y walang nakakarinig? Ganun na lang 'yon? Bakit ba naandito itong impaktong ito? Akala niya ba nakalimutan ko yung ginawa niyang kahihiyan sa akin. Ugh! Nag-iinit na naman ang dugo at ulo ko. “Oh princess, Iiwan ko na muna kayo dito ha?” Mom said. Hindi pa ako nakakasagot ay tinalikuran na agad ako ni mommy at hinarap si Marco at Cassey. “Dear, if you need anything just let me know ha? Make yourself at home. Si Mia na bahala sa inyo, right Mia?” I rolled my eyes at napamewang. Hindi ko sinagot si mom. Kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi umalis na. Napakamot na lang sa ulo niya si Cas habang itong impaktong ito ay sitting pretty. Sa pamamahay ko pa talaga? So anong pinapalabas niya? Na porket nakuha niya akong halikan eh madali na siyang makakapamasok sa bahay ko at magaakyat liga—ow! Ano ba itong pinag-iisip ko. Hindi nakakatulong eh! Hay nako! Ka-stress. “Oh, Ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Bes, sunduin sana kita kasi pinapasama ka ni mommy saamin na pumuntang tagaytay since it's weekends,” Cas said. So hindi niya kasama si Marco? I immediately shifted my eyes to Marco and– “Oh, ikaw Aquino... Bakit ka andito?” But instead of answering me. He just smirked. Wtf! "I'm serious, Marco. Don't smirk. Bakit ka naandito? At ayusin mo yung upo mo, wala ka sa bahay niyo." inis kong sabi. Kita kong nanlaki ang mata ni Cassey sa sinabi ko, mukhang nagulat siya sa mga inaakto ko. Well, I am just pissed because Marco is here! “Easy, Mia. Calm down. You can talk to Marco naman in a nice way eh.” ani Cassey. Agad ko siyang tinignan at pinanlakihan ng mata. “Cas, don't tell me you are on his side.” ani ko kay Cas. Cas immediately shook her head. “No... I'm just shocked...” sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa tungkol doon. Ibinalik ko ka agad ang tingin ko kay Marco. “Your mom said na make ourselves at home so I guess okay lang naman itong upo ko.” sarkastiko niyang sagot. Aba! "Dane told me yesterday na ikaw daw sasama sa akin ngayon... " he answered habang naka upo ng padequatro. Sabi sa inyo eh, sitting pretty at ang kapal talaga ng mukha. "Ano raw? Bakit daw?" I asked. At bakit ako naman ang papasamahin ni Dane. T-Teka?! Di ba dapat kaming dalawa ni Dane since I am his vice president? Kumunot ang noo ko. “W-What?! Did he really said that?” inis kong tanong. “T-Teka? Bakit ikaw pa, pwede namang si Maya na lang.” He shrugged his shoulders. “I don't know. Why don't you ask him, I thought you guys are friends?” sabi niya at para bang iniinis niya ako. Pinaningkitan niya ako ng mata. Well, If he thinks that because of what Dane saw yesterday, he can blackmail me and ruin us. Well, I won't let that happen! Never. Naguusap pa kami ni Marco nang biglang tumikhim si Cassey at sumingit na sa usapan. "Bes. Mukhang hindi ka available ngayon. Don't worry, I'll going to explain to mommy na hindi ka pwede ngayon...” she said. Huminga na lang ako ng malalim. I don't think this will be a good idea. She smirked at me na parang tuwang tuwa pa siya na hindi ako makakasama sa tagaytay. Lumapit siya para bumulong sa akin "Bes. Yung plan eto na!" I pushed her away. Kaya naman pala tuwang tuwa ang bruha. May binabalak palang kagagahan. “Shut the fvck up! I don't know what are you saying.. Just leave!”  Sumpa ata itong makilala ko itong lalaking ito eh. Tapos isa pa talaga tong si Cassey, napaka!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD