Kabanata 3

1631 Words
“Oh! Anyare, Mia? Bakit parang tanga ka diyan na nakatayo. Let's go? Lunch time na.” bungad agad ni Cassey. Napadaan kasi siya sa SC room, sakto kasing andoon ako at nakatayo sa labas. Bwesit na nga ang nangyari kanina, may isa pang bwesit na dumagdag. Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip na isang kagaya ni Marco ang makakatapat sa akin. No freakin' way! Nung makita ko si Cas ay halos mapunit ang labi ko kakangiti. I need to think and be calm. For sure nandaya 'tong si Marco. “Ay! Thank you, Lord.” I murmured. “Tapos na ako mag-lunch.. Pwede bang favor, Cassey?” sabi ko sabay pouted with twinkle twinkle eyes. “Yuck! Kadiri ka, Mia. Wag ka ngang mag-pout. Ang pangit mo 'don.” naasiwa niyang sabi. Wala akong nagawa kung hindi umirap sa kaniya. Okay, walang palag ang powers ko sakaniya ngayon dahil I need her help. “T-Teka? Ano bang favor 'yon? Siguraduhin mong hindi maagrabyado ang pagiging babae ko ha?!” Binatukan ko siya. Siraulo 'to. May sapak ata utak nitong kaibigan ko eh. “Aray! Brutal bes.” aniya. “Ang OA mo kasi. Magka-agrabyado naman ng pagiging babae kala mo ibubugaw kita.” sarkastiko kong sagot. Bumuntong hininga ako saka ko itinuro ang mga boxes na nasa gilid. “Papatulong lang naman akong magbuhat eh! Pabuhat nga.” Agad na nanlaki ang mata ni Cassey. Di niya ata inaasahan na magpapabuhat ako ng mga files papuntang faculty. Kainis kasi si Dane eh. Bukod nga doon kay Marco kanina, ito pa ang iniisip ko. Ang daming boxes na gusto niyang buhatin ko at dalhin sa faculty. Tinignan ko muli si Cassey at sa itsura niya ngayon, halatang-halata na ayaw niya. “Dali na, Cas please.. Stressed na ako. Damn this papers! Gago kasi talaga ‘tong si Dane. Oo, gusto ko siya pero gusto niya ata na mapilayan ako!” Napakunot ng noo si Cassey at ngumuso sa akin. Napakamot pa nga siya ng ulo kaya naman lalo kong nakumpirmana gusto niya talaga akong tangihan. “Ehhhhh! Kaya mo naman na kasi 'yan Mia.” reklamo niya. Umiling ako at itinuro ang sapatos ko. “Ay! Hindi ko 'to kaya Cas. Tignan mo, I wore 4 inches stiletto. Dali na, Cassey!” pagmamakaawa ko. Nagbago bigla ang itsura ni Cassey ng at napatingin sa paahan ko. Iniikot niya ang eyeballs niya tsaka bumuntong-hininga. “Ibang klase ka din eh. Bakit ka kasi nagsusuot ng stiletto? Hindi ko mawari kung talaga bang nasa Student Council ka nagseserve or araw araw ka lang pumupunta dito para rumampa.” sarkastiko niyang sabi. “Sige na nga, Mia! Shuta ka.” Binuhat ni Cas yung isang box at ako naman doon sa dalawa. Nang makarating kami sa loob nang Faculty ay inilapag ko lahat nang boxes ba dala ko. Since lunch time naman na, inutusan ko si Cas na bumili ng foods namin at sinabihan siya na doon na lang kami sa office kakain. “Ano, Cas? Ikaw nalang muna bumili ng pagkain natin ah. Ayusin ko pa 'tong mga files na iniwan ni Maya.” sabi ko sa kaniya. Meron kasing defense si Maya ngayon kaya hinayaan ko na. Tumango ito at mabilis na umalis ng hindi nagsasalita. Abala ako sa pag-eencode ng mga names na ipapasa ko kay Dane. Importante kasi 'to. Nang bigla na lang may naramdaman akong humawak sa kamay ko, agad akong napatayo sa gulat. “Hala! I-Ikaw pala M-Marco?!” Napaiwas ito ng tingin at agad na dumistansya saakin. Grabe. Feeling ko tuloy may nakakahawa akong sakit. “A-Ah! Akala ko kung sinong tao dito. Ikaw lang pala..” sinserong sabi nito. Nginitian ko siya at binalik ang sarili ko sa ginagawa ko. Ito kasing si Marco, di ko inaakala na may pagkamahiyain at may pagka-maginoo. Sadyang ako lang talaga ang di maka-unawa sa kaniya. “Oh, bakit ka ba andito?” tanong ko. Hindi pa din mawala yung inis ko na napantayan niya ako. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko saka inilabas ang laptop niya mula sa bag nito. “A-Ah! May pinapagawa kasi saakin si Ms. Patricio.” seryoso na naman niyang sagot. Ayun, ayon si Marco. Masyadong moody. Kanina mukhang jolly ang aura yas ngayon galit-galitan na may pagkaseryosohan 'yan. Inirapan ko nalang siya. Boring, walang thrill. Oo! Wala siyang thrill kasama. Wala ka manlang mararamdaman na iba sakaniya. Well, hindi naman siya yung tipo—Omfg! Biglang nag-pop sa isip ko yung deal namin ni Cassey. Hala! And speaking of her, baka mamaya maabutan niya kami dito ni Marco. Malintikan na! Tumayo ako at kinuha ang aking phone. I dialled Cas' number. “Excuse me, Marco..” Lumayo ako kay Marco tsaka sinagot ni Cassy yung call ko after 2 rings. “What?! Alam mo bang umuorder ako?” inis na tono. Napakamot ako sa ulo ko. Kinakabahan ako! Jusme ano ba 'tong nangyayare.. “C-Cancel my order. I have an important things to do. D-Don't bother yourself to go back here kasi maiistorbo lang kita... And besides, excuse ako sa next class kaya baka malate ka pa.” dire-diretso kong sagot. Bakas yung kaba sa boses ko pero tinatago ko lang. Baka hindi pa maniwala 'tong babaeng 'to eh. “You sure? Pwede naman akong magski—” “No.. No, No need na C-Cas! I–I can handle this!” kabado kong sagot. I know Cas and she's not that easy type of girl pagdating sa lokohan. Malakas ang sensor niyan eh! “Bye!” I didn't let her have a chance to replied because Marco is now staring at me na para bang may natutunugan na siya. I smiled at him to keep my mind in set. Binaba ko na ang aking phone at umupo sa may pwesto ko kanina. Phew! *** ONE HOUR. We took one hour to finished our own works. Pagkatapos kong ma-encode lahat ng dapat i-encode ay dahan-dahan kong isinandal yung likuran ko sa sandalan ng kinauupuan ko. Nakakapagod ang buong araw. Kung hindi lang ako excuse sa Trigonometry ngayon di ko talaga 'to gagawin. Pasalamat nalang at excuse ako sa Trigo ngayon. Whooo! “Are you done?” tanong ni Marco saakin. Nakasandal na din siya sa upuan niya at hinihilot ang kaniyang sintido. Nilingon ko siya at inilingan. “K-Kakatapos ko lang.. B-Bakit?” Ngumiti siya sa akin. Wtf! That's the first time. And seeing him smiling—gosh! Kakaiba. Napataas ang kilay ko. “D-Did you just smile?” tanong ko. “H-Huh?” “Sabi ko, ngumiti ka ba?” ulit ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Yes. Why? Creepy ba?” Umiling naman ako at ngumiti. “No! Bagay kaya sayo.. Nagmukha ka ng tao. Palagi ka kasing naka poker face kaya para kang ewan..” suhestyon ko. Then he chuckled. “Sorry for that.” paumanhin niya. Well, medyo maayos naman pala ang ugali niya. “By the way, since we're done. Do you want to have a merieñda with me?” aya niya. Medyo kumakalam na din naman ang sikmura ko kaya tumango na ako. Habang naglalakad kami sa hallway ay wala pa kaming masyadong nakakasabayan na estudyante dahil may mga klase pa sila. Kaya naisipan kong tanungin muna si Marco about something. “U-Uh! Can I ask you something, Marco?” Napalingon ito saakin. “What?” I cleared my throat. I just want to ask this one dahil gusto kong manghingi ng idea if I'll going to continue our sh!tty deal or what. “D-Do you have a girlfriend?” tensyunado kong tanong. He started to take his eyes upon me. Diretso na siyang nakatingin sa daan ngayon. Feel ko tuloy he is not comfortable with my question. “Nevermind, I'm just curious baka bigla nalang may humila ng buhok ko, 'di ba?!” “Wala. I had no girlfriend, at wala akong balak.” he shyly retorted. Mabilis kong inangat ang tingin ko sakaniya. Seriously? Sa ganda niyang lalaki wala siyang girlfriend! Atsaka ayaw niya? “Why are you gay?!” “Wtf! Hindi 'no!” mabilis niyang sagot. Natawa ako ng bahagya kasi medyo defensive siya. Well, nice try Mia. “Okay! Hahahahaha I'm sorry. Nasabi ko lang kasi mukhang takot ka sa babae. Why?” Bigla namang sumimangot yung itsura niya at tinalikuran ako. Hala, hindi kaya na-offend ko 'to? “O-Oy! Nagalit ba kita? Sorry ah..” pero wala pa din siyang kibo. Patuloy siya sa paglalakad na para bang walang naririnig. Ako naman 'to at habol ng habol sa kaniya. Nako! Baka hindi pa ako nito ilibre eh. Wala pa naman akong cash ngayon. “Oy sorry na... Hindi ko talag—” Natuod ako sa kinatatayuan ko ng biglang hinarap ako ni Marco at lumapat ang—Putangina yung first kiss ko! Yung labi niya sa labi ko. Parang huminto lahat ng tao sa paligid ko. Pati ang t***k ng puso ko parang bumabagal. Malambot. Masarap. 'Yan ang lasa ng labi niya. Aish! Ang manyak ko. Habang tumatagal mas lalong nagiging malambot yung labi niyang nakalapat saakin. Hindi ko magawang putulin ang magkalapat namin mga labi dahil parang may magnet na kusang nakadikit. Paano? Pilit nagtatalo ang isipan at puso ko. Hindi ko alam kung bakit mabagal ang galaw ng mga tao, pati ang tyan ko'y parang may paru-paro. “M-Mia?!” Doon na ako nagkalakas at naitulak ko si Marco. Parehas kaming lango sa halik na nangyari, hindi ko masabi kung anong halik yun dahil wala akong alam. Basta matagal na naglapat ang aming mga labi. Tila nilamon ako ng hiya ng matanaw ko kung sino yung nasa likuran ko at yung nagsalita. Si D-Dane?! Nakita ni Dane ang lahat? No!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD