Chapter 1

2789 Words
Chapter 1 Luna’s POV Tahimik ang araw sa bahay ni Jude. Ang mga malalaking bintana ng sala ay bumabalot ng liwanag ng tanghali, ngunit sa loob, tila malamig ang hangin, parang may bigat na bumabalot sa bawat sulok. Nakaupo ako sa tabi ng sofa, nakayuko at pilit pinipigil ang bawat paghinga ko. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, sa pagitan ng aking ama, ni Don Santiago, at ni Jude. Dumating si Papa kanina, dala ang kanyang mga dokumento at ang pormalidad na karaniwan sa bawat pulong nila. Kasunod niya si Don Santiago, ang kasosyo nila sa negosyo. Wala akong kalayaan sa oras na iyon ang bawat kilos ko ay sinusubaybayan ni Jude, na nakatayo sa gilid, nakamasid sa bawat galaw ko, nakangiti pero may tagong kontrol sa mga mata. “Ramon, kumusta ang plano natin para sa expansion sa Maynila?” tanong ni Don Santiago habang nakatitig sa dokumento sa kamay ng aking ama. “Maayos, Santiago. Kung maayos ang pagpapatakbo, mas malaki ang kita at mas tatatag ang partnership natin,” tugon ng aking ama, may matinding kumpiyansa. Tahimik akong nanatili sa isang sulok, nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nila. Sa bawat pangungusap, paulit-ulit kong naririnig ang pangalan ng aking magiging asawa si Jude. Parang bawat pagbanggit ng pangalan niya ay naglalagay sa akin sa masikip na hawla na hindi ko mapalayas. “Ang isa sa mga susunod na hakbang ay ang pagpaplano ng engagement nina Luna at Jude. Sa ganitong paraan, mas maayos ang ugnayan ng pamilya at negosyo,” dagdag ni Don Santiago. Napatingin ako sa sofa, sa lugar kung saan nakaupo si Jude. Tahimik lang siya, ngunit ramdam ko ang presensya niya. Hindi niya kailangang magsalita nang malakas para iparamdam sa akin na ako’y nakabantay sa bawat galaw niya. Ang bawat kilos niya, bawat ngiti, ay may halong pang-uutos at kontrol. “Gusto kong masiguro na magiging maayos ang lahat. Si Jude ay marunong sa negosyo at disiplinado. Kaya makakaasa ka, Santiago, magiging maayos ang lahat,” tugon ng aking ama. Tahimik akong huminga. Para sa kanila, ang kasal ay isang business strategy isang hakbang para masiguro ang kinabukasan ng negosyo at pamilya. Para sa akin, ito ay isang pagkakakulong ng damdamin at kalayaan. Habang patuloy ang usapan, pinag-usapan din nila ang mga detalye ng negosyo: ang expansion sa Maynila, ang mga proyekto na papasok sa bagong taon, at ang pagbubuo ng bagong partnership sa ibang kumpanya. Si Jude ay nakatayo sa tabi, nakikinig, at sa bawat punto na tinalakay nila, ramdam ko ang presensya niya hindi lamang bilang anak ng kasosyo kundi bilang banta sa aking kalayaan. “Ramon, kailangan nating tiyakin na maayos ang lahat bago ang engagement. Ang negosyo ay may malaking stake dito, kaya dapat walang sablay,” sabi ni Don Santiago. “Tama, Santiago. Kaya ko ring alagaan ang lahat. Mas magiging matibay ang relasyon ng pamilya at negosyo,” sagot ng aking ama. Sa bawat pangungusap nila, unti-unting naramdaman ko ang bigat ng aking mundo. Hindi ko lang pisikal na nakakulong lang bawat salita, bawat plano, ay parang pader na pumipigil sa akin na huminga nang malaya. Ang kasal para sa kanila ay isang bahagi ng kontrata, para sa akin, isa itong tanikala na pumipigil sa aking pag-ibig at pangarap. Lumapit sa akin si Jude, parang maamo, ngunit ramdam ko ang bigat sa kanyang presensya. Ang bawat ngiti niya ay may halong pangingibabaw. “Luna, wag kang mag-alala. Gusto ko lang na maging maayos tayo,” sabi niya, ang tono ay mabait pero may tagong pang-uutos. Hindi ako umiimik sa kanya. Alam ko ang totoong kahulugan ng bawat salita niya. Hindi ito simpleng pag-aamo; ito ay paraan ng pagkontrol, ng pananakot sa akin nang hindi direktang sinasabi. Ang bawat kilos niya ay paalala na kahit gaano ko gustong kumilos, may banta at limitasyon sa bawat galaw ko. Naalala ko ang mga araw sa Maynila bago ako napunta dito. Ang paulit-ulit na pagmamanipula, ang hindi pagpayag sa sarili kong desisyon, at ang kawalang-kakayahan kong ipaglaban ang sarili ko noon. Ngayon, ramdam ko ito ulit ang kahulugan ng kapangyarihan ni Jude, at ang kawalan ko ng kontrol. Habang nakaupo ako sa sofa, tahimik kong pinagmamasdan ang kanilang galaw . Sa isip ko, naglalaro ang ideya ng pagtakas. Hindi ko alam kung paano at kailan, ngunit alam ko na hindi ko hahayaang kontrolin nila ang buong buhay ko. “Kailangan kong makahanap ng paraan para makalabas dito… hindi ko kayang manatili sa buhay na ito nang nakatali at walang kalayaan. May paraan… darating ang pagkakataon ko,” bulong ko sa sarili ko. Iniisip ko ang bawat detalye: ang oras na walang bantay, ang mga pinto na puwedeng gamitin, at ang pinakamalapit na ruta palabas. Bawat sandali ay iniisip ko kung paano ko maiiwasan ang anumang nakagapos sa akin pisikal man o emosyonal. Hindi ko lamang iniisip ang pagtakas bilang simpleng pag-alis. Iniisip ko rin ang buhay ko pagkatapos, ang pagkakataon na muling mabuo ang sarili ko at sundin ang pangarap ko. Sa bawat segundo, unti-unti kong nararamdaman ang apoy ng determinasyon sa puso ko isang apoy na kahit anong pilit nila, hindi nila mapapatay. “Jude nasaan na ba ang magaling mong anak bakit hindi siya nagpapakita?” Tanong ni Don Santiago kay Jude. “Hindi ko alam kung nasaan siya papa. Bahala siya kung anong gawin niya sa buhay.” Sagot naman ni Don Santiago. “Nagulat ako may anak na pala si Jude. Baka siya yung napansin ko noong araw ginahasa na ako ni Jude.” Naglalaro sa isipan ko. “May anak ka na pala Jude?” Tanong ni papa sa kanya “Oo sa dati kung kinakasama pero hiwalay kami anak lang nasa akin pero sobrang tigas ng ulo akala mo’y may sariling mundo. “Ilang taon na din ang anak mo 24 years old na siya ngayon maaga kasi akong nagka anak Ramon.” Sagot ni Jude kay papa. “Ah ganun ba wala naman kaso yan Jude hindi naman halatang may edad ka na para sa anak ko.” Wika ni papa kay Jude. Nagpatuloy ang pulong ng aking ama at ni Don Santiago. Pinag-usapan nila ang mga detalye ng operasyon, ang plano sa marketing, at ang pagpapalawak ng negosyo sa Maynila at iba pang lugar. Bawat hakbang ay maingat na pinag-isipan, bawat desisyon ay may kasamang analisis sa profit margin, at bawat proyekto ay may kasamang planong pangkasal. “Kung maayos ang lahat, magiging seamless ang transition ng bagong management sa Maynila,” paliwanag ni Don Santiago. “Tama. At kailangan natin na si Luna at Jude ay maging maayos sa simula pa lang. Ang engagement ay simula lamang para masiguro ang kinabukasan ng pamilya at negosyo,” sagot ng aking ama. Tahimik akong nakaupo, nakayuko, at pinipilit panatilihin ang mukha na parang walang nararamdaman. Ngunit sa loob, puno ako ng galit, takot, at pagnanasa na makalaya. Sa pagtatapos ng pulong, habang ang dalawang lalaki ay abala sa pagpirma ng mga dokumento at sa pagpaplano ng negosyo, tahimik akong nakatayo sa tabi, pinagmamasdan ang kanilang dalawa. Alam ko na ang susunod na hakbang ay hindi lamang pisikal na pagtakas, kundi pati emosyonal ang pagpaplano kung paano makakalaya mula sa mga taong kontrolado ang buhay ko. “Darating ang araw na hindi nila ako makokontrol. Darating ang araw na ako ang magdedesisyon para sa sarili ko,”bulong ko sa sarili ko, ramdam ang init ng determinasyon sa puso. Ang laban para sa aking kalayaan ay nagsisimula pa lamang. Sa bawat segundo na lumilipas, mas malinaw sa akin na kailangan kong maging maingat, matalino, at matatag. At kahit gaano man kahirap, alam ko na may paraan para makalabas sa hawla na ito at sisimulan ko iyon sa lalong madaling panahon. Nilapitan ako ni papa at kinausap. “Anak sana maligaya ka sa piling ni Jude tandaan mo anak nakasalalay ang ating negosyo sa inyong dalawa ni Jude.” Wika ni papa sa akin. Hindi ko siya inimakan at nakadungaw lang ako sa bintana na kinatatayuan ko. “Huwag ka ng magtanim ng galit sa akin anak ginagawa ko lang ito para nakakabuti ang future mo kay Jude. Alam kong hindi ka niya pababayaan pag naikasal na kayo.” Sambit niya sa akin. Habang sinasabi niya sa akin ay nakatanaw pa rin ako sa malayo at tumutulo luha ko. Hindi ko mapigilan ang pagluha ng aking mga mata. “Alam nyo papa sarili niyo iniisip nyo tapos negosyo paano ang prinsipyo ko papa naisip nyo ba yun? Alam nyo ba wina langhiya ako yan lalaki niyan papa hindi ka naawa sa sarili mong anak papa!” Inis kong sabi sa kanyang harapan habang umiiyak. “Anak kahit hindi pa kayo kasal itinuring asawa ka na ni Jude kaya hayaan mo na tanggapin mo na lahat Luna na magiging asawa ka na niya balang araw.” Wika ni papa sa akin. Umalis na siya sa harapan ko habang umiiyak pa rin ako nakaharap sa bintana. “Hindi ko sila mapapatawad kahit magulang ko sila ipinagkaloob nila ako sa lalaking hindi ko gusto.” Sambit ko habang naka tanaw sa malayo. Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakayuko, at pilit pinipigil ang bawat paghinga ko. Ang bawat hakbang ni Jude sa loob ng bahay ay parang dagundong sa aking tenga, paalala na hindi ako malaya. Habang nakamasid siya sa akin, alam kong bawat galaw ko ay sinusuri lahat ay may limitasyon, lahat ay kontrolado. “Kailangan kong makaalis. Kailangan kong makalayo bago masira ang lahat sa paligid ko,” bulong ko sa sarili ko. Ang puso ko ay mabilis na tumitibok sa takot, ngunit may halong pag-asa. Alam ko na hindi ito magiging madali. Hindi lang pisikal na pinto ang kailangang lampasan; may mga mata at tagapagbantay sa paligid si Jude, at ang plano ng Kailangan malaman kung anong oras siya lumalabas, anong oras siya natutulog, at saan siya madalas na abala. Kung may pagkakataon na siya’y mawawala kahit saglit, doon ko sisimulan ang aking plano. Sinusuri ko sa isip ang bawat posibleng daanan palabas. May isang maliit na bintana sa likod na maaaring hindi agad mapansin. Ang mga pinto ay laging may alarm sa isip ko, kaya kailangan ng oras na wala siyang bantay. Iniisip ko ang posibilidad na may makakakita o makakaabala sa akin. Kailangan kong planuhin ang oras na walang ibang tao sa paligid, upang hindi mapigilan ang pagtakas. Bawat gamit sa paligid ay pwede kong gamitin: tela, kurbata, o kahit anong maliit na bagay na makakatulong sa akin para makalabas. Ang bawat detalye ay mahalaga, kahit ang pinakamaliit na hakbang. Habang nag-iisip, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili: “Hindi nila ako mapipigilan magpakailanman. Kahit gaano man kalakas si Jude o gaano kaayos ang plano ng pamilya ko, may paraan ako. May paraan ako para sa sarili kong kalayaan.” Ramdam ko ang apoy ng determinasyon na unti-unting naglalagablab sa loob ko. Ang takot ay nandiyan, ngunit mas malakas ang pagnanais kong muling mabuo ang sarili ko. Alam kong hindi ito isang madaling laban, ngunit ito ang laban na kailangan kong simulan ang laban para sa aking kalayaan, para sa aking puso, at para sa aking buhay. Sa isip ko, paulit-ulit kong pinaplano ang bawat galaw: oras ng pagtakas , ruta palabas , at kung paano iiwasan si Jude. Bawat hakbang ay dapat matalino, tahimik, at mabilis. Hindi lang ito basta pagtakas ito ay isang plano ng buhay na kailangang maisakatuparan. Humahanap lang ako ng tempo kung kailan ko ito gaganapin ang pagtakas ko dito sa mala empyernong bahay na ito. Lumipas ng mga ilang buwan tahimik lang ako ng manman sa loob ng bahay kung paano makakalabas dito. Kailangan kong ipaghanda ang konti kong gamit na dadalhin sa pagtakas. Ang mahalaga kaunting damit at ang importante ang sketchbook at paintbrush kit para sa pinakamamahal kong gamit sa buhay ko. “Konting tiis na lang Luna makakalaya ka din dito.” Sabi ko sa sarili. Naalala ko wala akong bakas nakikita ang anak ni Jude dito sa bahay sa ilang buwan kong nasa loob lang ng pamamahay nila. Hindi naman nila hinahanap ang bata at wala akong naririnig na banggit sa anak ni Jude. “Nasaan kay ang bata na yun gusto ko siyang makilala pero hindi ko nakikita kahit anino niya sa bahay.” Sa isip ko. Dumaan ang isang tao nanatili pa rin ako nakakulong sa bahay. Makakalabas lang ako pag kasama si Jude o may business meeting na gusto akong isama. Malapit na takda ng aming kasal ni Jude pagkatapos kong mag 30 papakasalan na daw ako. Hindi pa ako handa magpakasal sa kanya hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano makatakas sa kanila puder at magpakalayo layo. Nakisama na lang muna ako sa mga gusto nilang mangyari para hindi ako mahala nila. Gustong gusto ko ngmakawala sa empyernong bahay na ito. Saktong aalis si Jude at ang kanyang ama ngayon araw na ito. Narinig ko pagbaba ko sa hagdan nag uusap silang dalawa. Naka isip ako ng paraan para maiwan ako sa bahay. Nag dahilan ako para hindi ako makasama sa lakad nilang dalawa. “Ahhh! Aray! Ahhh! Ang sakit sabay hawak ko sa tiyan ko habang pagbaba ko sa hagdan. Napatingin sila sa akin agad habang nagiinarte ako masakit tiyan ko. “Oh anong nangyari sayo Luna?” Tanong ni Jude sa akin agad sinalubong sa hagdan. “Ang sakit ng tiyan ko!.” Sambit ko sa kanya agad na nag iinarte. “Ano bang nakain mo Luna? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital para mapa check up natin yang iniinda mo?” Tanong niya sa akin. “ No, saglit na cr ako ah! Ang sakit talaga!” Napapasigaw ako habang pa akyat sa taas pabalik sa kwarto namin. “Sundan mo doon anak anong nangyari kay Luna.” Utos ni Don Santiago kay Jude. “ Sige po papa pupuntahan ko lang si Luna sa kwarto.” Paalam ni Jude sa kanyang ama. Pinuntahan niya ako agad sa kwarto at doon nadatnan niya akong nasa loob at nakakulong sa loob ng banyo namin. Kinatok ako ni Jude sa pinto. “Luna, are you okay?” Tanong niya sa akin. “Ang sama ng tyan ko Jude.” Sagot ko agad sa kanya. “Gusto mo dalhin na lang kita sa ospital?” Tanong ni Jude sa akin. “No, pahingi na lang ng gamot sa tiyan dyan para inumin ko.” Sabi ko agad sa kanya. “ Sige saglit kukuha ako medicine para sayo.” Wika ni Jude. Narinig ko ang yapak ng kanyang sapatos palabas ng kwarto. “Oh Jude kamusta si Luna?” Tanong ni Don Santiago kay Jude. “Nag lbm ata si Luna need niya medicine papa.” Sagot ni Jude kay Don Santiago. “Paano yan aalis na tayo. Mag ka meeting pa tayo Jude.” Wika ni Don Santiago sa kanyang anak. “ Sige po papa saglit bigyan ko lang medicine si Luna. Hindi na lang muna natin siya isasama dahil sa karamdaman niya ngayon.” Wika ni Jude sa kanyang papa. “Sige sabihan mo na lang siya aalis tayo at maiiwan na lang siya dahil masakit ang tiyan niya.” Wika ni Don Santiago sa kanyang anak. Bumalik si Jude sa kwarto dala na ang gamot at tubig. “Luna ito na gamot mo.” Sabay katok niya sa pinto. “Saglit na banyo pa ako Jude pa iwan na lang dyan sa mesa.” Sabi ko sa kanya. “Hindi ka na lang namin isasama Luna nagmamadali na kami ni papa sa ka meeting namin ngayon.” Wika ni Jude sa akin habang nasa pinto. “ Sige Jude hindi ako makakasama dahilan sa pag lbm ko ngayon.” Sagot ko naman sa kanya. “Pag kailangan mo ng tulong nandyan naman si Manang Gloria sasabihan ko na lang siya Luna.” Sabi agad ni Jude sa akin. “Okay Jude.” Sagot ko sa kanya. Nakiramdam muna ako sa kanya kung lumabas na siya sa kwarto at bumaba para puntahan ang kanyang papa naghihintay sa kanya. “Oh halika na Jude at tayo’y mahuhuli pa sa ka meeting natin.” Wika ni Don Santiago sa kanyang anak. Agad na silang lumabas at nagtungo agad sa kanilang sasakyan para maka alis na sila agad sa pamamahay nila. Dahan- dahan akong lumabas sa banyo at pumunta agad sa bintana para dumungaw kung naka alis na ba ang kanilang sasakyan. Nakita ko ang pag alis ng sasakyan at lumabas na sa gate. Agad kong kinuha ang mga gamit ko na ready na para makatakas sa pamamahay na ito. Pinalampas ko muna ng ilang minuto sa pag alis nilang mag ama. Saka nagmasid na ako sa loob ng bahay kung nasaan sila ni manang Gloria at ibang kasambahay sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD