CAN YOU BE MY LAST DANCE
' '
I still remember the time when we were 10 kung paano kami nagkakilala ni Jason. He is my neighborhood. Kilala rin nila Mama ang mga magulang niya. Ang Mama ko at ang Mama niya ay magkakaibigan na noon pa man. Kaya hindi imposibleng maging kaibigan ko siya. Lalo na't lagi silang nasa bahay. He become my friend and protector.
Magaling siya pagdating sa sayaw at sa katunayan nga niyan ay naging ace at leader namin pagdating sa mga competition namin sa school.He become my classmate and closed friend,Hanggang sa umabot kami ng Highschool.Dumating sa punto na umamin siya at niligawan niya ako.
One year passed,at naging kami.Maganda ang simula.Naging Healthy ang relationship namin. Legal kami both side and supportive ang mga magulang namin. Siya bilang isang choreographer at dancer habang ako ang number one supporter niya. He become my comfort zone and he treat me like I'm his home. He said that he was lucky to have me but the truth is I'm lucky to have him. He was the gentle and loving man I've ever had.
' , '
Naalala ko pa nga noon,siya ang naging partner ko sa thesis. Patuloy pa rin ako sa pagsusulat at pagta-type sa laptop nang maramdaman kong niyakap niya ako sa likuran at nilagay niya ang baba niya sa balikat ko.
"Pahinga na tayo." bulong niya sa'kin. Napangiti naman ako at dahan-dahang sumandal sa kaniya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang sintido ko. Kaya napapikit ako habang may maliit na ngiti pa rin sa aking labi.
"Nakakapagpahinga na ako." bulong ko sa kaniya.
"Sige nga paano? Kanina ka pa type ng type diyan." bakas sa boses niya ang pagkairita at pagtatampo. Natawa naman ako ng mahina.
"You hugged me and it recharge me Babe." bulong ko. Tumingin naman ako sa kaniya. Nakasimangot naman ito sa'kin. Kaya lalo akong napangiti ng malawak. Bago humarap sa kaniya ng tuluyan. Hindi pa rin umaalis ang kamay niya sa katawan ko kaya madali lang akong nakaikot at dahan-dahan yumakap sa kaniya. Naramdaman kong sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Hinaplos ko naman ang buhok niya. Hanggang sa out of nowhere nagsalita siya about sa future namin.
"Gusto kong makasal tayong dalawa tapos sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Hanggang makabuo tayo ng isang pamilya na may mini-Sandra Requile-Velarmino at mini-Jason Velarmino." sabi niya. Natawa naman ako ng mahina. Tumingin siya sa'kin.
"Tapos sabay kayong tatakbo sa'kin. Kapag galing akong work. O diba ang ganda ng future home ko. May reyna at prinsepe at prinsesa sasalubong sa'kin." ngiting sabi niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang sinasabi niya lahat ng pangarap niyang kasama ako. And I can say I see a perfect vision of our future. Napangiti naman ako at yumuko. Naramdaman kong hinawakan niya ang pisnge ko at inangat ito.
"Bakit?" umiling ako.
"Masaya lang ako kasi may nakilala akong lalaki na mamahalin ako ng walang katulad." sabi ko.
"I'll be the perfect Man for you because you're perfect enough for me. I love you Sandra." Napangiti naman ito sa'kin bago ko naramdaman ang mga labi niyang dumampi sa noo ko.
He never kissed me on my lips kasi sabi niya he want to serve it for our wedding day. At dahil doon mas lalo ko siyang minahal. He respect and love me. At sana hindi na ito magbago.
Until one day, kailangan sa school namin ng representative para sa international contest. Isa siya sa napili bilang ka-duo at representative. Naging masaya ako sa kaniya nakilala ko rin ang magiging kasama niya. Kung sino ang magiging ka-partner niya mula training hanggang sa contest. Siya ang pinsan ko. Si Elaine tiwala ako sa kaniya, sa kanila. Suportado ako sa lahat ng mga araw na nag-pa-practice sila. Isa ako sa mga sumisigaw kapag sila na ang nasa stage.
Nakita ko kung paano naging masaya si Jason. Kung paano kumislap ang mga mata niya habang nag-pe-perform siya. Habang patuloy na tumutugtog ang malamyos na musika. Nakita kong lumingon siya sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya at nakita ko siyang kumindat sa'kin. Kaya napatawa ako.
anggang sa dumating na ang araw na kailangan na nilang umalis para sa isang buwan nila sa California. Kailangan na raw kasi nilang masanay sa lugar at hindi mailang sa mata ng mga audience. Kasa-kasama pa akong naghatid sa kaniya papuntang airport. Lumapit siya sa'kin.
"Babalik ako." sabi niya sa'kin.
"Maghihintay ako." sabi ko. Ngumiti siya sa'kin bago niya hinalikan ang noo ko at bumulong siya.
"I love you."
"I love you too."
' ' ,
Patuloy pa rin ang komunikasyon namin. Pinalabas sa T.V ang performance nila. Maraming akong nabasa sa social media tungkol sa kanila. Maraming may gusto na sila ang magkatuluyan pero napapangiti na lang ako dahil lagi naman sinasabi sa'kin ni Jason na huwag akong makinig sa kanila. Dahil ako lang ang mahal niya.
anggang sa dumating ang araw natapos na ang isang buwan bumalik siya sa'kin pero ang hindi ko maintindihan bakit parang naging kulang na. Bakit parang may mali na. Lagi niya naman sinasabing mahal niya ako pero bakit hindi na katulad ng dati. Bakit wala ng kislap 'yong mga mata niya? Nasaan na 'yong taong babalik sa'kin na mahal pa rin ako.
He keep saying I love you but he also break my heart because it was not true.
Isang araw inutusan ako ng Professor ko na kumuha ng isang reference book sa library at sa hindi inaasahang pangyayari nakita ko silang dalawang magkasama. Masaya na nagtatawanan. Tumingin ako kay Jason. Pinagmasdan ko ang mga mata niya.
Eyes is the reflection of your true emotion and I can say he is genuinely happy and contented to be with her na dati sa akin ko lang nakikita. Sa'kin niya lang pinapakita. It's just a small span of time pero bakit ganoon kadaling mawala 'yong pagmamahal niya. Bakit ganoon kadaling kalimutan na ako 'yong mahal niya. Napahawak ako sa dibdib ko hindi ko namalayang tumutulo ang nga luha ko. Habang unti-unti akong napahikbi.
"I'm your first love but I thought I'll be your last. But I was wrong. But don't worry tatapusin ko lang ang taong ito habang kasama kita at kapag na tapos na papalayin na kita." Bago isang mapait na ngiti ang sumupil sa'king labi.
'
Napatingin ako sa envelope na nasa harapan ko. Ito ang invitation card para sa ball namin. This is our graduation ball. Nakasuot ako ng white dress na pinili niya noong isang araw. Ngumiti ako sa repleksiyon ko sa salamin pero hindi na katulad ng masayang ngiti ang nakikita ko puno na ito ng lungkot at sakit. Nakita ko namang namuo ang luha ko. Kaya tumingala ako at huminga nang malalim.
Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nakita ko siya sa nakatayo roon na masayang nakangiti sa'kin. Ngumiti naman ako bago lumakad papalapit sa kaniya.
"You looks stunning." sabi nito. Ngumiti ako. "And so are you." usal ko. Natawa naman ito sa'kin bago niya nilahad ang kamay niya sa harapan ko. Tumingin ako rito at malungkot na ngumiti.
This is the last day Sandra. Hold his hand tightly before the time end. Love him for one last time. Huminga ako ng malalim. Bago ko inabot ang kamay ko sa kaniya.
"Let's go." saad ko. Ngumiti ito.
'
Everything went well. The venue is perfect. The sound, the food and the rest is great. Hanggang sa umaabot na sa huling program. Tumingin ako sa M.C. at nagiging mellow ang music. Napahinto naman ang ilan na parang naghihintay sila sa susunod na mangyayari.
"Hi guys, this last program is called "My Last Dance." This is the last minute of this day and I want you to grab the person who you want to be with until the end of the minute. Then confessed it's about love or goodbye." sabi nito. Narinig ko namang nagbulungan ang mga tao doon. Napangiti lang ako.
Kanina pa ako rito pabalik-balik sa dance floor isasayaw ng mga kaklase ko tapos babalik ulit kung nasaan upuan namin ni Jason. Ganoon lagi pero ni minsan hindi niya pa ako niyayang magsayaw. Kaya nagulat na lang ako bigla itong nilahad ang kamay niya. Tipid naman akong napangiti at inabot ang kamay niya.
Naglakad kami sa dance floor. Naging dim ang light. Nilagay niya ang kamay niya sa beywang ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya. Narinig ko naman ang pintig ng puso niya.
This is the last time I will hear his heart beating loud and clear. Mapait akong ngumiti. Bago ako lumingon sa kaniya. Pero sana hindi na lang pala ako lumingon kasi mas lalo lang nitong dinurog ang puso ko. Napasubsob ako sa dibdib niya habang naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko.
"Ako 'yong nandito. Ako 'yong kasama mo pero bakit iba na ang laman ng puso mo. Bakit sa iba na nakatutok ang mga mata mo. Hindi na ba ako naging sapat? Ako na naman ang nauna sa puso mo pero b-bakit parang ako pa ang nagmumukhang mang-aagaw" nasasaktang bulong ko.
Naramdaman kong huminto na kami sa pagsasayaw. Niyakap niya ako ng mahigpit. "S-Sandra." sabi niya. Tumingin ako sa kaniya. Habang umaagos ang mga luha sa mukha ko. Pero kung titingnan kami sa malayo siguro hindi halatang nasasaktan ako dahil sa pwesto naming dalawa nagmumukha lang itong magandang eksena.
Oo magandang eksena kung saan papalayain ko na siya.
"B-Bakit?" tanong ko. Pinunasan niya naman ang luha ko.
"B-Bakit hindi na a-ako? Ang sabi mo babalik ka pero bakit hindi na kasama ang p-puso mo. Bakit hindi na ako mahal mo? May pagkukulang ba ako?" tanong ko.
"Wala." mahinang saad nito. "Na sa'kin. I'm sorry pero m-mahal ko na siya." napapikit naman ako habang dahan-dahan na yumuko. Napahawak pa ako ng mahigpit sa mga damit niya.
"I-I'm s-sorry." sabi niya.
"Bakit? Bakit?" paulit-ulit kong saad pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Napahikbi naman ako.
"I'm sorry." sabi nito sa'kin. Inangat ko naman ang mukha ko at tiningnan siya.
"Can you kiss me for one last time? Before I let you go. Please." sabi ko. Tumango ito. Bago dahan-dahan niyang dinampi ang mga labi niya sa labi ko.
It is the sweetest thing yet the most painful thing I ever had. Napapikit ako habang tumutulo ang luha ko at habang unti-unti na niyang nilalayo ang labi niya. I can still whisper my last word for him.
"I love you and thank you. Goodbye." sabi ko habang umikot na ulit at mag-iba ang partner. Nakita ko si Elaine na nakahinto sa gilid namin. Kaya lumapit ako sa kaniya habang hawak-hawak ko ang kamay ni Jason. Hinawakan ko ang kamay ni Elaine at pinatong ito sa kamay ni Jason.
"Ingatan at mahalin mo siya kagaya ng pagmamahal na binigay ko sa kaniya. He is a great Man. Thank you and goodbye." sabi ko bago ko dahan-dahan binitawan ang kamay nila. At naglakad papalayo.
They say, when you enter the world of love. We have the role that we need to play. It's either we become the keeper or the handler. At ang pinakamahirap na role ay 'yong maging handler.
Iyong tipong sa'yo muna, ikaw muna pero sa dulo hindi na. Hanggang sa ikaw na ang magpaubaya at magpalaya para sa ikakasaya niya. Tumingin ako sa kanila.
He is my first kiss yet not my last.He is my first love yet he is not my last man.He is my first dance yet is not mine afterall because I'm just a handler that cross to his life to be the bridge to find the woman who will love him until the end.
Song: Pinaubaya
by Moira Dela Torre
Artwork:Ysabel Chaely Mhylz H. Bagsican