✧FAITH ZEICAN LEE✧ "SIR Faith?" Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin kay Colleen matapos niya akong tawagin. Tila nawala sa isip ko na nasa harap siya ng mesa ko at ipinaliliwanag sa akin 'yong tungkol sa bagong project. Pero mula kaninang nagsalita siya, parang wala akong narinig. Naglalakbay ang utak ko dahil dalawang linggo na ang lumipas matapos umalis ni Chloe at Poppy sa bahay, pero hanggang ngayon ay hindi pa ulit namin nakikita si Poppy dahil sa tuwing kokontakin ni mom si Mrs. Herald para hiramin si Poppy, Mrs. Herald refuses and seems to be making excuses that Poppy is busy. However, they never specify what Poppy is busy with. Si Chloe naman ay palaging dumaraan dito sa opisina ko tuwing hapon bago siya umuwi sa kanila gaya ng nakagawian niya. Pero simula nang marinig ko a

