✧FAITH ZEICAN LEE✧ ISANG linggo mahigit na kaming nag-aaral ni Poppy tuwing gabi through online. Meaning, isang linggo na rin akong puyat. Eleven ng gabi ang simula namin hanggang 1 a.m. At kaya lang ako nagtatagal nang hanggang ala una ay dahil bago pa man kami magklase ay lumalaklak na ako ng kape. Then, kapag muli akong nakaramdam ng antok, magkakape ulit ako para maituloy ko ang pagtuturo kay Poppy. At nakatutuwa na kahit papaano ay natututo na siyang magbasa nang Tagalog. Alam na niyang mag-Abakada. Although hindi pa siya gaanong mabilis at mahusay, pero nababasa na niya kahit papaano ang mga letra. Higit sa lahat, naituro ko na sa kaniya kung paano isulat ang pangalan niya. Ang problema nga lang, hindi pa rin siya pinapayagan ng parents niya na muling pumunta sa bahay. Chloe, on t

