✧FAITH ZEICAN LEE✧ SATURDAY, 7:30 A.M nang pumunta kami ni mommy, daddy at Summer sa mansyon nila Chloe. Naisip kong isama si mommy dahil nag-usap na kami na siya ang magpapaalam kay Mr. at Mrs. Herald para hiramin si Poppy. Dahil kahit papaano ay gusto kong i-consider ang mararamdaman ng fiancé ko. Ayokong saktan ang damdamin ni Chloe, lalo na at nagsisimula na siyang magduda sa akin sa pagbisita ko sa kanila nitong nakaraang linggo. Sa halip kasi na tatlong beses lang ako noon dumadaan sa kanila, naging araw-araw 'yon simula nang bigyan ko ng pera si Poppy. Walang palya ang naging pagpunta ko sa kanila, at sa tuwing darating ako roon, bukod sa pasalubong na dala ko para kay Chloe ay lagi rin mayroon si Poppy. At kapag naroon na ako, lagi kong kinukumusta si Poppy, kaya pati ang parents

