CHAPTER TWENTY-THREE: POPPY's POV ꧁ POPPY ꧂ KINABUKASAN. Linggo, ay maaga pa rin akong nagising kahit pa medyo late na akong nakatulog kagabi dahil sa dami ng mga inaral ko. Matapos kasi namin mag-aral ni Ate Summer, pagdating ko sa guestroom na inihanda sa akin ni Tita Keycee ay nag-aral pa ulit ako gamit ang mga learning apps na inilagay ni Kuya Faith sa cell phone ko. Buti na lang ay naituro niya 'yon sa akin kung paano gamitin kaya naman 'yon ang pinagpuyatan ko kagabi. Gayon pa man, kahit puyat ay nagawa ko pa rin magising nang maaga dahil sanay na ang katawan ko. Sanay ako na maikli lang ang tulog at kung minsan nga ay mababaw pa. Ewan ko kung bakit, pero simula noong nangyari ang isang insidente sa buhay ko noong five years old ako, ay hindi na ako nakakatulog nang mahimbing hang

