✧FAITH ZEICAN LEE✧ KASALUKUYAN akong abala sa sa trabaho nang bumukas ang pinto ng opisina ko at sumulpot si Summer at Poppy. Nagulat ako at agad napatayo sa upuan ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta sila rito. "Surprise!" Summer exclaimed, nakataas pa ang kamay. Si Poppy naman ay tahimik sa tabi niya, pero bahagyang may ngiti sa labi habang nakatingin sa 'kin. "Ano'ng ginagawa n'yo rito? 'Di ba dapat nasa bahay kayo at nag-aaral?" I walked over my desk para i-guide sila sa couch na nasa loob ng opisina ko. Sinundan nila ako roon, naupo sila. "Nagpaalam naman kami kay mommy at daddy para lumabas. May kinailangan lang bilhin na learning materials, then nag-date kami ni Poppy sa street market. Tapos tinanong ko s'ya kung gusto n'yang makita ang working place mo bago umuwi. She said ye

