꧁ POPPY ꧂ Five years old. "Ito pa. Para sa 'yo lahat 'to, Chloe." Isa-isang inilalabas ni Daddy ang mga bagong laruan sa malaking shopping bag at lahat 'yon inaabot niya kay Ate Chloe. Habang ako, nakasalampak ako sa malamig na tiles sa sala, nililibang ko ang sarili ko sa lumang puzzle na laruan ko. "At itong ipad, sa 'yo rin 'to." "Wow!" Nakikiramdam ko at umaasa na mayro'n din binili si Daddy para sa 'kin. Pero wala. Naubos ang lahat ng laman ng shopping bag na wala man lang siyang inabot sa 'kin. Nang makita niyang nakalingon ako at nakatingin sa kaniya, sinamaan niya pa ako ng tingin kaya agad akong napayuko at muling itinuon ang atensyon ko sa puzzle ko. Simula nang dumating si Ate Chloe rito sa bahay, siya na lang palagi ang pinapansin at kinakausap ni Daddy. Ako naman, la

