✧FAITH ZEICAN LEE✧ I WOKE up with the faint sound of rain tapping against the windowpane. My eyes flicked to the clock: 2:00 AM. Hanggang ngayon pala umuulan. Nagsimula 'yon kagabi pa habang nagkakasiyahan kami sa pagdiriwang ng advance birthday ni Poppy. Rinig ko rin ang pagpito ng hangin sa nakasara kong bintana dahil medyo malakas ang hangin sa labas. So far, kahit bumabagyo naging sobrang saya pa rin ng birthday niya. Kahit walang videoke, nagawan pa rin ng paraan na makapagkantahan kami dahil may Smart TV naman at internet. Si Hope ang nag-set up ng mic, pinangunahan nila 'yon ni Tito Betlog at sila ang nag-s-showdown sa pagkanta. Kapag kumakanta si Hope, sumasayaw si Tito Betlog. Kapag si Tito Betlog naman ang kumakanta, si Hope ang nagpapakitang gilas, na akala mo bulateng inasin

