Written in the stars 3

1325 Words
                                                                                        Tin "Good morning," he greeted. I almost flinched when I met his gaze. He just smiled at me. "Good morning, too," I greeted back. Napatingin naman ako sa kape na iniinom niya.  "Coffee?" he offered. There was a sly smile on his lips. I nodded my head and nakita ko na lamang siyang nagtitimpla ng kape. Grabe, I acted like we were close for some time now! Nilapag niya naman yun sa harap ko. Kinuha ko naman yung at hinipan dahan-dahan, amoy na amoy ang mabangong aroma from the coffee bean. "Yey! Coffee!" I exclaimed, excitedly. Kai, on the other hand, just chuckled while looking at me. I cleared my throat. "By the way, where's Brent?" I asked. "Oh, right. He needs to go to province. Auntie called him." napatango na lang ako sa kanya habang iniinom ang coffee. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Medyo nahihiya pa rin kasi ako sa kanya. Just a few hours passed, we decided to watch a series. FRIENDS. One of my friends told me about this. Wala namang mawawala kung papanoorin namang dalawa, I guess para na rin bonding naming dalawa para we got to know each other?  "Let's order pizza?" bigla naman niyang tanong sa'kin. I looked at Kai and nodded my head. "What flavor?" "Uhm pepperoni, please? You can order hawaiian if you want. It's just I don't eat pizza with pineapple on it." I explained to him. He laughed while looking at the television. "Don't worry about it, Tin. Same, I don't eat pizza with pineapple on it. Gross." He laughed at me. Grabe, wala bang pagod sa pag tawa tong taong 'to? He's always laughing! He's so carefree! And to think of it that he's an engineering student! Does he know stress?  "Make it cheesy, please," I uttered.  "Gonna ask you that, though," he said chuckling and tilting his head to the side. "Anyways, how about drinks? A beer, perhaps?"  "Sure! How much is my share?" I asked him, kukunin ko na sana ang wallet ko ng pigilan niya ako.  "It's okay, Tin. I got it already. My treat." He winked at me.  I pursed my lips. I don't know what to say to Kai. He just winked at me for Pete's sake! Ano mararamdaman ko sa ginawa niyang yun ha? Baliw.   After an hour dumating na rin ang pizza namin and drinks. Ito namang kasama ko walang pigil sa pag tawa habang nakain ng pizza and nainom ng beer. Kita mo nagustuhan din ‘tong series na pinapanood ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa tingin na naman kay Kai, ewan ko ba kung anong meron pag ngumingiti siya parang wala siyang problema parang ang gaan-gaan sa feeling, nadadamay ako. Parang wala akong dapat ipagalala pag nakikita ko siyang nakangiti. I can't help but to smile too. I sighed and drink my beer while watching FRIENDS.  "You want to eat?" bigla naman niyang tanong sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong medyo naniningkit ang mga mata nito. I think because of the beers that we had. I chuckled while pointing at his eyes. "Are you drunk?" "Nope, I'm good," he told me and smiled. "So, you wanna eat?" He asked me again. "Where to?" tanong ko naman sa kanya.  "I'm craving for silogs, though, but you choose," sabi naman niya sa'kin habang inaayos ang mga pinag inuman namin. Nag kalat ang mga cans sa lamesa kaya bigla naman din akong napatayo at tinulungan na rin siyang magligpit. Habang nililigpit ko ang iba pang mga kalat ay nakita ko siyang pumunta sa terrace at nag sindi na naman ng cigar. He smokes a lot, like a lot. Pinuntahan ko naman siya at kinatok ang glass door patungo sa terrace. I smiled at him. "I'm down for silogs tonight," Sabi ko at ngumiti ulit sa kanya. He nodded and puffed one last time bago iyon tinapon sa basurahan.  "I'll just get my keys," sabi niya at tumango na lang ako. I checked myself in the mirror, well, I look okay, though. Naka sweatshirt and shorts lang ako. Hindi ko naman kailangan mag bihis pa, I just put some tint on my lips and cheeks. I'm now ready to go. Bigla naman bumukas ang kwarto ni Kai at nakita ko itong nakasweatshirt, jersey short and slides. "Let's go," sabi niya sa'kin. Lumabas naman kami agad ng unit at dumiretso sa parking para sumakay na sa sasakyan niya. Habang nabyahe kami ay tahimik lang kaming dalawa but not a awkward silence, though. Pinapanuod ko lang ang mga building sa labas nang bigla kaming tumigil sa isang karinderya. He smiled at me.  "Tara."  Hindi ko naman na hinintay pag buksan niya pa ako ng pintuan, bumaba na agad ako at pagka pasok na pagka pasok namin sa karinderya ay na amoy ko na agad ang bango ng bawang na ginigisa for the garlic rice. Grabe sobrang bango. Naupo muna kami sa isang table at tinitignan ang kabuuan ng kariderya. Hindi siya normal na karinderya para sa'kin. Looks like this is a mini restaurant may tv and aircon pa ang loob! "This is my favorite silog house," bigla naman sabi ni Kai sa'kin habang tinitignan ang menu. I looked at him and caught him smiling while looking at the menu. "What's your order?" He finally looked at me.  "Mixed tapa and tocino, please?" I said while looking at him. He nodded and sinabi na agad ang order namin sa counter.  "What did you order?" tanong ko naman sa kanya pagkarating niya galing counter.  "Tocilog, masarap mga silog nila rito," sabi niya sa'kin habang nakatingin sa TV. I think he's watching basketball game.  "You play basketball?" I asked him, mukha kasing interesado siya sa pinapanood niya kaya naman napatingin siya sa'kin. Ngumiti siya at uminom muna ng tubig bago ako sagutin. "Yes. I love the sport, too, kaso wala masyadong time," tumango na lang ako at hindi na nagsalita hinayaan ko na lang siya manood kasi halata mo sa kanyang gustong-gusto niya yung pinapanuod niya. Natigil lang ang panonood niya nung biglang dumating ang order namin. Oh god, naaamoy ko na agad ang garlic rice nila and sure na sure ako masarap 'to, amoy palang! Narinig ko naman ang biglang pag tawa ni Kai. "What?" I asked him, tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha ko. He just shook his head. "You look cute when you're smelling the garlic rice," He chuckled. Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa lang naman niya. Habang nilalagay ko naman ang suka sa platito ay bigla ko naman siyang nakita na may pagtataka sa mga mata niya habang nakatingin sa ginagawa ko. "Why?" I asked him. "Ba't ka naglalagay ng suka? Para saan?" tanong niya sa'kin habang tinitignan kung ano pa ang susunod kong gagawin. "Sawsawan ng tocino and tapa?" patanong kong sagot sa kanya at bigla siyang tumawa.  "Seriously?" he chuckled while putting some chili oil in my vinegar. "Put some of this, mas masarap. You weirdo. Akala ko ako lang nagawa noon dahil sinasabihan ako ni Brent na weird dahil sa sawsawan ko," sabi niya na ikinatawa naming dalawa. "Siya ang weird kamo! The best kaya ang tapsilog and tocilog pag suka ang sawsawan!" Proud na proud ko pang sabi sa kanya dahilan para tumawa siya nang tumawa.  Kumain na lang kami habang pinapanuod pa rin ang game sa TV sa restaurant. Parang gusto ko pang bumalik dito dahil sobrang sarap ng food nila. Legit yung mga silog. Sa susunod I'll try pares and porksilog here! For sure babalik at babalik ako rito para subukan pa ang iba nilang silog.  "Babalik ako dito, promise! Sobrang sarap ng pagkain nila! Grabe ba't ngayon ko lang natuklasan to?" Sabi ko kay Kai. Napatingin naman siya sa'kin at natawa. "Konti lang nakakaalam dito sa silogan na 'to," sabi niya sa'kin habang nag sisindi na naman ng cigar. "Babalik talaga ako rito! Promise!" sabi ko sa kanya habang nakaupo lang sa trunk ng pick-up niya. "Yeah, sure. Let's go back here and eat their silogs in one sitting." He chuckled and I just rolled my eyes at him. Napatingala naman ako habang hinihintay siyang matapos mag yosi. I smiled while looking at the stars. Thank you, Stars, for a great day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD