Don't lose yourself in the process of loving someone so much."
-----
"Wow, ang ganda!" bungad ni Amber nang makababa kaming lahat ng sasakyan. Halos magkakasunod lang kaming dumating dito.
"Let's go! Ligo na tayo? Waa! I'm so excited!" natutuwang aya ni Michelle.
Napairap nalang ako. Kakadating lang maliligo agad?
"Hindi pa nga natin nalalagay yung gamit natin eh? Ligo agad?" hindi ako sigurado kung nagtunog sarkastiko ba nung sinabi ko 'yon. Tss.
She looked at me—nah, they all looked at me. "Galit ka?" she asked.
I smiled a little. "Nah."
Marc sighed. "She's right. Magpahinga muna tayo saglit."
May apat na kwarto para saming lahat.
Ang makakasama ko sa kwarto ay si Amber at Nathalie. Sa katabi naman namin ay si Arra, Athena at Michelle. Magkasama naman si Marc at Raizen sa isa, tapos sila Liam, Ken at Ryan naman sa isa pa.
"Ah, damn! Nakakapagod!" sabi ni Nath at nahiga sa isang kama, dalawa kasi ang nandito.
Naupo naman ako at pumikit.
"Nga pala, pinsan. May galit ka ba kay Michelle?" Nathalie asked.
Dumilat ako at deretsong tumingin sakaniya. "Why did you ask?"
Umiling naman siya.
"I don't hate her but I don't like her either.." i shrugged.
"Pero nagseselos ka, right?" Amber asked.
"Yes, I am." mabilis na sagot ko. Bakit ko pa itatanggi diba?
Nag-aya na sila lumabas pagkatapos nilang mag-ayos ng gamit nila pero sinabi kong dito muna ako dahil pagod ako.
Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na rin na lumabas na.
Napadaan ako sa kwarto nila Raizen at nakita kong medyo nakabukas ito. Lumapit ako at hindi ko inaasahan ang makikita ko. They are kissing while Michelle was sitting on his lap.
Nangingilid ang luha ko pero hindi ko maialis sakanila ang paningin ko.
Hindi na ako nabigla nang may magtakip ng mata ko. Naamoy ko ang pamilyar niyang amoy. Marc.
"Why do you keep hurting yourself?" he whispered. He hugged me tight.
Hindi ako sumagot at patuloy lang na umiyak. Ang sakit! Ang tanga tanga ko talaga.
"Marc? Coleen?" rinig kong boses ni Michelle 'yon.
Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko. Fudge! I don't want him to see me like this!
"Is she crying?" he asked.
"Ahm, yeah." Marc answered. Napatingin ako sakaniya. "Dysmenorrhea.." he said again.
Dysmenorrhea! Dysmenorrhea, Marc? We're on a beach!
"Oh, so you can't swim, Coleen?" ani Michelle.
I sighed. "I.. I guess so?"
"Hm, sige. Baba na kami. Sunod nalang kayo."
Hindi ko inalis sakanila ang paningin ko hanggang sa mawala na sila nang tuluyan.
Hinarap ko agad si Marc at hinampas sa braso niya.
He laughed. "What?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Dysmenorrhea, Marc? Really?" inis na sabi ko.
Tumatawa pa rin siya kaya hinampas ko ulit siya sa braso niya dahil sa sobrang inis.
"Tara na nga! Bwisit!" aya ko sakaniya. Tawa lang ang sagot niya pero sumunod na siya sakin.
Naabutan namin sila na naghahanda ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makita ko yung mga pagkain.
Naupo na kami ni Marc. Tumabi ako kay Amber, tumabi naman sakin si Marc.
Kung ano anong pinag-uusapan nila pero ako kain lang nang kain. Si Marc naman lagay nang lagay ng pagkain sa pinggan ko.
Tinapik ko yung kamay. "Ano ba? Paano ako matatapos nito, lagay ka nang lagay?"
"Ubusin mo nalang."
"Naks! Sweet naman talaga ng bata natin!" sabi ni Ryan.
"Tss." nagsusungit na naman siya.
"Ano na ba ang meron sainyo ha?" nang-aasar na tanong naman ni Liam.
"Pwede ba? Wag nga kami ang pansinin niyo. Tsk." sabi ko sakanila at umirap. "Maligo na tayo, bilisan niyo. Sayang ang oras." sabi ko pa.
Raizen looked at me. "I thought you're on your period?" he asked. Oh, demmit! Ito na nga ba ang sinasabi ko!
Isip ng palusot, Coleen. Bilis!
"A-Ahm.. Masakit lang yung puson ko dahil malapit na akong magkaroon... Yes, 'yun na nga, malapit na." I said. Lumingon ako kay Marc na nakangisi sakin. Inirapan ko siya! Pahamak!
Tumango lang si Raizen ngunit bakas sa mukha niya na hindi siya naniniwala. Sino nga ba naman ang maniniwala?
Umakyat sila sa kani-kanilang kwarto para magpalit ng panligo. Naiwan naman ako dito para ayusin yung pinag-kainan namin.
"Why did you cry?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita sa likod ko.
Nakita ko si Raizen na nakasandal sa may pinto habang magka-krus ang mga braso. So freakin' hot..
I cleared my throat. "Nothing.." i looked away.
"Really?" he said while walking towards me.
"Why do I have this feeling that you cried because of—" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may marinig namin ang boses ni Michelle.
"Babe?" tawag nito. Nilingon namin siya.
"Anong pinag-uusapan niyo, babe?" nakangiting tanong niya sa lalaki.
"I just asked her if she needed a napkin." he answered and smirked at me.
What the?! Seriously!!
"Oh. Meron akong dala just in case lang din. Kung kailangan mo nandoon lang sa room namin. Okay?" she smiled at me.
I just nod. Pagkatapos non ay lumabas na sila ng kitchen.
Saan naman napulot ni Raizen 'yon!
Dysmenorrhea? Napkin? What the hell!
Lumabas na rin ako at nagtungo sa kwarto namin para magpalit ng damit. Napili kong isuot ang red na swimsuit na dala ko. Nag-aalangan pa nga akong lumabas dahil nahihiya ako. Dati naman kasi ay kami lang nila Nathalie ang magkakasama sa ganito. Pero ngayon ay may kasama kaming mga lalaki. Argh! Bahala na.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa tabing-dagat, kung nasaan sila.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sakanila ay na sakin na agad ang paningin nila. Sumipol pa sila Ryan. Mga siraulo!
Lumapit ako kila Amber. Black na swimsuit ang suot ni Amber. Yellow naman kay Nathalie. White ang kay Athena at red din kay Arra. Blue naman ang kay Michelle. Masasabi kong bagay ito kay Michelle dahil maputi siya, ganun din naman kila Nathalie.
"Damn, C! Ang sexy mo!" nanlalaki at natutuwang sabi ni Athena.
"Ngayon mo lang nalaman?" naka-pout kong sabi na ikitawa nila. Napatingin naman ako sa mga kasama naming lalaki. Lahat sila may abs! Oh my god! Pero sa kanilang lima, mas maganda ang katawan ni Raizen. Totoo 'yon! Maputi rin kasi si Raizen.
Nagsimula na kaming lumusong sa dagat. May malakas na alon at natawa sila nang tangayin ako. Mabuti nalang at malapit sa pwesto ko si Raizen kaya nahawakan niya agad ako sa braso ko saka siya ngumisi. Bwisit na alon 'yan!
"Thanks!" sabi ko lang at lumayo sakaniya.
Nagbasaan lang kami ng paulit-ulit. Yung iba naman naglunuran pa. Mga baliw!
"Tara na. Lumalakas na ang alon.." aya ko sakanila. Sabay sabay kami umahon at nagpunta sa cottage namin.
"Inom tayo?" tanong ni Ryan.
Pumayag naman sila. Oo, sila lang.
Naupo kami sa tabing-dagat habang nakatingin sa bonfire. Walang nagsasalita.
"Ano ba 'yan ang lungkot! Maglaro nalang tayo." basag ni Amber sa katahimikan. Tsk. Naubos na niya yung isang bote niya. May tigta-tatlo kasi kaming bote. Binilhan na rin nila ako para daw kung maisipan kong uminom ay meron na.
"Truth or dare tayo!" sabi naman ni Arra.
"Okay, game. Ganito ang mechanics. Kung sino ang nag-ikot ng bote, siya ang magtatanong. Kung sino ang matapatan siya naman ang sunod na magtatanong, okay? Pag hindi nasagot yung tanong, may dare ha." sabi ni Amber. "Let's start.." pinaikot niya ang bote at tumapat ito kay Ken.
"Truth," sagot agad nito kaya nagtawanan kami.
"May nagugustuhan ka na ba?" deretsong tanong ni Amber.
I know, I know Amber likes him. It's freakin' obvious!
"Yes." he answered.
"Who?" she asked again.
Pinutol ko na. "Hep! Isang tanong lang diba?" i said while looking at her. She nodded.
Si Ken na ang nag-ikot at tumapat ito kay Raizen.
"Pre, truth or dare?" nakangising tanong ni Ken.
"Tss. Truth."
"Is it possible for you to leave Michelle for another woman?" tanong niya na ikinagulat ko. Kasi they're friends eh then he would ask him that kind of question in front of Michelle, diba?
Kumunot ang noo ni Raizen. "Of course not!" sagot nito.
Okay. Tanggap ko naman. Kinuha ko ang bote na para sakin at ininom ito.
"Dahan-dahan, Coleen! Hindi 'yan tubig. Ano ka ba?" sabi ni Arra na katabi si Ryan. Buti pa sila masaya! Ang unfair.
"Duh? Sanay ako uminom, 'no?" sabi ko.
Inikot na ni Raizen ang bote at tumapat ito kay Marc.
"Do you like her?" Raizen asked. Sinong her?
"Hindi mo pa nga ako tinatanong kung truth or dare eh." ani Marc.
"Do you like her?" ulit naman ni Raizen.
Marc smirked. "Yes, I like her." he answered while looking directly at Raizen.
Sino kaya?
Kinalabit ko si Marc, "Sino?" bulong ko dito. Umiling lang siya at ngumiti saka ginulo ang buhok ko. Hmp.
Pinaikot niya ang bote at tumapat ito kay Arra. Tinanong lang niya kung seryoso ba sila ni Ryan sa isa't isa. They said yes.
Sakanilang lima si Marc ang masasabi kong pinakamatino when it comes to his friend's relationships. He respects his friends and their partners. Hindi siya katulad ni Ken na magtatanong ng ganon sa tropa niya.
Si Arra ang sunod na nag-ikot at tumapat ito kay Michelle.
"Are you still a virgin?" tanong nito.
Nagulat naman kami sa tinanong niya. Maski si Raizen ay napansin kong nagulat, lalo naman si Michelle.
"Hon," saway ni Ryan sa babae.
Nilingon naman siya nito. "What? Normal lang naman ang tanong ko. Tayo tayo lang naman 'to eh." she said while pouting her lips.
Tumingin kami kay Michelle na halata pa rin ang pagkagulat dahil sa itinanong sakaniya.
"No.." sabi niya. "I'm not a virgin anymore.." tumingin siya kay Raizen. Inasar naman sila ng mga kasamahan namin. Ako naman ay muling uminom. Putangina lang.
I did not expect na ganoon kabilis nila magagawa ang bagay na 'yon. Bakit ba ako nasasaktan..
Inikot ni Michelle ang bote at tumapat ito sakin.
"You? Are you still a virgin?"
Oh, funny..
"Of course, I am. I'm not married yet.." I said and smiled at her sweetly. "Maglalakad-lakad lang ako." paalam ko sakanila.
"Samahan na kita?" alok ni Marc na tinanggihan ko naman agad.
"Saglit lang naman ako eh. Balik ako agad, don't worry." sabi ko at nginitian siya.
Tumalikod na ako sakanila at naglakad palayo. Pagkatalikod ko ay siya namang pagbagsak ng mga luha ko.
Nagawa na nila. Ibig sabihin, ganon nga nila kamahal ang isa't isa.
Wala ba talaga akong pag-asa? Titigil na ba ako? Lalayuan ko na ba talaga? Pero nasa iisang grupo lang kami. Lagi kaming magkakasama. Grabe, ang hirap naman nito.
Ilang oras akong nakaupo lang at pinagmasdan ang ganda at liwanag ng buwan. Ito ang gustong-gusto ko kaya kahit malayo ang Bulacan sa Batangas ay nagpupunta pa rin ako.
Yumuko lang ako at niyakap ang mga tuhod ko, hindi ko na rin napigilan ang paghikbi ko. Hindi ko alam na ganito pala kasakit 'to. Bakit? Bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi lumipat ka pa ng school. Bakit ba nagkita pa tayo? Bakit sayo pa? Bakit ba kasi may girlfriend ka pa? Bakit ang sakit, Raizen? Ayoko na nito. Ayoko nang maramdaman 'to. I want this pain to stop. Please..
"Can you please stop crying?" tanong ng pamilyar na boses.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ko, nakatingin sakin.
"Anong ginagawa mo dito? Baka hanapin ka ni Michelle." tanong ko habang pinupunasan ang pisngi ko pero lintik na luha 'to, ayaw paawat sa pagtulo.
"Tulog na siya." sagot niya at naupo sa tabi ko.
Lumayo naman ako ng bahagya.
"Why are you crying?"
Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa dagat habang yakap ang tuhod ko.
"Please, tell me I'm not the reason.." he whispered.
"I won't tell you, then."
Nagbuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.
"I'm sorry." as expected.
"For what?"
"For hurting you, for making you cry. Hindi ko naman sinasadya." pabulong niyang sabi.
I smiled sadly. "Mahal kita.."
"I'm sorry—"
"Pero anong silbi ng mahal kita, kung may mahal ka namang iba?"
Hindi siya sumagot.
"I admit, I'm in pain right now. Because of you.." i whispered. "But it's not your fault. Kasalanan ko 'to kasi hinayaan kong mahulog ako sayo. Una palang naman alam kong may girlfriend ka, diba? Napag-usapan naman na natin 'yan. Noong naglalaro palang tayo gusto na kita eh. Pero hindi ko inaasahan na lilipat ka sa school kung saan ako nag-aaral. Dahil mapaglaro ang tadhana, naging kaklase pa kita at dahil don, hindi ko na napigilan. Mahal na kita, Raizen." sabi ko at sarkastikong tumawa.
"Coleen.."
"Okay lang. Wala ka naman kailangan sabihin." nakangiting sabi ko sakaniya.
"Sana, ito na yung huling beses na magkakausap tayo." sabi ko na ikinalingon niya.
"What do you mean?"
Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm doing this for myself. Nasasaktan na ako eh. Pakiramdam ko kapag pinagpatuloy ko pa 'to, mauubos na ko." patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. "I want you to be happy so please, huwag mong isipin na kasalanan mo kung bakit ako nasasaktan. Huwag mo kong alalahanin. Okay lang ako. Masakit, but I'll be fine. I need to be fine.."
I smiled at him and started to walk away.
Ang sakit..
Pinalaya ko yung taong hindi naman naging akin. Posible pala 'yon, 'no?
Nakarating ako sa kwarto namin ng umiiyak pa rin. Mabuti nalang at tulog na sila Amber.
Nahiga ako sa kama ko at pumikit. Hinayaan ko lang tumulo nang tumulo ang luha ko.
Wala na. Wala na talagang pag-asa. Mahal na mahal niya si Michelle. Hindi ko naman mababago 'yon.
Sana bukas pag-gising ko, maayos na. Hindi ko kaya yung ganitong sakit. Hindi ko kaya..