Weeks has passed already.
I'm trying my best to act normal. Lalo na kapag magkakasama kami. Halos buong oras na magkakasama kami parating sila Amber lang ang nagsasalita. Hindi ako kumikibo. Hindi pa rin naman kami nagkakausap na dalawa mula no'ng gabing 'yon.
Madalas ko siyang makitang nakatingin sa akin pero kahit isang beses, hindi ko siya tinitingnan. Madalas ko rin mapansin sa kilos niya na gusto niya akong kausapin pero wala akong ginagawa para mangyari 'yon. Iwas ako sakaniya. Kahit gusto ko siyang kausapin, pinipigilan ko ang sarili ko dahil iniisip ko na para sa akin din 'tong pag-iwas na ginagawa ko.
"Hoy babae!" malakas na sabi ni Amber at tinulak ako ng malakas sa braso. Muntik na akong masubsob mabuti nalang at maagap si Marc at nahawakan ako bigla.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Ano ba?!"
"Ikaw naman kasi! Ano bang problema mo at hindi ka na nagsasalita diyan?!"
"Eh, ayoko nga eh." natatawang sagot ko.
Inirapan niya lang ako.
"Okay ka lang ba?" Nath asked.
Tumango lang ako. Argh! Bakit ba ako na ngayon ang napapansin nila. Mas okay pa kapag hindi eh.
"Are you sure?" nanigurado pa nga.
"Yep." nag-iwas ako ng tingin at hindi sinasadya na dumapo 'yon kay Raizen na nakatingin din sakin. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin.
"Exam na sa wednesday. Nag-review na ba kayo?" sabi ko sakanila.
Sabay sabay naman silang tumango.
"Guys! May sasabihin ako." nakataas pa ang kamay na sabi ni Ryan.
"Ano 'yon, hon?" tanong ni Arra na ikinalaki ng mata ko.
"Hon?" gulat kong tanong. Natawa sila sa reaksyon ko. Maliban siyempre, sakaniya.
"Oo. Masyado ka kasing lutang these past few days kaya hindi mo alam na nagliligawan na 'yang dalawa na 'yan." mataray na sabi ni Athena.
What? Sobra ba talaga akong lutang para hindi mapansin 'yon? Akala ko normal ang kilos ko, hindi pala.
"Ano ba kasing problema?" tanong ni Liam.
Napasimangot ako. Hay, ako na naman.
"Wala nga. Ayos lang ako. Iniisip ko lang 'yung exam." ngumiti ako ng tipid. Mukhang hindi sila naniniwala, lalo na sila Amber.
May magsasalita pa sana kila Amber pero inunahan ko na. "Ano 'yung sasabihin mo, Ry?" tanong ko.
He smiled. "Kung okay lang sainyo," pambibitin niya.
"Ano nga, tangina! Daming alam!" naiinis na sabi ni Ken.
"Hilig ni gago sa ganon." napipikon na sabi naman ni Liam.
Tinawanan lang sila ni Ken. "Punta tayo beach after exam?" sabi niya.
Naexcite naman ang mga babae. "Oh my god! Kelan?" natutuwang tanong ni Amber kay Ken na nagpasimangot sa huli.
"After exam nga eh."
"Psh! Pwede naman kasing friday afternoon. Pwede rin namang sa saturday na mismo." sagot naman ni Amber.
Ken raised his both hands na parang sumusuko. "Okay, okay."
"Friday night nalang tayo umalis, kung okay lang sainyo? Tapos sunday ng gabi naman tayo aalis doon." sabi ko.
Kasi kung friday night kami aalis, saturday ng madaling araw ang dating namin, so mae-enjoy namin yung pagpunta doon kasi monday ay walang pasok.
Tumango naman sila. "Okay, pwede 'yan. Para ma-enjoy natin." sabi ni Ryan.
"Saan naman tayo pupunta?" Arra asked.
Tahimik pa rin si Raizen sa pwesto niya. Nakikinig lang siya.
"Bataan? Batangas?" biglang sabi ni Raizen. Sakto.
"Oh, nagsasalita ka pa pala? Akala ko hindi na?" gulat kunwaring sabi ni Marc. Nagtawanan sila.
"Tss." tanging sagot ni Raizen.
"Bataan nalang, guys!" sabi ni Nath na sinang-ayunan naman naming lahat.
"Ipasa niyo muna ang exam niyo. Kapag nagkaroon kayo ng score na 74 pababa, hindi na kayo makakasama sa susunod na aalis tayo." seryosong sabi ni Marc. Well, sa aming lahat kasi siya ang pinaka masipag mag-aral.
"ANO?!" gulat na sabi ni Ryan.
"Deal!" sabi namin.
"ANO?!" si Ryan ulit.
"Hayaan mo na, hon." natatawang sabi ni Arra na nginusuan lang ni Ryan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nililigawan na siya ni Ryan.
-
Dumating ang araw ng exam, masasabi kong lahat kami ay naghanda para dito. Para makasama sa susunod na outing.
Nagsimula ang first subject namin, isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan ko, lahat sila seryoso. Lalo naman siyempre si Marc. Huli kong tiningnan si Raizen na seryosong-seryoso sa pagsasagot. Nabigla pa ako ng tumingin siya sa gawi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Natapos namin ang lahat ng subjects para sa araw na 'to.
Umuwi agad kami dahil kailangan pa namin makapag review para sa second day.
Kinaumagahan sumabay ako kila Mommy kumain para makapagpaalam din ako sa plano ng barkada.
"Mommy, Daddy, magpapaalam po sana ako?" nahihiyang sabi ko.
"Saan, baby?"
"Hmm, may plano po kasi kaming pumunta sa beach after exam. Sa friday po kami aalis. Pwede po ba akong sumama?"
Ngumiti si Mommy, "Okay, baby. But for now, exam muna okay?" sabi niya.
Tumingin ako kay Dad. "Well, the boss said yes already." he shrugged. Natawa naman ako.
Tumayo na ako at humalik sa pisngi nila saka nagpaalam na papasok na.
Pagkarating ko sa school, dumeretso ako sa room namin. Nandoon na sila Amber. Naupo ako sa upuan ko at binati sila.
"Nagpaalam ka na?" bungad niya. Tumango naman ako.
"Mamaya tayo pupunta sa mall ha?" sabi niya ulit.
I looked at her. "Why?"
"Duh? Siyempre bibili tayo ng swimsuit at mga babaunin bukas."
"Mags'swimsuit ka? Flat ka naman eh." pang-aasar ni Liam.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo ha! Mas malaki pa nga 'to kaysa kay Athena!" sagot niya. Sinaway ko naman agad siya.
Maya maya lang ay nagsimula na kaming mag take ng exam. Hindi naging madali pero natapos naman namin ng maayos. Sana pati score maayos no?
Lumabas kami ng room at nagpunta sa parking dahil nandoon na sila Athena.
Hiwa-hiwalay kami ng sasakyan. Si Arra kay Ryan. Sila Liam, Athena, Marc at Nathalie naman kay Raizen. Si Ken solo niya sasakyan niya. Tapos si Amber sakin sumabay.
Sa parking lot nalang ng mall kami naghintayan. Nauna sila Arra.
Pagkapasok namin sa mall ay department store agad ang pinuntahan namin. Namili kami ng mga swimsuit na susuotin namin. Pare-parehas naman kaming nagsusuot ng ganito nila Amber dahil hilig din naman namin magpunta sa beach. Kaming lima. Tapos bukas ay sampu na kaming pupunta dahil nadagdagan pa kami ng lima. Sila Raizen nga.
"Gutom na ko." reklamo ko.
"Ako din. Kain na muna tayo." Athena.
"Sige, hanap na kayo ng kakainan natin. Lagay lang namin 'to sa sasakyan." Ken.
Kinuha naman ni Marc yung sa amin ni Amber kaya binigay ko sakaniya yung susi ng kotse ko. "Thanks!"
"Mag Jollibee naman tayo, guys. Please?" sabi ko.
Palagi kasi kaming kumakain sa restaurant kaya sa Jollibee naman ako nag-aya. Wala namang nagreklamo samin. Nagchat lang ako sa group chat namin kung nasaan kami. Maya maya lang ay nakita ko na sila. Hindi lang silang lima, dahil may kasama si Raizen. Si Michelle.
"Who's that girl?" Nathalie asked.
Sabay sabay silang lumingon sakin. "Michelle." simpleng sagot ko.
"Mas maganda ka pa don." sabi ni Arra.
"Hindi nga lang gusto." natatawang sabi ko. Pero ang sakit nun ah!
Nakatingin sila sakin, nginitian ko nalang sila.
"Guys, si Michelle. Girlfriend ni Raizen." pakilala ni Ken. "Sasama siya bukas satin." dagdag niya.
What?! BAKIT?!
Hindi ka naman kaibigan ah. I sighed.
"Yes, we already know her." sagot ni Amber.
Tumingin sakin si Raizen. Nagkibit-balikat lang ako.
"Hi Michelle, I'm Athena." nakangiting pakilala ni Athena kay Michelle.
"My name is Arra." tipid na ngiti ang pinakita niya kay Michelle.
"I'm Nathalie. Coleen's cousin." sabi niya na ikinalingon ko.
"And I'm Amber. Coleen's bestfriend." matamis na ngiti ang ibinigay niya kay Michelle. Sinamaan ko sila ng tingin ni Nathalie.
Tumingin ako kay Michelle. "Coleen." simpleng pakilala ko at ngumiti ng tipid.
"Hello!" masayang bati niya.
"Okay, lets eat na!" aya ko. "Kami na ang umorder para sainyo. Pero may kasama pa pala kayo." I looked at her. "What do you want to eat? Ako nalang ang o-order." sabi ko.
"No need." He said. Pumila siya sa counter.
"Okay, let's eat!" sabi ko nalang at nagsimulang kumain.
Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na rin si Raizen dala ang pagkain ni Michelle. Kung ano ang inorder ko, 'yun ang kinakain niya.
Pagkatapos kumain ay nag-aya na sila umuwi dahil gabi na rin at may tatlong subjects pa kami bukas.
"Ahm, okay lang ba kung mag kanya-kanya nalang tayo ng sasakyan bukas?" tanong ko.
Lumingon silang lahat sakin. Kasama na yung dalawa.
"Bakit?" He asked.
Tumingin lang ako sakaniya at hindi siya sinagot.
"Please?" sabi ko sakanila. "Tutal lahat naman kayo may kasama eh. Sige na kasi!" pangungulit ko. "Sa sasakyan ko na lang lahat ng gamit at pagkain." sabi ko pa.
"Okay, fine!" napipilitang sabi ni Amber.
Nakakunot naman ang noo ni Marc habang nakatingin sakin. "Bakit?"
"Hay nako, Marc. Mabagal kasing kumilos 'yan, kung ano ano pa ang gagawin niyan kaya gusto niya siya lang mag-isa sa sasakyan niya." Athena said.
Nathalie nodded. "Late ka bukas. Sigurado ako diyan." she said. Natawa nalang ako at inirapan sila.
"Oo na! Oo na! Umuwi na tayo." sabi ko at lumingon kay Ken. "Ken, please? Pakihatid nalang si Amber?" nakanguso kong sabi.
Her eyes widened. "What?! No way! Sayo ako sasabay!" sabi niya at dumikit pa sakin.
"But, I'm tired."
"Argh! Sige na nga! Kila Marc nalang ako sasabay."
"Hindi ka na kasya. Kay Raizen din sasabay si Michelle eh." Marc answered her.
"Malamang." bigla ay nasabi ko.
Nakatingin sila sakin. Huminga ako ng malalim at, "Duh? Obvious naman kasi 'yon so please, don't look at me like that." pagdadahilan ko nalang. Aiiiish! Bad mouth!
"Defensive.." bulong ni Ryan na nasa may tabi ko lang. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Argh! Bahala nga kayo diyan! Uuwi na ako!" lumapit ako sa kotse ko at kinuha yung mga pinamili ni Amber na nasa backseat.
"Oh. Kay Ken ka na sumabay ah." sabi ko at ini-abot sakaniya yung puro swimsuit. "Bye! See you tomorrow." nakipag beso ako kila Amber ganun din sa boys, siyempre maliban dun sa dalawa.
Nagpaalam lang ako ng maayos kay Michelle at hindi ko naman na tiningnan pa si Raizen.
Pagkasakay ko sa kotse ko ay umalis agad ako para umuwi na. Nang makarating ako sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama.
Sana mag-enjoy ako sa outing. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, pero kasi siyempre girlfriend siya ni Raizen tapos nandun din ako. 'Eh, ano naman ngayon? Ano ka ba niya? Bakit nagrereklamo ka?
Argh! Nakakainis!
Maya maya ay tumunog ang phone.
Raizen:
Let's talk..
Napairap ako at binabalibag ang phone ko sa paanan ng kama ko.
"Wala akong pakialam sayo!" naiinis na sabi ko.
Nakatulugan ko ang inis na nararamdaman ko.
Kinabukasan ay mabilis akong nag ayos para sa pagpasok sa school. Last day na ng exam namin.
I admit, ang sakit sa ulo nitong tatlong subjects na natira! Earth Science, Probability and Statistics at Physical Science. Argh!
Pagkatapos kong magsagot ay lumabas agad ako ng room at nagpunta sa canteen. Sa pwesto namin.
Ilang minuto palang akong nakaupo ay naramdaman kong may naupo sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at argh, si Raizen!
Tinaasan ko siya ng kilay. "What are you doing here?"
"Baka dito din kami naka-pwesto?" patanong at sarkastiko niyang sabi.
Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin. Nagsuot nalang ako ng earphones at yumuko. Sumakit talaga ang ulo ko sa lintek na mga subjects na 'yon.
Nag-angat lang ako ng tingin dahil may nagtanggal ng earphone ko. Nasa tabi ko na pala siya.
"Ano bang problema mo?" inis kong tanong.
"Ikaw.."
"Anong ako?"
"anong problema mo?" seryosong tanong niya.
"Wala, okay? So please, leave me alone."
"Should I tell them to leave you alone?" he asked.
Lumingon ako sakaniya. "What?"
"Them." sabi niya at itinuro lahat ng estudyante na nandito sa canteen.
"You're not funny." naasar na sabi ko sakaniya.
"Of course, I'm Raizen." sarkastiko niyang sabi.
Huminga ako ng malalim at hinablot ang bag ko saka ako umalis dun. Nakakainis!
"Hey, wait!" habol niya. "Coleen, ano ba?" tawag niya. Hindi ko siya pinansin.
Hinila niya ako sa braso at pilit iniharap sakaniya.
"Nakakainis ka na! Bitiwan mo nga ako!" sabi ko na pilit kumakawala sa pagkakahawak niya.
"I'm sorry." he said. Binitiwan niya ako.
"Wala ka nang ibang sinabi kundi 'yang lintek na sorry mo na 'yan!"
Hindi siya sumagot.
I looked at him and crossed my arms. "Bakit ka nagso-sorry?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Because I.. I kissed you?"
We just stared at each other's eyes.
"Was it a mistake?"
Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Nagbuntong hininga ako at tinalikuran na siya.
Nabigla ako nang makita silang walo na pinapanood kami. Hindi ko nalang pinansin at nilampasan sila.
Nakarating ako sa parking lot. Pasakay na sana ako ng kotse ko nang may biglang humila sa braso ko. Halos mapatalon pa ako sa gulat.
"Ano ba! Nakakagulat ka!" sabi ko kay Marc.
He chuckled. "Sorry.."
I sighed. "Kailangan ko na umuwi. Mag-aayos pa ako ng gamit na dadalin ko." sabi ko.
He looked at me. "You.."
Tinuro ko ang sarili ko at takang tumingin sakaniya. "Me? What?"
"Yes, you." ulit niya.
"Ano nga?"
"You.. like him." he said. "Am I right or am I right?" dagdag niya pa.
Huminga ako ng malalim. "I do." I said and looked away.
"And you're jealous."
"I am."
"Raizen.." sumandal siya sa sasakyan ko at tumingala. "He's madly inlove with Michelle." he closed his eyes. "She is my cousin." he said and looked at me.
"What?" Nabigla kong tanong.
He nodded. "He's my bestfriend. Nagkakilala sila ni Michelle no'ng birthday ko at mula noon, nagustuhan na siya ni Raizen. Isang taon din bago tuluyang naging sila at malapit na nga silang mag apat na taon."
"Ahm, yeah. Nasabi niya nga."
"Ang alin?"
"Anniversary nila." I smiled at him.
"You're beautiful, kind, smart and a strong girl. Pero hindi 'yon enough para iwan ni Raizen si Michelle." sabi niya. Nilingon ko siya. "Don't get me wrong. What I mean is, he's madly in love with Michelle. Gagawin niya lahat wag lang siyang iwan ng pinsan ko, ganon niya kamahal 'yun."
Napapikit ako nang maramdaman kong pangiliran ako ng luha.
Niyakap niya ako. Doon tuluyang tumulo ang mga luha ko. "C-Can I be her?" umiiyak na tanong ko sakaniya. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.
"I'm always here for you, okay?" he said.
"What is the meaning of this?" someone asked behind us. Si Ryan. Kasama ang iba pa naming kaibigan at si Raizen.
Bumitaw ako kay Marc at tumalikod para punasan ang mga luha ko.
"Tss." 'yun lang ang isinagot ni Marc.
"Hoy! Kayo ha. Bakit kayo magkayakap? Kayo na ba?" nang-aasar na tanong samin ni Liam.
"Bakit ka umiiyak, Coleen?" tanong naman ni Nathalie.
Marc looked at me and sighed.
"Huwag na nga kayong tanong nang tanong. Pwede ba?" inis na sabi ni Marc.
"Protective, huh? I like it.." Amber said. Tinakpan naman ni Ken ang bibig ni Amber.
"Sa amin na ni Nathalie sasabay si Coleen." biglang sabi ni Marc.
"Oh, no, no. Kayo nalang. Kila Amber na lang ako sasabay." sabi ni Nathalie at ngumiti sakin.
"Oo, tama 'yan! Ayaw kong makasama si Ken sa iisang kotse!" Amber said.
"Feeling mo naman! Akala mo ba gusto kita kasama? Hindi no!"
"Eh, bakit sumasama ka pa rin samin?!"
"Malamang, nandun sila Liam eh."
Lakas talaga ng boses ni Amber. Hindi yata siya nauubusan ng energy. Hindi na rin ata sila titigil sa pag-aaway araw-araw.
Nagpaalam na ako sakanila na uuwi na ko para mag-ayos ng gamit dahil mamayang 10pm kami aalis.
Pagka-uwi ko ay mabilis akong nag-ayos ng gamit ko at nagpahinga sandali. 6:30pm palang naman. May kaunting oras pa ako para magpahinga.
Nagising lang ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Sinagot ko.
"Hello?"
["Nakapag-ayos ka na? 9:30 nandiyan na ko."]
"Ano?! Ang aga pa kaya!"
["Anong ang aga pa? 9pm na. Don't tell me.."]
What?! Dumilat ako at tumingin sa phone ko para tingnan kung anong oras na at shet, 9:10pm na! Kakain pa ako at maliligo! Oh, s**t!
"Okay, wait lang. Maliligo lang ako."
["What-"]
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Pinatay ko na agad yung tawag at dumeretso sa banyo. Naging mabilis lang ang pagligo ko. Bakit ang bilis ng oras!
Pagkatapos kong mag-ayos at kunin ang mga gamit na dadalhin ko ay bumaba na ko. Nakita ko si Marc na kausap sila Daddy. Nang makita niya ako ay agad siyang sumimangot.
I bit my lower lip as I walk towards him. "Sorry. Nakatulog kasi ako eh." i pout.
Pabiro siyang umirap na ikinatawa nila Mommy. "Kumain ka muna baby. Mahaba ang byahe niyo, magugutom ka don." I nodded.
Tumingin ako kay Marc. "Sama ka? Kumain ka na ba?"
"Oo, kanina pa. Kanina pa kasi ako nandito." masungit niyang sabi.
I laughed. "Kaya nga sabi ko diba ako nalang mag-isa babyahe para walang naghihintay sakin. Ikaw 'tong gusto akong isabay eh. Hmp!" inambahan ko siya at iniwan kasama nila Mommy.
Kumain agad ako at mabilis na inubos 'yon. Nakakahiya naman kasi na mahal na hari na naghihintay sakin sa sala. Note the sarcasm, please.
Kumuha pa ako ng tinapay at nutella para kakainin ko mamaya sa byahe.
"Dami naman niyan?" biglang tanong sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat!
"King ina. Papatayin mo ba ako, Fajardo?!" sigaw ko sakaniya. Letse!
Tumawa siya. "Bakit naman?" inosente kunwaring tanong niya.
"Kanina mo pa ako ginugulat sa parking, ah!"
"Kasalanan ko ba kung magugulatin ka, ha?" balik tanong niya.
Lumapit ako sakaniya, "Ah, so sinasabi mo na kasalanan ko?" pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hihi, ang cute naman talaga nila." dinig kong bulong sa may pinto. Lumingon ako at nagulat nang makita sila Amber, maliban kila Raizen.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Eh, pano naman kase! Ang tagal niyo kaya nagpunta na kami dito!" sigaw sakin ni Amber.
"Hoy, babae! Huwag mo kong sigawan at nandito ka sa teritoryo ko!"
Nagtawanan sila. "Tara na nga. Huwag ka na mag-inarte." sabi ni Nathalie. Inirapan ko sila isa-isa.
Kinuha ni Marc yung mga gamit ko at nagpaalam na kami kila Mommy.
Pagkalabas ko ng bahay namin ay nakita ko ang sasakyan ni Raizen sa likod ng sasakyan ni Marc.
Sumakay na kaming lahat sa kaniya-kaniyang sasakyan.
"Pahinga ka muna. Ilang oras pa byahe natin." sabi ni Marc.
"Eh, baka antukin ka. Wala kang kausap."
"Okay lang. Sanay naman ako sa byahe." he smiled. I just nod.
Pumikit ako pero hindi ako nakatulog agad. Siguro dahil kakagising ko lang din naman.
"You're beautiful, kind, smart and a strong girl. Pero hindi 'yon enough para iwan ni Raizen si Michelle."
Bigla ay naalala ko ang mga sinabi ni Marc sakin kanina.
"Gagawin niya lahat wag lang siyang iwan ng pinsan ko, ganon niya kamahal 'yun."
Pano ba maging siya?
All my life, I never questioned my worth as a woman. Hindi ko kailanman hiniling na sana ibang tao nalang ako. Because I know my worth. I appreciate myself. Pero ngayon? Hinihiling ko na sana, sana ako nalang si Michelle. He loves Michelle so much that he's willing to do anything for her. Sana ako nalang siya. Sana talaga.
Nalulungkot ako para sa sarili ko. Dahil ngayon lang ako nag-isip ng ganito. Ngayon ko lang hiniling na sana, maging ibang tao ako. So desperate!
Mahirap bitawan ang taong kahit kailan ay hindi naging sayo. Pero mas mahirap kumapit lalo na kung wala naman siyang nararamdaman para sayo.
'You will be fine, Coleen. You will be fine.'