Chapter 2

3762 Words
Nandito ako ngayon sa room namin, dito ako dumeretso pagkatapos kong mapikon sa attitude ni Raizen. "Are you okay?" Marc asked. Yes, classmate namin sila. Sa dulo kami naka-upo. Sa kanan ko si Amber at sa kaliwa ko naman si Marc. Sila Raizen naman na sa likod lang din namin. I sighed. "Yes.." sagot ko at umiwas ng tingin. "How's your day?" tanong niya tsaka pinatong ang braso niya sa arm rest ko kaya magkalapit na mukha namin. "Disaster.." sagot ko at umirap. He laughed. "Bakit naman?" Bago pa ako makasagot nagsalita na si Liam sa likod namin. "Baka magkapalit na kayo ng mukha niyan ah." he said. Umepal naman si Ken. "Baka kamo maghalikan na 'yan." Nilingon ko siya. "What?" mataray na tanong ko sakaniya. "Hey.. huwag niyo na nga asarin pwede ba?" masungit na sabi ni Amber at tiningnan ng masama si Ken. "Chill. Huwag ka na magselos." Ken. "Selos mo 'yang mukha mo!" sabay irap kay Ken. Hindi naman na ako kumibo pa at hinayaan silang magbangayan kahit nakakarindi na. Si Raizen naman tahimik lang din sa pwesto niya. Ayos yan, ayoko rin marinig ang boses niya. Ilang minuto lang dumating na rin ang teacher namin at nagsimula na ang klase. May activity pa nga. Mukha ba akong nakinig? Sinabi niya na kung sino yung magkakapartner. "Liam Estrella and Ryan Acosta." "Shit." mahinang mura ni Liam na ikinatawa ni Ryan. "Tutulungan naman kita, gago." Ryan. Inirapan lang siya ni Liam. "Amber Caparas and Ken Bartolome." "What?!" reklamo ni Amber. "May problema ba, Miss Caparas?" taas-kilay na tanong ni Ma'am. Umiling lang si Amber. Kaloka talaga 'to. "Selena Salamat and Marc Fajardo." Nakasimangot akong lumingon sakaniya. Iba na nga kapartner ni Amber, iba pa rin ka-partner ni Marc. Ano ba 'yan! >_< "And lastly, Coleen Jessica Enriquez and Raizen Evangelista." Lalo akong napasimangot. What the fudge! Bakit siya pa kasi! Wait, did Ma'am Santos say my full name?! Oh, great! But wait, ano naman ngayon kung sinabi niya? Who cares naman diba? "Go with your partner and start doing the activity." Marc smiled at me. "Okay lang 'yan." Nakasimangot akong lumingon kay Raizen na nakatingin sakin. "Ako pa ba ang lilipat ng upuan?" I asked. Huminga lang siya ng malalim at tumabi sakin. Kahit gaano ka pa ka-bango, pikon pa rin ako sayo! "Ano bang gaga—" "So, Jessica.." he said. Hindi ko pinansin. "Ano na nga gagawin?" Hindi naman kasi ako nakinig eh. "Why didn't you tell me?" tanong niya na ikinataas ng kilay ko. "Does it matter?" "Yes, it is!" Sarkastiko akong natawa. "Seriously? I tried telling you, twice. Twice, Raizen. Nakinig ka ba? Hindi naman, diba? Bakit parang kasalanan ko pa?" sagot ko. Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sakin. "And, does it really matter? Ano naman kung hindi mo malaman yung totoong pangalan ko? Don't make it a big deal." sabi ko at saka ako tumayo. Hindi ko napansin na lahat sila nakatingin samin. The hell I care! "Excuse me, Ma'am." sabi ko at lumabas ako ng room. Narinig ko pang tinawag ako ni Amber pero hindi ako lumingon. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa nakarating ako sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ko. Aalis na sana ako nang magring ang phone ko. Si Amber. I sighed and answered the phone. "Why?" bungad ko. "Where are you?" "Parking." "Okay, wait for us." "Us?" sino naman kaya ang kasama niya? "Sino kasa—" she ended the call. Great! Ilang minuto lang nakita ko si Amber na naglalakad papunta dito. Kasunod sila Marc kasama na rin sila Nathalie. Uwian na rin naman at last subject namin ang Earth Science. "Hey. Saan ka pupunta?" tanong ni Amber nang makalapit sa pwesto ko. "Anywhere." Ramdam ko ang titig ni Raizen pero hindi na ako nag-abalang tingnan din siya. Mag-aaway lang kami nang mag-aaway niyan eh. "Sama kami pinsan?" Nathalie. I sighed. "Sakay." Sumakay silang apat sa kotse ko. Sa harap si Amber. "Are you okay?" Marc. "Yes, I am." nakatingin lang siya sakin. "Sige, alis na kami." sabi ko at umalis agad. Nakita ko pa sa salamin ng kotse ko na nakatingin sakin si Raizen. "What happened?" Athena asked. I shrugged. Si Amber ang sumagot. Sinabi niya kung sino si Raizen. "What?! Siya yung nakakalaro mo sa billiards?!" lakas ng boses ni Arra. Tumango lang ako. Sinagot ko na din mga tanong nila. Kahit yung sa totoong pangalan ko. Bakit ba kasi big deal 'yon sakaniya? Eh, pangalan ko lang naman 'yon? Ano naman nakakagalit don? Saka, may girlfriend siya. Laki ng problema sa buhay eh. Nakarating kami sa mall. Nag-ikot ikot lang kami hanggang sa napadpad na naman kami sa department store. Well, I'm with them and we're always like this. Bumili sila ng kung ano ano. Ako naman sa mga bags and sandals lang bumili. Ang dami kong damit sa bahay na 'di pa naman nasusuot kaya hindi na ako nag-tangka pa na bumili ng damit. Pagkatapos namin mamili, nagdesisyon na din sila na umuwi na dahil may gagawin pa daw na school works sila Nathalie. Tinanong ko na din si Amber kung ano ba yung activity na pinapagawa ni Ma'am Santos kanina. Formation lang pala ng rock cycle. Madali lang naman pala, 'di lang talaga ako nakikinig kanina. Hinatid ko sila isa-isa, kaya pagdating sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Nakakapagod 'tong araw na 'to. First day palang ng second sem 'to ha. Argh! Papasok na sana ako ng banyo nang marinig kong tumunog phone ko. One message from unregistered number. I'm sorry. Sino naman kaya 'to? Hmp, 'di bale na nga. Bahala siya. Mabilis akong naligo at nahiga sa kama ko para magpahinga na, hindi naman nagtagal nakatulog na rin ako dala na rin siguro ng pagod. Kinabukasan, nagising ako dahil sa paulit-ulit na katok sa kwarto ko. "Coleen, breakfast is ready. Gumising ka na diyan." boses ni Mommy. "Wait lang, Mommy. Sunod nalang po ako." I answered. "Okay, baby." narinig ko naman ang yabag niya papalayo. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Matapos kong gawin 'yon, kinuha ko na ang bag ko at bumaba. "Good morning, Mom, Dad." I greeted and kissed them on their cheeks. "Good morning, Princess." Dad. "Kamusta naman ang school mo?" Mom asked while eating. "Ayun, Mommy, school pa rin naman po. Nakatayo pa rin." pabirong sagot ko. Tinaasan niya ko ng kilay. "Seriously, Coleen Jessica?" "Hehe, joke lang My. Okay naman po. Maraming gawain pero kaya naman." "May boyfriend ka na ba?" tanong niya na nagpasamid sakin. "Mommy naman!" nakasimangot kong sabi. Mom and Dad laughed. "I'm just asking, baby." she smiled. Umiling lang ako. "Okay lang naman kung mag boyfriend ka. Ayoko lang na napapabayaan mo ang pag-aaral mo." Dad said. "Yes, Dad." sabi ko nalang. Matapos kong kumain ay nagpaalam na din ako sakanila. -School- Sinalubong ako nila Amber pagkarating ko sa parking lot. "Tagal mo!" reklamo niya. I looked at my phone. 7:15 am palang. Ang start ng first class ay 7:30. May 15 minutes pa. "Maaga ka lang." Natawa sila Athena. Wait... Tinitigan ko si Athena. "Bakit nakakulot 'yang buhok mo? Naka liptint ka pa? Graduation na ba?" pang-aasar ko. Inirapan niya ko. "Stop bullying me, Enriquez." Natawa ko. "I'm not." sagot ko. "Ano ngang meron?" pangungulit ko pa rin. Hindi kasi siya ganiyan eh. Simple lang siya pero maganda pa rin. Nanibago lang ako ngayon. "Asus, pano kasi nagpapa-cute 'yan kay papa Liam." sagot ni Arra. What? "Liam? Friend of Marc?" "Friend of Marc talaga? Hindi ba pwedeng Friend of Raizen?" pang-aasar naman sakin ni Nathalie. "Tigilan mo nga ako." masungit na sabi ko. "Crush ni Arra si Ryan." sabi bigla ni Athena na ikinapula ng pisngi ni Arra. Haharot. "Aha! Sabi ko na nga ba crush mo ako eh." dinig ko sa likod namin. Nakita ko ang grupo nila Marc. Lumapit siya sakin. "Hi." bati niya. "Hello. Pogi mo naman today?" sabi ko. Natawa kaming dalawa. "Huwag ka ngang assuming, Ryan! Hindi kita crush 'no!" reklamo ni Arra. "Anong hindi eh narinig kaya namin si Athena." sagot naman ni Ryan. Tinawanan lang namin sila. Hindi sinasadya, napatingin ako sa direksyon ni Raizen. He's looking at me. "Bakit?" tanong ko. Umiling lang siya. "Baliw." bulong ko. "I heard it." sabi niya. I shrugged. Lumingon ako kay Athena. "Bukas huwag ka na mag ganiyan, okay? Hindi bagay sayo." pang-aasar ko. Nanlaki mata niya. "Ang bully mo talaga! Raizen oh." sumbong niya pa kay Raizen na ikinatawa lang ng huli. I stuck out my tongue and laugh. Wala naman kasing magagawa pagsusumbong niya eh. Hmp! "Bakit sinusumbong mo kay Raizen, Athena?" Liam asked. "Wala kang pakialam." sabay na sabi namin ni Raizen. Nagkatinginan pa kami, nagtawanan naman sila. Inaasar pa kami. Inaya ko nalang si Amber na pumunta na sa room, sumunod naman sila Marc. Hindi namin kaklase sila Nathalie pero isang room lang naman pagitan kaya nagsabay-sabay na kami. Pagpasok naming pito sa room, natigilan sila. Eh? "Bakit kayo nakatingin samin?" tanong ko. Ako ang class president kaya lahat sila kaclose ko. Wala, share ko lang. "Wala lang, Pres." natatawang sagot ni Niko. "Mga baliw!" Habang papalapit ako sa upuan ko narinig kong tinawag ako ng grupo nila Selena. "Ilakad mo naman kami sakanila, Pres." sabi niya na nakatingin sa lima. Nilingon ko naman. "May mga girlfriend na 'yan eh." sagot ko. "Wala kaya." Ken. "Ah, wala?" tugon ni Amber tsaka lumingon kila Selena. "Wala naman daw pala. Itakbo ko kayo?" tanong niya. "Huwag ka na kasi magselos." rinig kong bulong ni Ken. Konti nalang din iisipin kong nagseselos nga siya. Hahaha! Hindi na ako kumibo at naupo na sa upuan ko. Ilang minuto lang pumasok na rin si Miss Diaz at nagsimulang mag-discuss. Tahimik lahat at nakikinig. Matapang kasi 'to. Matapos ang tatlong subject, lunch break na. Finally! Nag-iinit na ang ulo ko sa sobrang gutom! Nauna akong lumabas at hindi ko na sila hinintay. Sa canteen ko nalang sila hihintayin. Ang babagal! Naupo ako sa pwesto namin palagi, pagkatapos kong bumili ng pagkain. "Hoy! Hindi mo manlang kami hinintay! Ano 'te, gutom na gutom?" reklamo agad ni Amber. Masama ang tingin sakin. "Eh ang babagal niyo kumilos, nagugutom na ako!" sagot ko at nagsimula nang kumain. Sakto naman na dumating din sila Nathalie. Naupo na din sila, tumabi sakin si Raizen. Hindi ko nalang pinansin. Akmang aabutin niya ang inumin ko kaya mabilis kong pinitik ang kamay niya. "Sakin 'to. Bumili ka ng iyo. Alis!" masungit na sabi ko. "Ang sungit." bulong niya pero narinig ko pa rin. "Narinig ko 'yon!" "Eh, may tenga ka eh." pamimilosopo niya. "Argh! Umalis ka nga! Bumili ka ng pagkain mo dun!" naiinis na talaga ko. "Hay nako, Raizen. Masama talaga timpla niyan kapag gutom. Laging galit." sabi ni Arra. Tiningnan ko siya ng masama. "Yeah, so if I were you, bibili nalang ako ng lunch ko kaysa tumabi diyan." sabi naman ni Athena. I looked at her. Natawa naman sila. Hindi na ako nagsalita. Kumain lang ako nang kumain. Matapos kong kumain, tumingin ako kay Amber. "Pahingi, please?" paawa kong sabi habang nakatingin sa burger at fries niya. Kumakain pa naman siya ng rice kaya sure akong hindi niya mauubos 'yan. "Ayoko." "Sige na, di mo naman mauubos 'yan eh." umiling pa rin siya. "Hay, ang sungit!" nakasimangot kong sabi. Lumingon ako kay Raizen. Umiling siya agad. "Ayoko." napasimangot ako. Lumingon ako sa mga kasama namin. Sila Arra, Ryan, Athena, Liam pati sila Amber at Ken nagkekwentuhan. Si Marc naman naka earphone. Argh! Si Raizen lang nakakausap ko. "Ilibre mo na ko!" "Ayoko." "Please?" "Ayoko pa rin." "Bati na tayo pag nilibre mo ko." Umiling pa rin siya. "Ayoko pa rin." "Argh! Baka nakakalikutan mong inaway mo ako kahapon ng dalawang beses!" sabi ko at pinanlakihan siya ng mata. "Nag sorry na nga ako diba?" kunot-noong sabi niya. Siya? Nagsorry? "Hindi kaya!" "Oo kaya! I texted you last night." nag-iwas siya ng tingin. Nanlaki mata ko. Siya 'yon?! "Ikaw yon?!" tumango siya. Kanino niya nalaman number ko? "Okay, tinatanggap ko na sorry mo. Pero ilibre mo pa rin ako." sabi ko at ngumiti sakaniya ng matamis na matamis. Napairap siya. "Oo na! Oo na! Ano bang gusto mo?" Ngumiti ako ng matagumpay! Pero, gusto kong isagot sakaniya na siya, siya ang gusto ko. Pero hindi naman pwede. "Fries and burger!" "Tsk, fine!" tumayo siya at inalalayan naman niya akong tumayo at inalis ang upuan niya para makadaan ako. Mabilis na namula ang pisngi ko. Buti hindi niya napansin kasi nakayuko ako. Bumili kami ng fries at burger, bumili na din siya ng juice para saming dalawa. Siya na naghawak nun. "Yay! Thank you!" masayang sabi ko. Habang naglalakad kami pabalik, lahat ng kasama namin sa table na sa aming dalawa ang paningin. "Saan kayo galing?" Liam. "Saan ba sa tingin mo?" masungit na sabi ni Raizen saka naupo. Masama pa yata loob niya sa paglibre sakin. "Ano ba naman kasi Liam. Naglandian silang dalawa, hindi ba halata?" pang-aasar naman ni Ryan. "Eh, diba may girlfriend siya?" inosenteng tanong ni Arra. Argh! Sarap sabunutan. Hindi ko na nga iniisip yun eh! T__T Binatukan siya ni Athena. "Ang ingay mo." Nag-pout naman si Arra. Tahimik akong naupo sa upuan ko habang kumakain. Si Raizen naman nakatingin sakin pero hindi ko nilingon. Nahiya ako eh. "Tara na sa room?" aya ni Amber. "Mabuti pa nga." sang-ayon ko. Tumayo na kaming lahat at sabay sabay na nagpunta sa room. Nahuhuli kaming maglakad ni Raizen. "Sorry 'bout that." he said. I looked at him. "I should be the one saying that." tipid akong ngumiti sakaniya. Hindi na kami ulit nag-usap hanggang sa magsimula at matapos ulit ang dalawa pa naming subject. Nagpaalam ako sakanila na mauuna na akong umuwi. Hindi ko napansin na nakasunod sakin sa parking si Raizen kaya nung bigla siyang nagsalita ay nagulat ako. Namura ko pa siya. "Hatid kita?" alok niya. I laughed. Tinuro ko ang kotse ko. "Edi ako ang ihatid mo." natatawang sabi niya. "Baliw ka talaga. Sumakay ka na nga." sabi ko. "Nah, I'll drive." "Okay." I give him the car keys. "Bili muna tayo ice cream sa ministop ha? Madadaanan lang naman natin 'yun eh." sabi ko. Tumango lang siya. Nang makarating kami sa ministop, bumaba agad kami at bumili ng ice cream. Siya rin bumili na. Sabi ko libre ko, ayaw niya naman. Hindi na rin ako nagpalibre. Nagtalo pa kami sa cashier pero ako pa rin nanalo. Habang na sa byahe kumakain ako, siya naman nagd'drive pa rin kaya hindi siya makakain. Gamit ang kutsara ko, kumuha ako sa ice cream ko at inilapit 'yun sa bibig niya. Tumingin naman siya sakin. "Bilis na. Arte nito." inirapan ko pa siya kaya sinubo nalang din niya. Paulit-ulit, habang na sa byahe kami ganon lang ginagawa ko. Kumakain ako at siya naman ang susubuan ko. Hindi naman siya nagreklamo eh. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kanila o malayo pa. Hindi ko naman kasi alam bahay nila eh. "Shit." mahinang mura niya at saka niya hininto ang kotse. "Why?" takang tanong ko. "She's here.." he said. Tumingin ako sa tinitingnan niya. Hindi kalayuan ang bahay na tinitingnan niya. May dalaga na nakatayo sa may gate nila at may kausap itong babae. Siya siguro yung girlfriend ni Raizen. "Palit tayo. Diyan ako. Tapos i-deretso na kita dun sa gate niyo." sabi ko. Lumabas ako at umikot sa driver's seat. Hindi na siya bumaba. Dun nalang siya lumipat. "I'm sorry." mahinang sabi niya na hindi ko na sinagot. Hindi ko kasi alam kung para saan yung sorry niya eh. Bumusina ako at huminto sa mismong tapat nung gate. Medyo binaba ko yung bintana sa side ko para marinig ko kapag nag-usap sila. Tinted naman 'to kaya hindi nila makikita kung babae ba o lalaki ang driver. Bumaba siya ng kotse ko. Sinalubong naman agad siya nung girlfriend niya. Hmm, maganda. Pero mas maganda pa rin ako. "Hi babe. San ka ba galing?" tanong nung babae. She kissed him. "School, babe." so sweet! "Sino naghatid sayo?" tanong ulit nung babae habang nakatingin sa direksyon ko. "Ha? Si Marc lang 'yun. Hindi na daw siya bababa eh." wow. So great! Bumusina ako ng dalawang beses bilang paalam at saka ko mabilis na pinaandar ang kotse ko. Nang makarating ako sa bahay, sinalubong ako nila Mommy at Daddy. "Are you okay, baby?" Mom asked. "Yes, My. Pagod lang po ako." tumango nalang siya. Sabi ni Daddy mamaya pa sila kakain kaya nauna na ako. Pagkatapos kong kumain dumeretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga saglit para maligo. Pero sa sobrang inis ko, nakatulog ako. Nagising lang ako dahil sa pagtunog ng phone ko. Sa isiping si Amber lang ang tumatawag ay sinagot ko ito. "Amber naman, natutulog ako eh. Bakit ba?" ["Coleen."] napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Raizen. Tiningnan ko ang phone ko, 11pm tumatawag siya? Argh! "What?" ["Pwede ba tayong magkita?"] "What? Raizen, 11 pm na. Makikipagkita ka pa sakin?" nababaliw na yata 'to. ["Please?"] "Aish! Kung 'di lang kita gusto!" bulong ko. ["I heard it!"] he said then laughed. Nahiya ako pero 'di ko nalang pinahalata. "Fine! Saan ba?" ["Great! I'll text you the address."] "Okay, bye." ["Take care, Coleen.."] he said and ended the call. Maya maya lang ay na-received ko na ang text niya. Sus, may pa text text pa ng address eh ministop lang naman pala kung saan kami bumili ng ice cream kanina. Bibili na rin daw kami ice cream. What the fudge, dude! Buti nalang tulog na sila Mommy kaya hindi na ako nahirapang lumabas ng bahay. Ilang minuto lang nakarating na rin ako sa address na binigay niya na 'ministop' lang pala. Mapapairap ka nalang talaga eh. Nakita ko siyang nakasandal sa isang kotse. Malamang ay kotse niya. Lumabas ako, sinalubong niya naman agad ako. "Oh? Ano na?" tanong ko agad. "Ang sungit mo naman? Time of the month mo na ba?" nang-aasar na sabi niya. "What?" "Wala. Tara, bili tayo ice cream!" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob ng ministop. Kumuha kami ng tig-isa na ice cream at saka kami pumila sa cashier. Nung kami na, yung babae nakatitig lang kay Raizen kahit nalapag na namin yung ice cream. Seriously. "Hey, Miss." Raizen. Nakatitig pa rin. Tsk. Kinaway ko yung kamay ko sa harap niya. "Miss, magbabayad na kami, pwede bang huwag mo na siyang titigan?" mahinahong sabi ko. "A-Ahm, sorry M-Ma'am." nahihiyang yumuko siya at kinuha yung bayad na ako na mismo nag-abot. Baka hawakan niya pa kamay ni Raizen eh. Duh? Inabot niya sakin yung plastic na laman yung ice cream namin. Lumingon ako kay Raizen kasi hindi siya kumikilos. Nakatitig din sakin. Nakangiti pa. Ano, titigan ba labanan? "Sige, tumitig ka lang diyan. Wala tayong mararating niyan." mataray na sabi ko at iniwan siyang parang tanga don. "Hey! Wait!" hindi ko siya pinansin. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Basta sundan mo nalang ako. Mag-ingat ka, okay?" he said. Tumango lang ako at sumakay na sa kotse ko, ganon din siya. Ilang minuto, nakarating kami sa lugar na malawak at walang masyadong dumadaan. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Whew.. Ang ganda dito. Kitang kita ang liwanag at ganda ng mga bituin at buwan. Hinawakan niya ako sa bewang at ini-angat para maupo sa likod ng kotse niya. Sumandal ako pagkatapos. Napakaganda ng buwan! "Here.." inabot niya sakin yung ice cream ko. "Thanks.." "Lagi ka ba dito?" I asked. He nodded. "Kapag gusto kong mapag-isa dito lang ako nagpupunta. Wala naman kasing masyadong dumadaan dito kaya ayos lang." Nag hmm lang ako. Para palang ako. Ang kaibahan lang sa dagat ko talaga gustong magpalipas ng oras. Bigla kong naalala yung babae kanina. "Anong pangalan niya?" Lumingon siya sakin. "Nino?" Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Duh? You know who I'm talking about." ngumiti ako ng tipid. Bigla ay parang naalala na niya. "She's Michelle." nag-aalangan pa siya. "Yun lang sasabihin mo?" natatawa kong tanong. "Well, she's my girlfriend." sagot niya habang titig na titig sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin at tumango lang. "Ilang years na kayo?" "Mag four years na." wow, sana all. Sakit ah. Sige, Coleen, tanong ka pa para mas masaktan ka. "When?" "Sa February 20." ramdam kong nakatingin siya sakin pero hindi ko siya matingnan. "Hm. Lapit na." sabi ko lang. "Ah, yeah." I looked at him. He's looking at the side of my lips. Tapos ay kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Totoo pala talaga. Even before pa kasi siya lumipat sa BES with his friends, he knew that I like him and he respected that fact. I thought of him as a gentleman and now that I get to be with him as classmates, totoo pala talaga yung impression ko na 'yun sakaniya. Tahimik lang kaming kumakain ng ice cream. Siya, habang patingin tingin sa akin at ako na nakatingala habang nakatingin sa magandang buwan. Biglang nanlaki ang mata ko nang may makita akong falling star. "Oh my god! Mag wish ka!" sabi ko sakanya na nakatingin pa rin sakin. Hindi ko nalang pinansin at pumikit ako, ang sama ng wish ko I know, pero sana, sana talaga maging single na si Raizen. Sorry, Michelle. I looked at him. He's staring at me while smiling. "Why? Nag wish ka na?" Tumango siya. "Anong wish mo?" tanong ko ulit. He stuck out his tongue and, "Secret". Argh! "Eh, ikaw? Anong wish mo?" he asked. Tumingin lang ako sakanya. "Secret." pag-bawi ko. Sabay naman kaming natawa. Nag-stay kami doon ng ilang minuto pa hanggang sa makaramdam ako ng antok. "Antok ka na?" "Yeah.." nakapikit kong sagot. Nakaharap sakaniya ang mukha ko. "Hindi ako makakatulog kung hindi ko 'to gagawin." sabi niya. Nagtaka ako pero hindi ako dumilat. "Ang alin?" "Ito." he pressed his lips against mine. Nagulat ako pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko. It was just a smack pero ang lakas ng impact sakin. Walang lumalabas na salita sa bibig ko pero ang daming gustong sabihin ng puso ko. It was just a kiss. It was just a kiss! Pero wala eh.. hindi na 'to makakalimutan ng puso ko. In just a simple kiss.. my hope na 'baka sakali' ay pwede, nadagdagan dahil sa ginawa niya. Inaya ko na siyang umuwi pagkatapos naming maging tahimik, dahil ayokong pag-usapan ang mga bagay na hindi pwede. "Mag-ingat ka, please?" sabi niya. Tumango lang ako, "Ikaw din." Sumakay agad ako sa kotse ko at nag drive paalis sa lugar na 'yon. Palayo sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD