Chapter 1

1794 Words
December 31, 2019 11:59 pm Coleen's POV "HAPPY NEW YEAR!" malakas na sigaw naming lahat. Another year! Thank you, Lord! Pagkatapos namin salubungin ang bagong taon. Nagsimula nang kumain ang lahat. Lahat masaya. Lahat nagkakatuwaan sa kwento ng bawat isa. Masaya ako ngayon dahil lahat ng nangyari sa 2019 ko ay iniwan ko na para makapagsimula ng bago ngayong 2020. I am Coleen Enriquez. 18 years old. Grade 12 student ako sa BES. (Acronym only) "Mommy, akyat lang po ako sa kwarto ko." paalam ko. Tumango naman siya. Tinawagan ko si Amber ang best friend ko para batiin. Kanina pa pala siya tumatawag pero hindi ko kasi hawak ang phone ko. "Aaaaa! Happy new year and happy birthday, Coleen!" sigaw niya. Nilayo ko naman yung phone ko sa tenga ko bago pa ako mabingi. Ghad! Mabibingi talaga ako dito sa babaeng 'to eh. "Happy new year din, Amber! Thank you! I miss you! Kelan ka uwi?" I asked. Her family chose to celebrate new year at Japan. Tapos kami dito lang din sa Pilipinas pero nandito kami ngayon sa Batangas. Sa rest house namin. Binili 'to nila Daddy dahil sa dagat. Haha. Actually, kahit malayo yung Bulacan sa Batangas, nagpupunta pa rin ako dito minsan kapag sobrang stressed ko na. Kapag nagkasabay-sabay yung problema. Sobrang nakakakalma kasi yung alon ng dagat idagdag pa ang malakas na hangin at ang magandang buwan. "Hmm, I think January 4 nandiyan na kami." "Okay. Basta don't forget my pasalubong ha? Haha." "Hmp! Oo na. Diyan ako sleep pagka-uwi namin. Okay? I have to go na. May pupuntahan pa kami eh. Bye! I love you!" she ended the call. Pagkatapos namin mag-usap wala na naman akong magawa. Well, wala namang bago. Naglaro na lang ako ng 8 ball pool. Ganito naman ako palagi kapag bored eh. What's new. While playing, may lumalabas kung sino yung mga naka online na friends ko sa f*******: at nakita kong online si Raizen. Siya yung inadd ko last year. Haha. Machallenge nga. Hmm. I did not expect na ia-accept niya yung challenge ko. Oh my! Dahil nga friends kami sa f*******:, pwede kaming mag-usap dito habang naglalaro. He said, "playwell." Dahil baliw ako, sinagot ko siya ng "sleepwell" and there, it all started with a game. Nagkausap kami ng matino na akala mong magkakilala na talaga kami. Ang dami namin napag-usapan hanggang sa sinabi niya na "bakit ba kung kailan may girlfriend na ako doon kayo nagdadatingan?" I laughed. I answered him, "break mo." Siyempre, nagbibiro lang ako diyan and alam ko naman na hindi niya seseryosohin yun. Halos ilang oras din kaming magkausap nun. Actually, hindi na nga yata kami naglalaro, nag-uusap na lang. Tapos tinanong niya ako kung gusto ko daw ba na magkita kami. I admit, I wanted to see him since last year palang kasi crush ko na siya. But I do respect her girl. Kahit saan mo tingnan, kahit baligtarin mo man ang mundo, mali kung magkikita kami. So, kahit gustong-gusto ko siya makita, I declined. Ang paglalaro namin ay umabot ng ilang araw pero hindi isang buong araw. Minsan 2 pm kami naglalaro, madalas naman ay mula 10 ng gabi hanggang madaling araw. Lagi akong puyat noon pero hindi ko pinansin kasi gustong gusto ko siyang kalaro at kausap kahit nga may girlfriend siya. I know, mali rin. -- January 6, 2020 Back to school! Sabay kaming pumasok ni Amber kasi samin siya natulog. "Are you still talking to Raizen?" she asked while we're walking. "Yes. Why?" "Pero may girlfriend yung tao." I sighed. "What do you want me to do? I like him and you know that." "Oo nga. Pero lahat may limitasyon, okay? Alam mo kung ano ka lang sakaniya. Ayokong masaktan ka kapag mas lumalim pa kung ano man ang nararamdaman mo." Tumango ako at nginitian siya. Nagsimula at natapos ang klase namin na wala akong naintindihan. "Tara, kain tayo." aya ko sakaniya. Si Amber na ang bumili ng pagkain namin habang hinihintay ko naman sila Nathalie. Late na naman siguro silang pinalabas. Nag phone lang ako habang wala pa sila. "Hi. Pwede maki-table?" Nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino 'yon. Whew. Ang gwapo naman nito. "Ahm, may mga kasama ako. Okay lang ba?" "Yep." he smiled. Naupo siya sa tabi ko. Grabe ang bango. Kumakain siya nang maisipan kong tingnan siya. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng labi, dark brown ang mata, hindi siya katangkaran pero ang gwapo niya. "Staring is rude." biglang sabi niya. "H-Ha?" He softly laughed. Ghad! Pati ang tawa niya pang-gwapo. Sino kaya 'to? "You can call me Marc." sagot niya na para bang alam niyang iniisip ko kung sino siya. "Coleen." I said. Shems! Nakakahiya! Nakita niya akong nakatitig sakaniya! Ano ka ba naman kasi, Coleen! Ugh! "Hello Co--oh, boyfriend mo?" napalingon ako sa bagong dating na sila Nathalie, Athena, Arra na kasama na rin si Amber na dala ang pagkain namin. "What? No! Ngayon lang kami nagkita, Nath." namumula ako, alam ko yon. Ugh! Nakakahiya na talaga! "Ang gwapo niya, C. I'm Athena." sabi ni Athena sabay alok ng kamay niya. "I'm Arra." "And I'm Amber." "You can call me Marc." Wait, 'yun din sabi niya kanina, ah? 'Yun ba talaga sinasabi niya palagi? Nevermind! "Okay, let's eat na." sabi ko. Kumakain lang ako habang silang apat ay tanong nang tanong kay Marc. Sinasagot naman sila ni Marc. "Oh pre, ayun pala si Marc oh." rinig ko sa gilid namin. Nakita ko ang tatlong lalaki na naglalakad papunta dito sa pwesto namin. "s**t. Ang gwapo naman nila, Arra." rinig kong bulong ni Athena na ikinatawa namin ni Marc. Totoo naman ang sinabi ni Athena. Gwapo ang tatlong lalaki na naglalakad papunta dito. Pero mas gwapo si Raizen. "Dami mo namang girls, Marc." sabi nung isang lalaki. "Oo nga, Marc. Hi girls." sabi naman nung isa pa. "Hey!" halos pasigaw na sabi ko kila Nathalie. Eh paanong hindi? Lahat sila nakatulala sa tatlong lalaki na bagong dating. Sabay sabay naman silang nagsi-ayos ng upo. "Where's Brian, Ken?" tanong ni Marc na binibigyan silang tatlo ng upuan. Dahil may space sa tabi ng bawat babae, dun sila naupo. "Kausap girlfriend niya siyempre. Alam mo namang magkahiwalay na sila ng school ngayon. Haha." sagot ni Ken daw. Siniko ko si Marc. Wow, feeling close. "Why?" he asked. "Wala ka bang balak ipakilala sila sa amin?" nakasimangot na tanong ko. Wala kasing pagkukusa itong katabi ko. Actually, feeling ko matagal na kaming magkakilala kaya parang ang comfortable ko na kausap siya. Parang feeling ko close na kami, ganon. Tumawa siya at pinitik ang noo ko. "Ano ba!" hinampas ko nga kamay niya. "Sweet naman, Marc. Kakalipat lang natin dito may babae ka na agad." sabi ni... ewan ko ba kung sino siya. "Hindi niya ako babae no!" "Siya si Ken," tinuro niya yung lalaking katabi ni Nathalie. "Siya naman si Liam," katabi ni Athena. "Siya naman si Ryan." katabi ni Arra. Nagpakilala naman sila Amber kila Ken pati na rin ako siyempre. This is the first time that we met these guys pero hindi manlang kami nakaramdam na parang bagong kakilala sila. Madali silang makasundo at ang iingay nila. "Oh, ayan pala si Brian eh." sabi ni Ryan. Hindi ko naman na siya pinansin kasi kumakain na ulit ako. Naramdaman ko lang na may umupo sa tabi ko pero hindi na ko nag-abala pang tingnan siya. Ang bango din niya. Lalaking-lalaki ang amoy. Lapitin ba ako ng mga lalaking mabango today? "Where have you been?" Liam asked. Akala ko ba alam nila? Bakit tinatanong pa? -_- "I talked to Michelle." sabi ng katabi ko. "Ouch." sabi ko nang maramdaman kong sinipa ako ni Amber sa ilalim ng lamesa. "Why? Are you okay?" Marc asked me. "Yes." sagot ko at pinukol ng masamang tingin si Amber na nginunguso ang katabi ko. Kinuha ko muna yung baso ko bago ako lumingon sa katabi ko. Nabitawan ko yung hawak kong baso nang makita ko kung sino yung katabi ko. Basa na yung damit ko! Damn. But! What is he doing here?! "What are you doing here?" gulat kong tanong. "Excuse me?" Raizen. "Bakit Coleen? Kilala mo ba si Brian?" tanong ni Marc. "H-Ha? Ahm, h-hindi. Namali lang ako." sabi ko. "Excuse me, palit lang ako." mabilis akong tumayo at umalis dun. My heart beats so fast. Damn! Naglalakad ako papunta sa cr para makapagpalit ng damit nang marinig kong tawagin ako ni Amber. Huminto ako. "Oh my god, Coleen!" gulat pa rin niyang sabi. "What the fudge! Anong ginagawa ni Raizen dito?" "Hindi lang 'yun. Magka-kaibigan pa sila nila Marc! Oh my god ka talaga Coleen!" What a small world. Darn it. Kaya pala parang ang komportable ko na kay Marc ay dahil siya pala yung Marc na pinag-uusapn namin ni Raizen! Nagpaalam ako sakaniya na magpapalit muna ako ng damit. Pagkatapos kong gawin 'yon, tumingin muna ako sa salamin. "No, Coleen. Wag ka magpaapekto. Kalaro mo lang siya. 'Yun lang 'yon." sabi ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Hindi ko na balak bumalik sa canteen. Sa classroom na lang ako. "You know me," natigilan ako nang marinig kong may magsalita sa likod ko. "right?" dagdag pa nito. Hindi pa rin ako humarap kahit alam kong si Raizen 'yon. "Face me, Jessica. Or should I call you, Coleen?" sarkastikong sabi nito na ikinagulat ko. Bakit parang galit siya? Humarap ako pero hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya. "Hindi mo kailangan gumamit ng ibang pangalan para protektahan ang sarili mo sa mga taong hindi mo kilala, alam mo ba yon?" seryosong sabi nito. Ano daw? Hindi ko siya maintindihan. Huminga ako ng malalim. "Let me introduce myself, I am Coleen--" "Yes, I know. You are Coleen, and not Jessica." malamig na sabi nito. What?! Akala niya ba talaga nagpanggap ako sakaniya? "Sinayang ko lang ang oras ko sayo. Sayang yung tiwala ko sayo. Nagsabi ako sayo ng mga bagay na hindi ko naman dapat sabihin sa ibang tao, pero sinabi ko pa rin sayo kahit nagduda ako. May tiwala kasi ako sayo eh. Hindi ko alam, magaling ka naman palang magpanggap." May mga sinabi nga kasi siya sakin na problema sa pamilya niya, problema sa girfriend niya at sa iba pang bagay. So, siyempre nakinig ako. I even gave him my advice. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit medyo masakit. Unang kita namin 'to, pero ganito na. Huminga ulit ako ng malalim para subukang magpakilala ulit. "My name is Coleen Je--" "Whatever, Coleen." he said and put his hands inside his pocket. Naiinis na ako talaga. "Eh ano naman sayo ngayon kung nagpanggap nga ako? What's the point of knowing the real me, Raizen?" Tahimik na siya. Iniwan ko siya doon. Bwiset ka, Raizen! Argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD