Enzo's POV "’Yan kasi. Ang karma ngayon, touch-screen na," sabi ni Chino sa kabilang linya. Sumubsob na lang ako sa unan ko. "’Di ko alam kung pa'no ko siya haharapin bukas," sabi ko. I heard him laugh. "Just explain to him na binigay mo ang mga cupcakes as a thank-you gift. Tsaka babaan mo na rin ang pride mo nang kaunti," sabi ni Chino. "You're not helping," sabi ko naman. "I'm actually suggesting ways to help you," sagot naman niya. "But. . . But I—" "Hindi mo kaya? Alam niyo kung ano ang problema niyong dalawa ni Paulo? Pareho kayong abot-langit ang pride. Well, actually ay ikaw na lang ang may mataas na pride. Pansin ko naman na binabaan na ni Paulo ang pride niya para sa'yo," sabi ni Chino. Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko. "Masyado ba akong harsh pagdating kay Paulo?" tan

