CHAPTER 02: COINCIDENCE

1707 Words
Hindi pa nga natatapos ang araw ay sikat na agad si Enzo sa buong school bilang "Ang Kauna-unahang Estudiyante na Mag-isang Itinapon sa Trash Can Ang Tatlong Pinakakilalang Bully sa Buong School." Kaya naman after ng lunch at pagkabalik ni Enzo sa room ay sandamakmak na tao ang dumadaan na sa labas ng room namin. Lahat sa kanila ay pasimpleng lumilingon sa loob ng room para tumitig kay Enzo. The new guy seemed to be oblivious to the fact na bigla siyang sumikat sa buong school. Kung biglang naging interesting si Enzo sa buong school ay mas lalo namang natakot ang mga classmates namin sa kanya. Wala na ni isa man sa ‘min ang naglakas-loob pa na i-approach pa siya. First period namin sa tanghali si Mr. Guevarra, ang teacher na kulang na lang magpa-end-of-term exam sa unang araw ng pasukan. Masyado kasing dedicated sa pagtuturo. Isa siya sa mga tigre sa faculty ng school namin. Ngayon nga, kagaya ng dapat na asahan ay agad-agad na nagbigay ng discussion si Mr. Guevarra. Nakatukod na ang kamay ko sa ulo ko sa matinding antok, pero bigla akong kinalabit ni Brence. "What?" bulong ko sa kanya. Tinuro niya bigla si Enzo. Nakasubsob sa mesa ang mukha ni Enzo at walang kagalaw-galaw. "Gisingin mo na. ‘Pag yan na nakita ni Mr. Guevarra patay ‘yan," bulong niya sa ‘kin. "’Pag ginising ko naman ‘yan, ako naman ang patay!" singhal ko naman pabalik kay Brence. "Kawawa naman ‘yan. Alam mo naman na—" Pero may bigla na lang na sumabog sa unahan ng classroom. "MR. ALTAREJOS, COULD YOU PLEASE LISTEN TO ME?!" biglang sabi ng teacher namin. Lahat ng kaklase namin eh napalingon bigla kay Enzo. Enzo raised his head and stood up slowly. I can only see his back. "THIS IS A CLASSROOM, NOT YOUR BEDROOM! Now, what can you say about our topic for today?" tanong sa kanya ni Mr. Guevarra. "What's the topic for today, sir?" sabi ng bored na boses ni Enzo. "How electricity and magnetism are related to each other, and who studied this specific kind of relationship? Explain," sabi ni Mr. Guvera. I heard Enzo sigh. "A French scientist named Andre-Marie Ampere studied the relationship between electricity and magnetism. He discovered that magnetic fields are produced by moving charges, also called current. On the other hand, moving charges are affected by magnets. There, sir, I just summarized your whole lesson. You can thank me later," sabi ni Enzo. He sat down on his chair again, fell face-first on the top of the desk, and moved no more. Lahat ng tao ay nakatitig pa rin sa kanya. Jash whistled beside me. "Well, okay. Let's. . . Let’s go back to our lesson," utal-utal na sabi ng teacher namin. Halos lahat sa klase namin ay nagpigil na lang nga mga hagikgik nila. "He's awesome!" biglang sabi ni Brence pagkalabas namin ng room pagsapit ng dismissal. "Siya lang ang nakabara kay Mr. Guevarra. Alam niyo naman na halimaw ‘yun," dagdag ni Jash. "Speaking of the devil. . ." bulong ko sabay baling sa likod namin. We saw Enzo walking away from the room. "Saan kaya siya umuuwi?" tanong ni Brence. Tinitigan namin siya bago siya nawala sa isang liko ng hallway. "Boring siguro ng buhay niyan. Baka bahay-school lang ang lakad niyan araw-araw," sabi ni Jash. "Mga tsismoso," sabi ni Lyan na dumaan bigla sa harap namin. "’Di ako sasabay sa ‘yo ngayon, Paulo. Pupunta ako sa library. May gagawin ako," sabi niya na ‘di sa ‘min lumilingon. "Okay. Basta umuwi ka nang maaga," habol ko naman sa kanya. Bumaling ako doon sa dalawa. "Mauna na rin ako, mga brad. See you tomorrow," baling ko kina Jash at Brence. After naming mag-hampasan ay saka na kami naghiwa-hiwalay. Walking distance lang naman ang bahay namin mula sa school kaya naman parati akong naglalakad araw-araw. I pulled out my earphones and wore them. Habang nasa daan ako ay naisipan ko na munang dumaan sa park para kumain ng meryenda. "Aling Maring!" bungad ko sa may-ari ng lugawan na parati kong kinakainan. "Oh, Paulo. Dati pa rin?" tanong niya sa ‘kin. Tumango naman ako sabay upo sa harap ng isa sa mga mesa doon. "Kumusta po ang lugawan, Aling Maring?" tanong ko. "Pareho pa rin. Malakas ang benta kahit papaano. Ikaw, kumusta ang school?" tanong niya sa ‘kin. "Okay lang po. Heto, fourth year na," sabi ko naman. "Oh, hayan. Paborito mong lugaw na may chicharon at itlog. Libre ko na yan sa 'yong turon," sabi niya sabay abot sa ‘kin ng tray ng pagkain ko. "Naku talaga, Aling Maring. Thank you po!" sabi ko naman. "Ay basta ikaw. Ilang taon ka nang suki ko kaya wala ‘yan," sabi niya sa ‘kin. Sa pagkakatanda ko kasi ay mula elementary ay dito na ang paboritong kong meryendahan. Nakasanayan ko ang kumain dito kaya kilalang-kilala na ako ni Aling Maring. Kasalukuyan akong kumakain nang biglang may dumating din na isa pang customer. "Oh, Enzo. Napadaan ka?" biglang sabi ni Aling Maring. Bigla akong napaangat ng mukha. Nalunok ko bigla ang isang kalahati ng turon sa matinding gulat. Likod lang naman kasi ni Enzo ang nakita ko. "Bayaran ko po ‘yung mga kinain ng mga bata kahapon," dinig kong sabi ni Enzo. I raised an eyebrow. Masyadong malayo ang boses niya ngayon sa monotonous niyang boses sa school. Malambing din pala at may ibabait naman nang kaunti ang boses niya. Mukhang nakangiti rin siya habang kausap si Aling Maring. "Ah, ‘yun ba? Sige. Kahit isandaang piso na lang. Discount ko na sa ‘yo ang bente," sabi ni Aling Maring. "Talaga po?" tanong ni Enzo. "Oo naman. Bihira lang ako makakita ng taong kagaya mo. Ambag ko na rin ‘to para sa mga ginawa mo doon sa mga bata," sabi ni Aling Maring. "Sige na nga po. Maraming salamat po. Sa uulitin," sabi ni Enzo. He then walked away. Sa kabilang direksyon siya naglakad kaya naman ‘di niya ako nakita. Napansin yata ni Aling Maring na nakatitig ako kay Enzo. "Ang bait ng batang ‘yan. Noong nakaraang linggo lang siya dumating dito, pero dalawang beses ko na ‘yang nakitang nililibre ang mga bata rito sa park. Dito nga niya parating dinadala ang mga bata," sabi niya. "Saan po ba siya nakatira?" tanong ko naman. "Base sa nakwento niya sa ‘kin, pareho kayong nasa iisang village. Kaso mag-isa lang ata siya ngayon sa bahay nila. Nasa ibang bansa ang mga magulang niyan," sabi ni Aling Maring. I nodded. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Aling Maring. Habang naglalakad na ako pauwi sa bahay ay nasa isip ko pa rin si Enzo. Last week lang sila lumipat at same village pa kami. Bigla tuloy akong napalingon. Baka nasa paligid lang si Enzo. Mukhang malapit din siya sa mga bata base sa kwento ni Aling Maring. Ngayon pa lang naguguluhan na ako sa personality niya. Dahil sa kakaisip ko kay Enzo ay muntik pa akong makalagpas sa bahay namin. Papasok na ako sa gate nang bigla akong napalingon. "IKAW?!" sigaw ko pa bago ko napigilan ang sarili ko. Si Enzo lang naman ang tumambad sa gate ng katabing bahay namin. Bigla rin siyang napalingon. Pagkakita niya sa ‘kin ay napaatras siya nang kaunti. I saw his eyes widen behind his eyeglasses. I stared at him. Nakapambahay lang siya. Sleeveless at shorts. He glanced at our house and back at me. "What?" sagot naman niya sa usual monotonous voice niya. "What are you doing here?" tanong ko. He raised his eyebrows. "This is my house, you idiot," sabi niya. "Hey! Don't you dare me call an—" "Krimen na ba ang maging kapitbahay niyo? Ba't ganyan ka maka-react?" sabad naman ni Enzo. "I'm just-" "Sa pagkakaalam ko, binili ng parents ko ang bahay na ‘to para sa ‘kin. Hindi namin ‘to ninakaw, kaya ‘wag kang mag-react diyan na parang may kriminal ka nang kapitbahay!" sigaw niya. Hayan na naman siya. "Sorry. Nagulat lang din ako.” He just turned his back on me bago niya pabalibag na sinara ulit ang gate. "What the—" Pabalibag kong sinara ang gate saka ako pumasok sa bahay. Doon ko naabutan si mama na nagluluto sa kusina. "Nandito na po ako," bungad ko sa kusina. "Oh, Paulo. Bakit nakabusangot ka?" sabi ni mama pagkakita niya sa ‘kin. "Wala po," sabi ko sabay lakad paakyat ng hagdan. "Ako pa talaga ang lolokohin mo. Ano ba ang nangyari sa ‘yo?" sabi niya. "Wala nga po," sabi ko naman. "Ba't ka nakabusangot?" tanong pa ni mama. "Wala rin po," sagot ko. "Alam mo, mula noong nagbinata ka, ganyan ka na parati. Masyadong masikreto. May girlfriend ka na 'no?" tanong niya sa ‘kin. "’Ma, alam kong alam mo ang katotohanan," sabi ko. "Syempre naman. Biniro lang kita. Kung ayaw mo magsalita, puwes heto, dalhin mo diyan sa kapitbahay natin. Nagluto ako ng menudo," sabi niya sabay abot sa ‘kin ng isang container. "Saan po?" "Diyan sa bago nating kapitbahay. Bagong dating last week. Pang-welcome natin sa kanya. Mag-isa nga lang siya diyan. Enzo raw pangalan niya," sabi ni mama. "WHAT?!" "May problema ba?" nagtatakang tanong ni mama. "’Ma, pwedeng ikaw na lang?" alanganin kong tanong. "Magluluto pa ako. Dalhin mo na ‘yan," sabi ni mama sabay talikod sa ‘kin. Napasalampak na lang ako sa railing ng hagdan. "’Pag minamalas nga naman," bulong ko habang naglalakad na palabas ng bahay. Agad ko namang pinindot ang door bell pagkarating ko sa gate ng bahay niya. After ng ilang minuto ay bumukas na rin ang gate. Pagkakita sa ‘kin ni Enzo ay agad na naningkit ang mga mata niya. "Ano na naman?" irita niyang tanong. Tumingin ako palayo sabay abot sa kanya ng container. "Pinapabigay ni mama. Menudo ‘yan na luto niya. Sabi niya, welcome daw ulit dito sa village," sabi ko. Biglang natigilan si Enzo, pero maya-maya pa ay hinablot niya bigla ang container. "Pasabi na thank you sa mama mo," sabi ni Enzo. "Sasabihin ko po sa kanya. ‘Wag po kayong mag-alala," sagot ko naman. Pinagsarhan na niya ako ng gate. Dali-dali naman akong naglakad pabalik ng bahay. I will never, ever, be friends with him. I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD