CHAPTER 03: RETALIATE

1635 Words
PE class namin. Nasa loob kami ng locker room at kasalukuyang nagpapalit ng damit. "How unlucky can you get? Kapitbahay mo pala si Enzo," natatawang sabi ni Jash. Nakwento ko na kasi sa kanila ang nangyari kahapon pag-uwi ko. "Yeah," sabi ko habang nakasubsob sa tuwalya. "Mag-iingat ka, brad. Mahirap kaaway si Enzo. Kayang-kaya nga patumbahin ang tatlo. Partida naka-eyeglasses pa ‘yan," sabi ni Brence. "Wala akong balak makipag-away sa kanya. He's just overreacting. Nagulat lang ako nang makita ko siyang nasa katabing gate namin tapos nagalit na agad," sabi ko. "Baka kasi na-offend mo. Baka may nasabi kang masama," sabi ni Jash. I sighed. "Baka ‘di niya nagustuhan ang tono ko kahapon," I said quietly. "Jash. . . Pau. . ." biglang sabi ni Brence sabay kalabit sa ‘min. Napalingon kami. "What?" "Look," sabi niya sabay turo sa isang tao na nakatayo hindi kalayuan sa ‘min. Nakasubsob siya sa tuwalya kaya hindi namin makita 'yung mukha. Suot niya ang jacket ng school at PE shorts. Tinitigan ko ang binti niya at ‘di nga maikakaila na binti ng babae ‘yun. "Babae ba ‘yan?" tanong ni Jash. "Ba't nandito?" tanong ko naman. "Baka napamali ng CR na pinasukan?" dagdag naman ni Brence. "Lapitan niyo nga," sabi ni Jash sabay tulak kay Brence. "’Wag ako. Ikaw na, Pau. Malakas ka sa babae," baling naman sa ‘kin ni Brence sabay tulak sa ‘kin. "’Wag na wag niyo akong madamay sa kalokohan niyong dalawa. . . SANDALI!" Bigla kasi akong tinulak ng dalawa. Nawalan ako ng balanse at bumagsak ako nang paluhod sa sahig. Nag-angat ako ng mukha at kaharap ko na mismo ang likod ng binti ng kung sino man ‘yun. "Uh-oh," bulong ni Jash. Biglang umikot ang tao sa harapan ko. And. It. Was. Enzo. Nagkaroon ng isang linya ang mga kilay niya sa noo niya. ‘Yung mga mata naman niya ay biglang nag-apoy sa likod ng eyeglasses niya. "Uh. . . hi?" alanganin ko namang sabi sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko. Inangat na pala ako ni Enzo mula sa sahig. I closed my eyes and waited for the explosion to happen, pero walang nangyari kaya naman I opened my eyes for a little. Enzo was staring at me with his bored, sleepy eyes. His face was only inches from mine. Nararamdaman ko na sa mukha ko ang hininga niya. His eyes lingered for a moment on my lips. Maya-maya pa ay binitawan na niya ako sabay talikod palayo sa ‘kin. "Hay salamat," bulong ni Brence. Nakahinga ako nang maluwag. Bago pa man ako makagalaw ay bigla na lang na umikot si Enzo. Sunod kong naramdaman ay ang isang napakalakas na suntok sa pisngi ko. Malalaglag pa sana ako ulit sa sahig kung hindi ako sinalo ng dalawa. "Manyak," sabi ni Enzo na dali-daling naglakad palabas ng CR. Napahawak na lang din ako sa pisngi ko. I heard Jash sigh. "Well, at least ‘di ka niya tinapon sa basurahan. Consider yourself lucky," sabi niya. ••• Kaya naman habang nasa PE class kami ay bigla akong naging tampulan ng atensyon dahil sa pasa ko sa pisngi. "Hoy, Paulo. Nakipagsuntukan ka ba?” sabi ni Lyan sabay batok sa ‘kin. "No, I didn't," sagot ko naman agad. "Ano’ng nangyari diyan sa pasa mo?" tanong niya sa ‘kin. "Wala. Nauntog lang ako," sabi ko. "NAUNTOG? Nauna ang pisngi? Ganyan ka na ba katanga?" tanong niya sa ‘kin. "’Wag mo na lang kasing pansinin," sagot ko naman. "Sige ka. Isusumbong kita kay Tita Patricia," banta ni Lyan. "Don't you ever dare to—" "Wala ka sa lugar para magbanta," sabi niya habang pinapaikot-ikot sa kamay ang isang baseball bat. Tinaas ko na lang ang dalawang kamay ko. "Okay, basta ‘wag mo lang 'tong ipagkakalat." I then told her everything that happened inside the locker room. Pagkatapos kong magkwento ay humagalpak na lang sa kakatawa si Lyan. "Yan kasi. Pati lalaki hindi mo pinatawad," sabi niya. "Wala akong ginawang masama. Tinulak ako ng dalawang kutong-lupa kaya nangyari ‘yun," sagot ko naman. "Girls, baseball! Boys, volleyball!" biglang sabi ng teacher namin. Agad naman kaming pumunta sa kani-kaniya naming pwesto. "Group yourselves into six," sabi sa ‘min ni Mr. Roces. Agad ko namang hinatak sina Jash at Brence papunta sa ‘kin. Pagkatapos nga ng ilang minuto ay may mga grupo na kami. Buti na lang nasa kabilang grupo si Enzo. "First game. Enzo, ikaw ang captain diyan sa group niyo. Ikaw naman ang captain diyan sa inyo, Paulo," sabi ng PE teacher namin. "Whoa," sabi naman ni Jash sa likod ko. "Hey, Pau. Wanna to get some revenge?" bulong ni Brence. I smirked. "Of course." Nag-usap usap kami sa mga positions namin. After ng ilang minuto ay muling nagsalita si Mr. Roces. "Captains, shake hands," sabi niya. I reached out my hand to Enzo. He's wearing his eyeglasses. He took my hand at natigilan ako nang Kaunti. Hindi ko inakala na ganoom pala kalambot at kakinis ang balat niya. I looked at him and saw him smirking at me. "Good luck, Mr. SM," bulong niya. I raised an eyebrow. "Simpleng Manyakis," he added before turning his back on me. Nagkuyom na lang ako ng palad ko sa inis. "Okay, start!" sigaw ni Mr. Roces sabay pito. Si Enzo ang unang nag-serve. Every time na napupunta sa ‘kin ang bola ay sinusubukan ko ‘yung mapunta kay Enzo. How I wish na sana mukha niya ang matamaan ng bola. Naka-ilang rotations din kami pero hindi ko siya ma-target nang maayos sa bawat spike ko. Then biglang nag-set ng bola ang isa kong teammate. "MINE!" sigaw ko sabay talon. Si Enzo ang tumalon para harangin ang bola. "Got you," bulong ko at pasimple kong nilagay sa babagsakan ng paa niya ang isa ko ring paa matapos kong makatalon. Enzo stepped on my foot, lost his balance, and fell badly on the concrete. Biglang pumito si Mr. Roces. "What happened? Are you okay?" tanong niya kay Enzo. "Nothing, sir. I'm fine," sabi ni Enzo sabay padaan ng titig sa ‘kin. "Sana ‘di ka nasaktan," bulong ko sa kanya nang mnakatayo na siya. I then smirked at him. He just turned his back on me bago siya lumapit siya sa isang teammate niya at bumulong. Pumito ulit si Mr. Roces. The game went on. Hindi na nag-spike pa si Enzo at nanatili lang siya sa likod. Natatakot din pala ang mokong, pero maya-maya pa ay biglang nag-set ng bola ang isa niyang teammate. Tumakbo siya paunahan at tumalon sabay spike sa bola. The ball hit the ground directly in front of me and bounced. This time, mukha ko naman ang tinamaan ng bola. "Ouch," bulong ni Jash nang bumagsak ako sa lupa sa tindi ng impact ng bola. "Okay ka lang, Mr. Arellano?" tanong sa ‘kin ni Mr. Roces. I nodded. "I'm fine, sir,” sabi ko habang nakatitig kay Enzo na nakangiti lang sa ‘kin nang makahulugan. Kaya naman nang natapos na ang game ay nagtatapunan na kami ng mga matatalim na titig ni Enzo. Pumunta ako sa clinic para ipa-check ang panga ko kung okay lang. "Well, at least nakaresbak ka sa kanya. However, the fight's still 2-1. Ang galing niya magmanipula ng bola. He's awesome," sabi ni Brence. "You must've hurt him, though. Medyo masama ang pagbagsak niya kanina," sabi ni Jash. "Masakit pa nga ang pisngi ko, pinatamaan pa niya ng bola," sabi ko naman. "’Di mo naman kasi kailangan na maghiganti. Kailangan mo lang na mag-sorry. I will admit na naawa ako kanina sa kanya. Alam kong ikaw ang may kagagawan kung bakit ganoon ang pagbagsak niya. It’s below-the-belt, bro," sagot ni Jash. "Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako sa kanya makikipag-close kaya—" "PRIDE," sabi ni Jash. Pagkatapos kong makapagpa-check-up sa clinic ay dumiretso na kaming umuwi. Nasa may gate na kami ng school nang bigla kong nakita si Enzo. "Hoy! Enzo!" sigaw ko sa kanya. Lumingon siya sa ‘kin. Napansin ko na hawak niya ang siko niya at iika-ika siyang maglakad. "What?" "Gusto ko sanang sabihin sa ‘yo na hindi ko po sinadya ang nangyari kanina sa CR! Wala akong kasalanan! ‘Wag kang overreacting!" sabi ko sa kanya. "I gave you time to explain kanina pero hindi ka nagsalita. Hindi ako ang tipo ng tao na basta-basta na lang na hahayaan na may umalipusta sa ‘kin. I'm just defending myself," sabi niya sabay talikod. "Hey! Kinakausap pa kita!" habol kong sigaw sa kanya. "Pau, tama na," sabi ni Jash. "Ano pa ba ang gusto mo? Nakapaghiganti ka na ‘di ba? May gusto ka pang gawin?" sabi niya. I was surprised to hear how calm his voice was. "Gusto ko lang naman na ipaalam sa ‘yo kung gaano ka ka-weirdo at kung gaano ka ka-war freak. ‘Di mo ba napapansin na walang gustong makipagkaibigan sa ‘yo? Kasi ang sama ng ugali mo!" sigaw ko sa kanya. "PAULO!" panabay na sigaw nina Jash at Brence. Natigilan si Enzo nang ilang segundo, pero nang humarap na siya sa ‘min at nagsalita siya ay nagulat kami dahil umiiyak na pala siya. "Sa pagkakaalam ko, pasa lang naman ang biinigay ko sa ‘yo. Hindi naman kita sinigawan. Hindi naman kita in-insulto. Hindi kita sinumbong nang may ginawa ka sa ‘kin na masama. Bakit sobra-sobra ang binalik mo sa ‘kin?" Tinaas niya ang kaliwa niyang braso na kanina pa niya hinahawakan at pinakita niya sa ‘kin ang dumudugo pa niyang siko. Natigilan ako. I felt my anger subside instantly. "Sorry kung nakasakit ako. Mukha man akong ganito pero tao pa rin naman ako. Nasasaktan din naman ako kahit na papaano," sabi niya. "I'm. . . I'm sorry. . ." Tumalikod na lang si Enzo at iika-ikang naglakad palayo sa ‘ming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD