Saturday. Pagkagising ko pa lang ay isang bagay na ang agad na pumasok sa isip ko. Today's an Enzo-free day. Kaya naman binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at lumanghap ng sariwang hangin, pero pagkadungaw ko pa lang ay bumungad na agad sa ‘kin si Enzo na kasalukuyang nagti-trim ng mga halaman sa labas ng bahay nila. Agad ko namang sinara ang bintana ng kwarto ko. Pumunta na lang ako sa CR sa kwarto ko para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. "Good morning, ‘ma," bungad ko sa kusina. "Morning, Pau. Kumain ka na. Mayroon diyang sinangag tsaka itlog at bacon. Kung gusto mo ng prutas, nandoon sa ref," sabi niya na naghuhugas ng pinggan. "Si papa po? Darating po ba siya mamaya?" tanong ko sabay upo sa mesa. "Alam mo naman na nasa business meeting pa ‘yun s

