"Ga'no kalapad ang balat mo sa pwet?" natatawang sabi ni Jash pagsapit ng Lunes. Sumubsob na lang ako sa table ko at hindi na nagsalita pa. "Grabe ang karma mo. Wagas kung makaresbak," dagdag naman ni Brence. "Shut up. Don't make me feel worse," sagot ko naman sa kanila. Tumawa lang ang dalawa. "I guess you just have to accept the fact na mukhang mahihirapan kang makaiwas kay Enzo," sabi ni Jash sabay hampas sa balikat ko. Tumitig na lang ako sa likod ni Enzo na nasa harapan ko. Without even thinking of it, bigla ko na lang na itinaas ang kamay ko at ginulo ang buhok niya. "What?" iritang baling sa ‘kin ni Enzo. "Gusto ko lang na malaman mo na inis na inis ako sa'yo," sabi ko. He rolled his eyes. "Ano naman ba ang nakakagulat diyan?" sabi niya sabay talikod. Kinalabit ko ang kwel

