Pagsapit ng gabi at matapos kong makakain ay nagpaalam ako kay mama na mangangabilang bakod ako dahil kailangan kong gawin ang activity namin ni Enzo. Pagkatapat ko sa bahay nila ay nakita ko na bukas ang gate. Dumungaw ako sa loob. Patayang ilaw sa may sala pero nakabukas ang pinto. Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay nila, pero bigla akong nakarinig ng ingay sa may pinto papunta sa garden nila. Baka may magnanakaw pa rito. Yumuko ako at naglakad papunta sa may garden nila, pero saktong pagkarating ko sa may pintuan ay biglang may taong humarap sa ‘kin sabay tutok ng isang sprayer sa mukha ko. "Argh!" sigaw ko nang ma-realize kong pepper spray pala pala ang tumama sa mukha ko. Bumagsak na lang ako sa sahig. Hindi na ako makakita at makahinga. Bigla ring na-

