"You deserve a slow clap." ‘Yan ang sabi sa ‘kin ni Jash pagsapit ng Sabado habang gumagala kami. Nasa loob kami ng isang pizzeria sa isang mall. "Are you really serious with what you said to Enzo?" tanong sa ‘kin ni Brence. "Nainis na rin kasi ako. Look, ako na ang nag-open up. Ako na ang unang nakikipagusap. As much as possible, hindi na ako nakikipag-away. Ako na lahat. Binabaan ko na ang pride ko, pero wala pa rin!" sabi ko. Jash nodded. "Well, I think you've already done your part. Si Enzo na lang talaga ang problema. Maybe he’s not that friendly talaga," sabi niya. "How can you live without friends?! Mamamatay ako nang maaga," biglang sabog ni Brence habang kumakain na. "He's really mysterious, that guy. Halos isang buwan na siyang nasa school pero wala pa rin siyang kaibigan.

