Paulo's POV Huminga ako nang malalim pagkapasok ko sa bahay namin. Buti naman at wala nang nangyari pang kung anong kaguluhan nang binigay ko kay Enzo ang linuto kong pagkain. "So, kumusta?" bungad sa ‘kin ni Lyan. "Binigay ko na," sabi ko naman sabay hilata sa sofa. "Good. Ano naman ‘yang dala mo?" tanong niya. "This?" tanong ko sabay taas ng paper bag. "Binigay sa ‘kin ni Enzo. Peace offering din niya yata sa ‘kin," sabi ko pa sabay amoy sa paper bag. Binuksan ko ang bag at may laman pala ‘yun na isang box ng cupcakes. "Ano laman?" excited na tanong ni Lyan. "Cupcakes," sabi ko sabay taas ng box. "That was sweet of him," sabi ni Lyan. I stared at the cupcakes. Napangiti na lang ako. Kahit papaano ay worth it namanang bugbog na napala ko kanina. ••• "Mukha kang timang. Kayong d

