Enzo's POV Nakatingala ako sa bagong school na papasukan ko. Unang araw ng pasukan at first year na ako. Hindi ko lubos akalain na kakayanin ko pang makapasok sa school, lalo pa't hindi pa naman ganoon natatagalan na mamatay ang kapatid ko. Hindi na nga sana ako papasok pero pinilit pa rin ako ng parents ko at ni Tita Henrietta na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. My parents didn't stay long dito sa bansa. Bumalik lang din sila agad sa Canada after na mailibing ang kapatid ko. They have decided na magtatrabaho sila doon hanggang sa makatapos ako ng college. Si tita ang nag-hatid sa 'kin sa school sa unang araw ng pasukan. Gusto ko sana na parents ko ang maghatid sa 'kin, pero alam ko naman na imposible 'yun dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kaya naman ngayon mag-isa ako habang naglalakad p

