HANDA nang pumunta sa simbahan sina Gwen at Tyler. Binyag kasi ng anak nilang si Fin. Sobrang ingrande ng okasyong 'yon parang may pista sa rancho ng mga araw na iyon dahil sa dami ng mga taong dumalo at maraming ring mga masasarap na pagkain ang nakahanda. Kasama na sa mga dumalo ang mga kaibigan ni Gwen na sina Pinky at Joy at ilang mga manggagawa ni Gwen sa kanyang Pottery Shop. Masayang naghihintay sa Saint Isidore the Farmer Parish church ang dalawang kaibigan ni Gwen pati na ang mga kaibigan ng asawa nitong si Tyler. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mag-asawa sa simbahan. Kaagad namang lumapit sa mag-asawa ang dalawang magkaibigan na si Pinky at Joy upang makita nila sa personal ang kanilang magiging inaanak. Hindi palang sila naka upo ay sinalubong na sila kaagad ng dalawa. S

