INIHANDA ni Gwen at Tyler ang damit ng anak nilang si Fin bago nila pinaliguan. Linggo kasi 'yon kaya walang trabaho si Tyler. Tuwang-tuwa ito habang pinanood ang anak na nagtatampisaw sa tubig. Pinisil niya ang matambok na pisngi nito bago nagtungo sa kwarto ni Troy. Pinaliguan rin niya ito at binihisan. Mag sisimba kasi silang dalawa. "Mahal, binihisan mo na ba si Troy?" tanong ni Gwen. "Opo, mahal. Tapos na andun na nga siya sa labas at nakaupo sa may swing." Anito. "Pasensiya kana mahal ha. Hindi muna ako makakasama sa inyong dalawa ni Troy. Pakisabi nalang sa bata na hindi pa pwedeng ilabas ang kapatid niya," nakangising wika ni Gwen. "Nako, sigurado naman akong maiintindihan ni Troy 'yon. Mas gusto ko nga na andito na si Baby Fin kasi parang nag matured si Troy. Sinabi nga niy

