"HINDI ko mahanap ang asawa ni Dingdo boss," wika ni Greg. "Kung maaari ay huwag kayong babalik dito kung hindi ninyo mahanap ang babaeng iyon. Gusto ba ninyong malaman ng mga pulis ang pinag gagawa natin?" wika ni Luke. Dali-daling nagtungo sa likod ng lumang gusali si Greg habang ang isa nitong kasama ay pumunta sa kakahuyan. Si Luke naman ay bumalik sa loob ng silid kung saan nakakulong si Mr. Tan at ang dati niyang alalay pati na rin ang pamangkin nito. Pinulot niya ang tubo na ginamit ni Greg at nagtungo ito sa loob ng silid. Sinipa niya ang mga lumang yero na hinarang sa may pinto. Nilapitan nito sina Dingdo at ang pamangkin nito na umiiyak sa sakit dahil sa pilay na kanyang natamo. Hinila ni Luke ang binata at walang awang pinagpapalo ng tubo. Sa lakas ng palo ni Luke ay wala na

