BINILISAN ni Joy ang panghugas ng plato para makapunta ng airport bago umalis ang mag-asawang Tyler at Gwen patungong Hawaii para sa honeymoon nila. Nangako kasi itong pupunta sa airport. Pagkatapos niyang maghugas ay kinuha niya sa kwarto ang puting tuwalya at pumasok sa banyo. Gagamitin sana niya ang shower kaso nakita niya na may isang balde na puno ng tubig. Pero noong ibinuhos na niya ito sa kanyang ulo at katawan ay napansin niyang may mga maliliit na kiti-kiti na pala ang tubig. Kaagad niya itong ibinuhos sa sahig ng banyo. "Kung minamalas ka nga naman. Baka makaalis na sila Gwen. Punyetang tubig kasi ito." wika nito sa sarili. Binuksan niya ang shower at binanlawan ang katawan nito. Kinuha niya ang sabon na bago niyang bili sa mall. Isa itong Whitening Beauty Soap. Sinabon niya

