"MAAM, MAY napili na po ba kayo sa mga design ko?" "Ang dalawang 'to ang gusto ko Vince," wika nito sabay turo sa dalawang magagandang gown na sobrang unique ng design. "Paano po si Sir Tyler, Maam, Gwen. Makakauwi ba siya ngayon?" "Nako, ang sabi niya sa akin kanina bago siya umalis ay alas-otso pa daw siya ng gabi makakauwi." "Ay, ganun po ba. Pakisabi nalang po sa kanya na eh, tawagan na lang po ako kapag may free time na siya," sabay abot ng calling card kay Gwen. Matapos makapili ni Gwen ng masusuot para sa darating nitong kasal ay pinuntahan nito si Troy sa kwarto nito upang paliguan. "Tita, Gwen.Where's daddy?" "Nako, umalis na ang daddy mo Troy. May work kasi ang daddy. Pero huwag kang mag-aalala uuwi naman si daddy mamaya. Andito naman si Tita Gwen mo eh, babantayan kita.

