Chapter 3
"T-tyler? O-okay kalang ba?"
Ngunit walang sagot si Tyler sa tanong ni Gwen na tila ba di naririnig ang kanyang sinasabi. Mas lalong nangatog ang tuhod ni Gwen nang higpitan ni Tyler ang pagyakap nito sa kanya. Napapikit nalang si Gwen dahil sa halo-halong emosyon na kanyang na raramdaman. Gusto man niyang itulak si Tyler ay parang may sariling buhay ang kanyang katawan ni hindi nito kayang maigalaw ang bibig. Sa madaling salita hindi niya makontrol ang kanyang katawan.
Hindi maipaliwag ni Gwen ang kanyang sarili para bang may kakaibang enerhiya na pumasok dito. "Lord, alam mong matagal ko nang hiniling sa inyo na bigyan niyo ako ng jowa. Pero di ako sanay sa mga ganito Lord parang sinaniban ni satanas itong katawan ko." wika niya sa sarili.
Mas lalong hindi siya mapakali nang lumapat ang kanyang ilong sa leeg ni Tyler at naamoy niya ang pabango nito. Gusto niya itong kagatin sa leeg na para bang nababaliw nang bahagya si Gwen sa mga nangyayari. Kaya nilakasan niya ang kanyang loob upang makapagsalita.
"T-tyler? Saan ba banda CR dito na iihi kasi ako eh."
Agad binitawan ni Tyler si Gwen sa pagkayakap at tumayo ito.
"Sorry Gwen, nadala lang ako pasensya kana talaga."
"N-naku, ok lang yun Tyler." sagot ni Gwen habang nakakamot sa kanyang ulo.
"Halika at ituturo ko sayo ang CR."
Agad tumayo si Gwen sa upuan at sinundan ang lalaki. Pagdating nila sa tapat ng pinto ng CR ay agad pinailaw ni Tyler ang lampara at binuksan ang pintuan.
"Heto Gwen, pasensya ka na di na kasi gumagana ang mga solar lamp ko dito kasi hindi na nasisinagan ng araw dahil sa napakaraming malalaking puno ang nakapalibot sa bahay na ito."
"Naku, wag kang mag-alala sanay na ako sa dilim," natatawang sagot ni Gwen.
"Sige Gwen, magluluto muna ako."
Dali-daling isinara ni Gwen ang pinto ng CR nang makita niyang papalayo na si Tyler. Habang nasa loob siya ng CR ay kinuha agad nito ang damit na ibinigay sa kanya ng lalaki. Habang hinuhubad niya ang kanyang damit ay naalala niyang hindi pala siya nag suot ng bra dahil hindi siya nakapagpalit ng damit pantulog dahil sa pagmamadali kanina. Kaya hindi siya komportable na isuot ang white long sleeve na bigay ni Tyler. Pero sa ayaw at gusto niya wala na siyang pagpipilian dahil iyon lang ang tanging damit na meron si Tyler. Sa taas niyang lima at anim na talampakan ay umabot sa kanyang tuhod ang long-sleeve na iyon.
"Gwen, tapos kana ba?"
"Saglit lang, maghihilamos muna ako."
"Sige, hihintayin nalang kita sa kusina para sabay na tayong kumain."
"S-sige Tyler susunod ako."
Paglabas ni Gwen sa CR ay nakita niyang nakaupo si Tyler sa lamesa. Wala itong damit pantaas at boxer short lang ang suot nito pangibaba. Kaya napakamot nalang ng ulo si Gwen sa kanyang nakita.
"Araw-araw talaga akong sinusubukan nang panginoon." wika niya sa sarili.
"Tyler? pasensya kana matagal ako."
"Naku okay lang mainit pa naman itong ihinanda ko saiyo," nakangiting sagot ni Tyler.
"Hindi ka ba giniginaw?" tanong niya sa lalaki.
"Giniginaw ang kaso maalikabok na kasi ang iba kung damit eh, pero huwag kang magalala okay lang ako sanay na ako sa ginaw. Bakit mo naitanong?"
"Naka-boxer short kalang kasi eh, " nakangiting sagot ni Gwen.
Napangiti nalang si Tyler habang nakakamot sa kanyang ulo sa sinabi ni Gwen.
"Sige na kumain na tayo Tyler baka lumamig na itong pagkain."
Habang kumain sila ay biglang tumunog ang cellphone ni Tyler na kumuha sa atensyon nang dalawa na pumutol sa kanilang kwentuhan. Agad tumayo si Tyler sa kanyang inuupuan kaya napayuko nalang si Gwen nang makita niya ng malapitan ang suot pang-ibaba ni Tyler.
"Saglit lang Gwen ha, sasagutin ko muna ito."
Napangiti nalang si Gwen pero di parin ito makatingin ng diretso sa lalaki.
"Nako,si Luke pala ito."
"Hello insan? Nasabihan ko na si Nanay Belen na diyan kayo magpalipas ng gabi ni Gwen.
'' Sige insan maraming salamat,''
Habang nag-aayos ng higaan si Tyler ay biglang pumasok si Gwen at umupo sa sahig habang nakatingin kay Tyler.
''Okay kalang ba Gwen? sabihin mo lang kung inaantok kana ha?''
''Nako ito namang si Tyler okay lang ako namamangha lang akon sayo promise.'' nakangiting sabi ni Gwen.
''Halika kana Gwen para makapag pahinga kana.''
Agad tumayo si Gwen at humiga habang nakahiga siya ay napansin niyang medyo malungkot si Tyler habang nakaupo sa bintana kaya agad itong tumayo at kinausap.
''Tyler ano bayang iniisip mo? parang malungkot ka ata ngayon may problema ba?''
Agad lumingon si Tyler at ngumiti ito kay Gwen agad itong tumayo sa kina-uupuan nito at lumakad pa puntang lamesa na may drawer at kinuha ang isang gintong kwintas na may pulang hugis puso na palawit.
''Gwen gusto ko palang ibigay ko ito sayo.''
''H-huh bakit napakamahal niyan Tyler at bakit sa akin mo pa talaga gustong ibigay?''
''Bigay kasi ito ng papa ko Gwen kay mama noong niligawan niya ito at sabi ni mama ibibigay ko daw ito sa babaeng nililigawan ko.''
Nanlamig ang katawan ni Gwen dahil hindi niya inaasahang masasabi iyon ni Tyler.
''Gwen simula ng mawala si Mama at Mahalia ay ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko ito ibibigay sa babaeng hindi ko gusto. kaya gusto kong ibigay ito sayo dahil gusto kita una palang kitang nakita ay nararamdaman kong iba ka sa ibang babae alam kong ikaw na ang ibinigay ng Diyos para sa akin.''
Hindi makapaniwala si Gwen sa kanyang narinig gusto niyang sumigaw sa kilig pero may halong pangangamba ang kanyang nararamdaman. Ayaw niya kasing isipin ng ibang tao na sinasagot lang niya ang katulad ni Tyler dahil sa mayaman ito.
''T-tyler huwag mo sanang masyadong damdamin at ikakasama ng iyong loob itong sasabihin ko. Pero hindi ko muna matatanggap ang kwintas na iyan Tyler hindi sa hindi kita gusto pero nagaalala ako sa maaaring mangyari kapag naging tayo.''
Agad lumapit si Tyler at hinawakan ang kamay ni Gwen.
''Huwag kang magalala hindi naman ako ganoon Gwen sapat na ang aking narinig at kaya kung mag hintay hanggang sa handa kana. Pero tanggapin mo na itong kwintas sabi ni papa noong suot- suot daw ito ni mama safe daw ito palagi kaya gusto ko itong ibigay sa iyo dahil gusto kong safe ka palagi. ''Wear and never remove this. This is a powerful bloodstone blessed na rin ito it will protect you againts harmful spirits and other psychic powers.''
Agad tinanggal ni Tyler ang lock ng kuwintas at saka isinuot kay Gwen. Napaikot ang mga braso niya kay Gwen habang nakatingin ito sa kanya. Nagulat si Gwen dahil nakatitig ito sa kanya.
''Ang ganda talaga ng mga mata niya; malamlam, makapal ang mga pilik-mata , kulay light brown ang kanyang mga mata. Ang sarap titigan, nakaka-magnet talaga.'' bulong ni Gwen sa sarili.
Unti-unting lumapit ang kanilang mga mukha ng tumunog ang phone ni Gwen. Tumugtog na naman ang '' Dynamite'' ng BTS. Patay na patay kasi si Gwen sa korean boy group na ito lalo na sa mga kanta nila kaya ginawa niya itong ringtone. Lumayo ng ilang dipa si Gwen kay Tyler at pinatay ang alarm.
''Pasensya kana Tyler. Palagi kasi akong nag aalarm ng mga ganitong oras hudyat na para akoy matulog,'' natatawang sabi ni Gwen.
''Sige matulog na tayo alas onse na pala ng gabi Gwen. halikana para makapag pahinga kana sigurado akong pagod na ang iyong katawan.''
Unang humiga si Gwen sa kama at sumunod namang humiga si Tyler sa sofa upang makapag pahinga.