CHAPTER FOUR

1593 Words
Kina umagahan ay maagang nagising si Gwen at niligpit ang kanyang hinihigaan nakita niyang naka baluktot si Tyler sa sofa dahil sa malamig ng hangin kaya agad niya itong kinumutan. ''Hay nako Tyler kung hindi lang talaga kita love,'' natatawang wika ni Gwen sa sarili. Pagkatapos ay dumiretso ito sa kusina at nag handa ng agahan pagkatapos ay naligo. kalaunan ay nagising narin si Tyler napangiti nalang ito ng makita ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan at agad itong pumunta sa labas upang tingnan ang kanyang alagang si winston.Pagkatapos ay agad nitong tinawag si Gwen upang kumain at nang makauwi na sila. ''Wow! ang bango naman,'' natatawang sabi ni Tyler ng makitang lumabas si Gwen banyo. ''Hay nako wag muna akong bulahin pa Senyorito Tyler.'' Natawa na lamang si Tyler sa sagot ni Gwen lalo na noong tumaray ang mukha nito. ''Bilisan mo na diyan sige ka iiwanan kita dito.'' ''Nako subukan mo lang Senyorito Tyler.'' ''Hindi joke lang aalis kasi si Luke may lunch meeting daw kasi nasa akin yung susi ng kwarto ko kaya hindi niya makuha ang susi ng aking kotse pinaayos kasi ang kotse niya kaya hihiramin niya iyong sasakyan ko.'' Agad pumasok si Gwen sa kwarto at nag bihis hindi na niya pinatulan ang mga sinasabi ni Tyler dahil alam niyang may pagka makulit itong si Tyler. Pagkatapos nilang kumain at makapag pahinga ng saglit ay umalis na sila pabalik ng rancho. Pagdating nila sa rancho ay may napansin sina Gwen at Tyler na isang itim na sasakyan magara ito at masasabi nating sobrang yaman ng nag mamay-ari nito. Agad bumaba si Tyler sa sinakyan nitong kabayo at inalalayan si Gwen pagkatapos ay agad itong tumungo sa hawla at ibinalik ang kanyang kabayo na si winston. Hindi paman nakapasok ang dalawa sa loob ng malaking bahay ng may narinig silang boses ng isang babae na papalapit sa kanila habang sigaw nito ang salitang baby. ''Tyler sino siya?'' ''Siya si Luna ang anak ng business partner nila mama at papa noon magkababata kami Gwen hindi ko alam na nakauwi na pala siya galing US. Sa pagkakaalam ko kasi sa susunod na taon pa.'' Agad tumigil sa paglalakad sina Tyler at Gwen habang nakatingin sa babaeng papalapit sa kanilang dalawa. ''Hi Tyler my baby did you miss me?'' ''Hey, Luna kumusta kana akala ko sa susunod na taon kapa uuwi.'' ''Hay nako Tyler dika parin nagbabago parati mo nalang akong di sinasagot pag sinasabi ko sayong miss mo ba ako tapos di mo na rin ako tinatawag na baby,'' nakataray na sabi ni Luna. ''Luna hindi naman sa ganoon nabigla lang talaga ako sa pagdating mo. Anyway kasama mo ba sila tito at tita?'' ''No Tyler nasa states pa sila kaya nga ako pumunta dito kasi wala sila and i want you to go with me sa mansion namin sa Maynila.'' ''Siya nga pala Luna si Gwen pamangkin ni Nanay Belen.'' ''Hi miss Luna I'm Gwen.''nakangiting bati Gwen agad niyang inabot ang kanyang kamay kay Luna upang makipag kamay pero hindi man lang ito pinansin ni Luna. ''Sige T-tyler mauna na muna ako sa loob iwan ko muna kayo.'' ''Much better bye,''sagot ni Luna habang nakataray. Hindi nalang kumibo si Gwen at naglakad ito papasok ng bahay. Hindi nagustuhan ni Tyler ang asal na ipinakita ni Luna kay Gwen kaya agad niya itong pinagsabihan. Pero ganoon na talaga ang ugali ni Luna noon paman ay palagi na siyang laman ng guidance room dahil sa ugali niya. ''Tyler may gusto kaba sa babaeng iyon?'' tanong ni Luna. Gusto mang sabihin ni Tyler ang totoo pero ayaw naman niyang masaktan ang kanyang kababata dahil noon paman ay inamin na ni Luna na gusto niya si Tyler. ''H-hindi L-luna kaibigan ko lang si Gwen.'' ''Well that's good dahil alam mo namang gusto kita Tyler noon pa kaya nga ako bumalik dito dahil gusto kong dito ko itayo ang aking negosyo para naman makita kita ang layo kasi ng US. At sa tuwing tatawagan naman kita hindi mo naman sinasagot.'' ''Nako pasensya kana Luna kasi sobrang busy ko lalo na at wala na sila mama at papa.'' ''Siya nga pala Tyler nasaan nga pala yung pinsan mong si Luke?'' ''Nasa loob pa ata ng kanyang kuwarto natutulog alam mo naman noon pa na tulog mantika iyon. Siya nga pala pumasok na muna tayo para naman makapag palit ako ng damit at makapag pahinga ka.'' ''Sige para naman makita ko si Luke miss ko na rin iyon eh.'' Pagpasok nila sa malaking bahay ay agad umupo si Luna sa sofa at umakyat naman si Tyler papuntang kwarto para magpalit ng damit. Habang nakatutok si Luna sa kanyang cellphone ay may narinig siyang mga yabag ng paa pababa ng hagdan at nakita niyang bumaba si Gwen. Hindi gusto ni Luna si Gwen ayaw niyang makita itong lumalapit kay Tyler kaya agad niya itong tinawag. ''Hey! Gwen right?'' tanong niya habang nakataas ang kilay. ''Yes Luna how can i help you?'' ''Gusto ko lang sana manghingi ng paumanhin kanina naninibago lang ako sayo.'' ''Nako okay lang di naman iyon big deal.'' sagot ni Gwen. Medyo nainis si Luna sa sinabi ni Gwen hindi niya akalain na palaban din pala ito kaya nagtanong ito tungkol sa trabaho niya. ''Siya nga pala Gwen ano nga pala ang trabaho mo as of now?'' ''May negosyo akong pinagkakaabalahan ngayon isang pottery shop.'' ''Oh my God a pottery shop? ''Yes a pottery shop any problem? ''No pero i guess maliit lang ang kita niyan ayaw mo ba ng ibang work? Mag tatayo ako ng negosyo dito sa pinas ayaw mo bang mag apply? ''Nako salamat nalang Luna pero okay na ako sa negosyo ko ngayon importante din kasi iyon sa akin kasi sa mga magulang ko iyon.'' ''Okay sabi mo eh,'' pataray na sagot ni Luna. Agad tumayo si Gwen sa sofa at nagtungo sa kusina upang tulungan ang kanyang tiyahin na maghanda ng pagkain. Nagluto si Gwen ng adobong manok na nilagyan niya ng special recipe na tinuro ng kanyang nanay noon. ''Sigurado akong magugustuhan iyan ni Tyler anak.'' nakangiting sabi ni Aling Belen. ''Sana nga po tita ngayon lang din ako nakapagluto ulit ng ganito.'' ''Nako wag kang magalala alam kung magugustuhan niyan ni Tyler kasi paborito niya ang adobong manok lalo na at kakaiba ang lasa nito dahil ikaw ang naghanda.'' Na pangiti na lamang si Gwen sa sinabi ni Aling Belen at tinulungan itong dalhin ang mga pagkain sa lamesa. Nang biglang hinawakan ni Luke ang kanyang braso sa gulat niya ay na bitawan ni Gwen ang kanyang dalang baso at nabasag. ''I'm so sorry Gwen magtatanong lang sana ako.'' ''Nako okay lang Luke kasalanan ko rin kasi dahil magugulatin ako ayan na bitawan ko ang basong dala ko.'' nakangiting sabi ni Gwen habang naka kamot sa kanyang ulo. ''Sige Gwen ako ng bahala dito sorry talaga.'' Pagkatapos itapon ni Luke ang basag na baso ay pumunta ito sa kusina upang tulungan si Gwen sa paghanda. ''O, Akala ko may lunch meeting ka Luke wag kang mag-alala kaya kona ito.'' sabi ni Gwen. ''Hindi na natuloy Gwen kasi nagkasakit ang asawa ng ka meeting ko kaya ipinagliban muna niya. Kaya hayaan mo na akong tulungan kita rito.'' Kaya pinabayaan nalang ni Gwen na tumulong si Luke sa kanya. Hanggang sa mapansin ni Luke ang suot nitong Kuwintas alam niya na galing iyon kay Tyler dahil minsan na itong ikinuwento sa kanya ang tungkol sa kuwintas na iyon. Uminit ang dugo ni Luke at sumama ang tingin nito kay Gwen. Kaya nag pasya muna itong mag paalam upang pumunta sa kanyang kwarto. ''Hey Luke! how are you?'' sigaw ni Luna ng makita niya si Luke paakyat ng hagdan. ''L-luna?'' natutulalang sabi Luke. ''Well yes it's me Luke kumusta kana?'' ''Wow! malaki ang pinagbago mo ah kailan kalang naka uwi?'' ''Kahapon pa ako nakauwi dito and the reason kung bakit ako umuwi ay para magtayo ng negosyo dito sa pinas dahil bukod sa maganda rito nangungulila ako kay Tyler.'' Biglang nabuhayan ng loob si Luke sa kanyang narinig alam niyang may kakampi siya at alam na niya kung ano ang ugali meron si Luna hindi ito titigil hanggat sa hindi nito nakukuha ang gusto niya. ''Well my dear Luna welcome back to San Bartolome,'' sabay tawa ng malakas at gayundin si Luna. Natigil ang kanilang tawanan ng makita sila ni Tyler. At agad na nilapitan ni Luna ang lalaki at hinawakan ang mga kamay nito. ''Baby i'm hungry pwede ba lutuan mo ako ng favorite ulam mo yung chicken-adobo?'' ''Nako Luna may niluto na kasi si Nanay Belen eh pwede bukas nalang?'' '' Okay baby basta lutuan mo ako ha?'' nakangusong sabi ni Luna. Agad sumunod sa matanda ang tatlo at habang kumakain sila ay tumayo si Tyler sa kina uupuan nito. ''Nay Belen nasaan si Gwen?'' nagtatakang tanong ni Tyler. ''Nako Tyler umupo kalang diyan nasa kusina lang si Gwen may inihanda siya para sayo.O, Ayan na pala si Gwen,'' nakangiting sagot ng matanda. ''Wow ang bango ah!'' sabi ni Luke. ''Ano iyan Gwen? mukhang amoy palang masarap na,''sambat naman ni Tyler. ''Chiken adobo ito Tyler sabi kasi ni tita paborito mo ito.'' Agad tinikman ni Tyler ang adobo ni Gwen at wala itong masabi nakangiti lang ito habang patuloy na kumakain. Habang si Luke naman ay halos mabulunan dahil nasasarapan din ito sa luto ni Gwen. Pagkatapos nilang kumain ay nilapitan ni Tyler si Gwen at bumulong ito. ''Thank you so much Gwen sana dika magsasawang gawin iyon ulit I realy loved it,'' nakangiting sabi ni Tyler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD