CHAPTER FIVE

1163 Words
Hindi maipaliwanag ang saya na makikita sa mukha ni Gwen sa araw na iyon pero napalitan rin agad ito ng lungkot at pag-aalala ng tumawag ang kanyang kaibigan na pinasok at ninakawan ang kaniyang shop at sinira Hindi pa ang ibang gamit na nasa loob. kaya napag desisyonan ni Gwen na umuwi na muna sa Maynila. Dali-dali itong tinungo ang kwarto ni Aling Belen at sinabi ang nangyaring nakawan sa kanyang shop. ''Sigurado ka ba anak na uuwi ka ngayon diba pedeng bukas nalang malapit na kasing dumilim at delikado lalo na at ikaw pa ang magmamaneho.'' ''Nako si tita naman parang di ako sanay at saka importante po talaga na umuwi ako dahil kailangan ako ng aking mga trabahador.'' ''Nag paalam kana ba kay Tyler sigurado akong mag-aalala iyon.'' ''Mamaya po pagkatapos kung mag ligpit tita.'' ''Sige mag ligpit kana doon para hindi ka abutan ng dilim sa pagmamaneho.'' ''Sige po babalik napo ako sa kwarto tita salamat po.'' Agad niligpit ni gwen ang kanyang mga gamit at nagbihis pagkatapos ay tinungo niya ang kwarto ni Tyler upang magpaalam. Kumatok siya sa pinto pero walang nagbukas kaya kumatok siya ulit pero pag bukas ng pinto hindi si Tyler ang kanyang nakita kung hindi ay si Luna. ''Yes Gwen ano ang sadya mo at naparito ka sorry wala yung baby ko nasa banyo naliligo,'' pataray na sabi ng babae. ''Ah, ganoon ba gusto ko lang sanang magpaaalam kasi aalis na ako uuwi na ako sa maynila kasi may emergency.'' ''Uuwi kana? well that's a good news!'' ''O, Ayan ka na naman Luna iwanan mo muna kami saglit ni Gwen.'' ''Sige Tyler doon muna ako sa baba hihintayin kita doon,'' sagot ni Luna. Bumaba agad si Luna upang makapag usap ang dalawa pero kitang kita sa mukha nito ang pag seselos. ''Gwen bakit bihis na bihis ka saan ba lakad mo?'' ''Babalik na ako sa Maynila Tyler kasi may naganap na nakawan sa shop ko at kailangan ako ng mga trabahador kon doon.'' ''Hapon na kasi Gwen delikado hindi ba pwedeng bukas ka nalang ng umaga umuwi?'' ''Okay lang naman Tyler sanay na ako.'' ''Ihahatid nalang kaya kita Gwen.'' ''Nako hindi na okay lang talaga ako Tyler.'' ''Basta mag ingat ka Gwen alam mo namang-.'' ''Alam kong ano?'' Nginitian nito si Gwen sabay kaway paalis. Habang binabaybay ni Gwen ang daan ng Rancho dela rosa ay naalala niya kung paano nag krus ang kanilang landas ni Tyler. Napangiti ito habang nag mamaneho ng biglang tumunog ang kanyang telepono. "Hello?" Hindi agad niya matukoy kung sino ang tumatawag dahil bago sa kanya ang number na iyon. "Hello? kung sino ka man magsalita ka wala akong time makipag-usap sa mga taong kagaya mo, " wika niya sa mataas na boses. "Hay nako Gwen you're so funny, " wika ng lalaki sa kabilang linya. "T-tyler? ikaw ba to? " "Oo ako to tinawagan kita to make sure na okay kalang. " "Okay lang naman ikaw ba?" "Ito nakaupo lang wala kasi akong magawa eh. " "Andiyan paba girlfriend mo? " natatawang tanong ni Gwen. "Girlfriend sino?" naguguluhang sagot ni Tyler. "Si luna. " "Hindi ko Girlfriend iyon ikaw talaga, may iba na akong gusto miss ko na nga eh." "Sige na Tyler patayin ko muna ito ha. Baka kasi mahuli pa ako ng mga pulis pag nakita nila akong nakahawak ng selpon habang nagmamaneho. " "Mag-ingat ka mag text ka or call pag nakarating kana sa shop mo ha?" "Opo Seniorito Tyler, " pabirong wika niya. Dalawang oras ang nakalipas bago nakarating ng Manila si Gwen. Na miss niya ang lugar pero mas na miss niya ang shop na bilin ng kanyang magulang. Agad niyang kinuha ang selpon at tinawagan si Tyler ngunit di niya ito ma kontak kaya nag text nalang ito na nasa shop na siya. Pagpasok niya sa shop ay bumulaga agad sa kanya ang mga basag na gamit. Gusto niyang umiyak pero inisip niya na kahit iiyak siya ng iiyak hindi na maibabalik sa dati ang ginawa ng mga magnanakaw. "Paeng pakilinis ng mga basag na gamit at pakisabi kay Almira na mag-uusap kami." "Sige po maam." Umupo siya sa sofa at ipinatong sa maliit na mesa ang dalawang paa niya na nangangawit. Hindi namalayan ni Gwen na nakatulog na pala siya dahil sa pagod kaya laking gulat niya nang madilim na ang paligid ng gumising ito. Nakita niya si Almira na nakaupo sa kabilang sofa. "Kanina ka paba diyan Almira? " "Opo ipinatawag niyo raw po kasi ako pero nung pagdating ko rito ay tulog po kayo kaya hinintay ko na lang po kayong magising." "May itatanong lang sana ako sa iyo, paano nangyari na napasok tayo ng magnanakaw, eh nandito naman palagi si Paeng nagbabantay." "Ang sabi kasi ni Paeng ay nakatulog raw siya dahil maulan raw sa gabing iyon. Hindi rin daw niya narinig ang mga pagbasag ng mga gamit dahil sa lakas ng buhos ng ulan sabayan pa ng kulog at kidlat." "Na eh report niyo na ba sa mga pulis ang nangyari? " "Opo." "Sige maraming salamat sayo Almira. " Ipinasok ni Gwen sa kwarto ang mga gamit bago ito lumabas upang kumain sa paboritong restaurant ng kanyang mga magulang na miss niya kasi ang pagkain na paborito niya ang pansit palabok at spicy chicken adobo. Pag-uwi niya ay agad niyang tiningnan ang selpon kung tumawag ba sa kanya si Tyler ngunit kahit isang text ay wala. Tinawagan niya ulit ang number nito pero out of coverage area ang number niya. "Bahala ka nga sa buhay mo Tyler mag-enjoy kayo ni Luna," wika niya sa sarili. Kaagad niyang pinatay ang selpon at humiga sa kanyang kama. Hindi niya ma-deny sa sarili na nagseselos siya sa kababata ni Tyler na si Luna. Lalo na at binalaan siya nito na sa kanya lang si Tyler. Pumikit nalang siya hanggang siya ay nakatulog. Napabalikwas ng bangon si Gwen dahil sa may nagsisigawan sa labas ng kanyang shop. Nakita niyang tinutupok ng apoy ang isang jewelry shop. "Paeng ano ang nangyari bakit nasunog ang jewelry shop nila Sir Vic?" "Pinasok daw po kasi ng magnanakaw ang shop nila tapos sinunog. Pinatay nga po yung sekyo nilang si Mang Tony, " wika nito na nanginginig ang boses. "Nako ano ba ang nangyayari dito sa Manila mas lalong dumarami ang mga krimen na nangyayari." "Ikaw po ba Maam Gwen anong plano ninyo? " "Ano ang ibig mong sabihin Paeng?" "Hindi niyo ba isasara ang shop?" "Huh? bakit ko naman ipasasara ito, eh ayaw ko namang mawalan kayo ng hanapbuhay lalo na si Almira buntis iyon." "Pasensya na po kayo nag-aalala lang po kasi ako baka pasukin uli tayo nang mga magnanakaw at sunugin rin itong shop." "Hay nako, wag kang mag-alala Paeng dahil kapag nakabawi na tayo sa mga nasirang gamit ay magdadagdag ako ng isang sekyo para may makasama ka sa pagbabantay okay? " "Maraming salamat po matagal ko na po talagang gusto na may kasama rito sa pagbabantay," nakangiting wika ni Paeng.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD