CHAPTER SIX

1215 Words
MUNTIK nang mabuhusan ng kapeng iniinom ni Gwen ang kanyang laptop habang nanonood ito ng nakakatawang pelikula sa netflix. Paano ba naman, saksakan ng lakas ang tunog ng cellphone niya na gumulantang sa katahimikan ng paligid. Si Joy ang tumatawag. Kaibigan niya ito since elementary pa lang sila. "O, bakit ang aga-aga mong mambulahaw? Nagmumog ka na ba?" pang-aasar niya rito. "Hindi pa. Bakit, nakaabot ba sa iyo ang amoy ng morning breath ko?" Naririnig niya ang malakas na paghinga nito sa kabilang linya. "Kasulasok nga, girl. Teka, magtu-toothbrush muna ako." Tumawa siya. "Bruha ka talaga. O, ano? Bakit ka nga tumatawag?" "May pork liempo ka ba sa ref mo?" Napakunot-noo siya. Isa na naman ba iyon sa mga kalokohan nito? "Oo. Bakit mo itinatanong?" "Di ba magaling kang gumawa ng pizza maliban sa pagluto ng masarap na adobong manok?" Hindi pa rin niya makuha kung bakit tinawagan pa siya nito at tinatanong ng tungkol sa pizza. "Oo nga. Bakit ba?" "Pupunta kasi ako ngayon diyan. Bibili ako ng mga magagandang paso na ibinibinta mo para sa mga halaman ko na binili ko sa Baguio. Ipagluto mo naman ako, o," himig-nang-uuto na sabi nito. Napanganga si Gwen. Pizza pie sa umaga? "Alam mo Joy, Linggo ngayon sirado ang shop namin at bawal kaming tumanggap ng mga customers. Siguro hindi kapa talaga gising ang mabuti pa, mahiga ka uli. Kompletuhin mo muna ang tulog mo. I'm sure, kapag nagising ka mamaya, makakalimutan mo na ang napaka-outrageous mong wish ngayong umaga." "Ang sama mo talaga. Kaninang madaling araw ko pa naiisip ang pizza na ginagawa mo. Pasalamat ka nga hindi ako tumawag kaninang madaling-araw sa iyo." "Ah, ako pa pala ang may utang na loob sa iyo kung gano'n?" "Gwen, naman. Igawa mo na ako ng pizza. I promise bibilhin ko lahat ng mga magaganda mong pots. "Bakit nga para kang addict sa pizza diyan?" "Ewan ko. Basta nang magising ako kanina, hindi ko na maipaliwanag ang craving ko sa pizza na gawa mo. To think na matagal na akong hindi nakakatikim n'on." "Ano ka ba? Daig mo pa ang naglilihi—" Naudlot siya sa pagsasalita. Noon lang niya naisip na baka nga naglilihi ito. Kasabay niyon ay ang malakas na katok sa pinto nang shop niya. "Wait, parang may emergency sa labas. Balak yatang gibain ulit ang front door ko na sinira ng mga magnanakaw ng pumunta ako sa Rancho dela rosa. Tatawagan nalang kita pagkatapos." "Teka, tek—" Pinindot na niya ang End call button ng cellphone niya. Narinig uli niya ang malakas na katok sa pinto niya. Kundangan kasi na hindi pa naikakabit ng electrician ang doobell na bago niyang bili. Nasa sala na siya nang sabay siyang gulantangin ng malalakas na katok at ng malakas na ringing tone ng cell phone niya. Awtomatikong natakpan niya ang mga tainga niya. Hindi niya malaman kung ano ang uunahin niya. Tinakbo niya ang cellphone at pinatay iyon nang hindi binabasa sa screen kung sino ang caller. Pagkatapos ay tumakbo siya sa front door. "Nandiyan na!" Nandiyan na!" sigaw niya. Grabe kasi kung makakatok ang kung sinumang nasa labas. Wala siyang inaasahang bisita. Malayo ang mga kapitbahay niya dahil ang shop niya ay malayo sa highway. Nang mabuksan niya ang pinto, isang matangkad at maskuladong lalaki ang tumambad sa kanya. Guwapo sana ito kung hindi lang madilim ang mukha nito at namumula sa galit. Nakasuot ito ng mamahaling shades at naka mask kaya hindi niya matukoy kung sino ang lalaki. Sa kabila niyon, naghuhumiyaw ang s*x appel nito sa hapit na royal blue muscle shirt at black tazlan shorts. Para itong isang vampire na handang sakmalin ang katulad niyang tao. "C-can I help you?" intimidated agad na tanong niya. "Ano ba ang ginagawa mo sa loob? bakit ang tagal mo?" Pagkarinig palang niya sa boses ng lalaki ay nakilala na niya ito agad. "Tyler? anong ginagawa mo dito ang aga-aga wag mong sasabihin na bibili ka ng mga tinda ko sorry sunday ngayon hindi kami open." "Hindi mo ba ako na miss?" Aba't may pagkaantipatiko talaga. Pasalamat ka, guwapo ka. kung hindi...... Natilihan siya. kahit saang aspeto yata daanin ay talo siya rito. "T-tumahimik ka nga diyan, ano ba talaga ang sadya mo rito? paano mo nalaman address ko?" "Gusto ko lang sana ibigay ito sayo nakalimutan mo yan sa banyo noong naligo ka, buti nalang at nakita ni Nanay Belen. Diba ang sabi ko huwag mo itong huhubarin. " "Nako, pasensiya kana hindi kasi ako sanay na magsuot ng kwintas kapag naliligo Senyorito Tyler. Ito lang ba sadya mo para magpunta ka dito sa Maynila?" wika niya sa mataas na boses. "Hindi naman, pinilit kasi ako ni Luna kagabi na ipagmaneho siya pauwi sa mansyon nila dito sa Maynila. Hindi na rin ako pinauwi ng rancho kasi wala raw siyang kasama. Nakakaawa naman kaya sinamahan ko nalang." "Ahh, salamat pala rito ha nag abala ka pa talaga." wika ni Gwen sa mahinang boses. "Nako wala iyon. Sige Gwen aalis na ako may gagawin pa kasi ako sa rancho." Lumapit ito kay Gwen at Inilahad nito ang palad sa kanya. Bumalik na naman ang pakiramdam niya na parang hindi siya makahinga nang sumayad ulit ang kamay nito sa palad niya. Pilit niyang inignora ang init na tumulay sa braso niya sa simpleng handshake na iyon. Again, she mentally shook her head. Normal ang gising niya. Naka inom na siya ng mainit na kape pero bakit abnormal ngayon ang pabagu-bagong pakiramdam niya sa harap ni Tyler. "Maghunosdili ka, Gwen. Baka gusto mong mag away kayo ni Luna. wika nito sa sarili. Nang wala na si Tyler ay binalikan niya ang cellphone niya. Ini-on na niya iyon. Segundo lang at pumailanlang na sa paligid ang high-pitched na ringing tone niyon. Nasa maximum pala ang volume niyon kaya ganoon iyon ka lakas. Nilakasan pala niya noon ang volume noong hinintay niya ang reply at call galing kay Tyler noong isang gabi. Hininaan agad niya ang volume ng cellphone bago niya sagutin ang tawag ni Joy. "Bakit mo ako pinatayan ng cellphone, babae ka?" anitong mas matinis ang boses kaysa kanina. "Kasi nga may pumunta dito na hindi ko inaasahang bisita. Anong oras ka pupunta rito?" "Eight." Naitirik niya ang mga mata. Ito-thaw pa niya ang liempong iihawin niya. "Sandali nga. Magtapat ka nga sa akin. Naglilihi ka ba?" "Yup. Positive!" "Really?" "Oo nga, girl. Naglilihi na talaga ako. I feel like shouting it out!" Halos sumigaw nga ito. Nakakabingi ang matinis na boses nito sa cellphone. Masaya siya para kay Joy. Ngunit nakadama siya ng lungkot nang matapos na ang pag-uusap nila. Lahat nalang kasi ng batchmates niya ay may asawa na. Habang siya ay kahit boy friend ay wala. Si Marylou ay dalawa na ang anak. Si Joy, hindi pa nga ito kasal sa boyfriend nito ngunit malamang na mapapabilis na ang pagpapakasal ng dalawa ngayong buntis na ang kaibigan #b Modesty aside, hindi siya pangit. Sa katunayan, madalas siyang mapiling muse noon sa mga basketball league at maging sa classroom nila noong elementary siya hanggang nag koliheyo ito. Marami ring nanliligaw sa kanya. Ngunit mula noong namatay ang magulang niya at mag resign siya sa kanyang trabaho sa America at nag-concentrate na lang siya bilang bagong may ari ng pottery shop, wala nang nanliligaw sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD