ANG SABI sa kanya ni Joy, ganoon daw talaga dahil halos ganoon daw talaga dahil halos wala na siyang social life. Bihira na siyang makihalubilo sa ibang tao dahil nga palaging nasa shop lang siya. Halos isang beses sa isang buwan lang kung magpunta siya sa noon sa bahay nila. Karamihan pa ng mga nagtatrabaho sa shop niya ay pulos babae. May iilang lalaki nga ngunit madalas na kung hindi may asawa na ay bading naman.
Ayon kay Joy, napaso lang daw siya sa isang pakikipagrelasyon pagkatapos ng breakup nila ng ex-boyfriend niya noong college na si Bernard. Mula kasi nang makipag-hiwalay sa kanya ang ex-boyfriend niyang iyon ay hindi na siya pinalad na muling magka-boyfriend.
Kinuha niya sa mesa ang tasa ng kapeng iniinom niya kanina. Malamig na iyon. Ibinuhos na lang niya ang laman niyon sa lababo at nagtimpla uli siya ng panibago. Naiisip tuloy niya, kung sana tulad ng kape ang mga babaeng single na gaya niya. Na kapag lumamig na at wala nang manliligaw na binata ay maaaring i-reinvent lang ang sarili at timplahan ng panibago. Kung sana hindi mag-expire ang biological clock niya.
Niyakap nang mahigpit ni Gwen si Joy nang dumating ito sa shop niya. Alas-otso y kinse na nang makarating ito. kasalukuyang iniihaw niya ang pork liempo.
"Naglilihi ka ba talagang bruha ka? Hindi mo ako ginu-goodtime lang?" tanong niya nang magbitiw sila. Nakasunod ito sa kanya nang balikan niya ang iniihaw niya sa gilid ng porch.
"Oo nga, ano ka ba? Kahapon pa ako nag-test. Positive!" excited at patiling pagbabalita nito. "Magiging nanay na ako!"
"Alam na ba ito ni Rene?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang boyfriend nito.
"Hindi pa. Bukas pa ang dating niya." Flight attendant ng isang international airline ang boyfriend nito. "Gusto kong sorpresahin siya. I can't wait to tell him the good news."
"Dapat pala madaliin n'yo ang preparation ng kasal. Hindi dapat mahalata ang tiyan mo kapag suot mo na ang gown mo."
"Ang bangu-bango naman ng inihaw mo. Hindi pa ba luto 'yan? Naglalaway na ako."
Kumunot ang noo niya sa tahasang pag-iwas nito sa topic na binanggit niya. "Malapit nang maluto ito. Kung gusto mo, ilabas mo na iyong pie crust sa oven para mabudburan na ng grated cheese. Kompleto na ang toppings n'on, keso na lang at itong liempo ang kulang."
Iniwan nga siya nito at pumasok na ito sa loob. Hinahango na niya ang liempo sa parilya nang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag sa kanya si Tyler sa kanyang messenger app. Agad niya itong sinagot at nakita na naman niya ulit ang napakaguwapo nitong mukha. Hindi niya lubos akalain na makikipag video call sa kanya si Tyler. Bagong paligo ito, preskung-presko, at sa palagay niya ay lalong gumuwapo sa suot nitong fitted white shirt at faded denims. Lalong lumitaw ang malapad at maskuladong katawan nito.
"Oy Napatawag ka ata?"
"Sorry ha, may ginagawa kaba? hindi ba ako nakakadisturbo?"
"Nako, hindi naman."
"May gusto lang sana akong sabihin sa iyo."
"Huh, eh, bakit hindi mo sinabi kanina nung pumunta ka dito?"
"Nakalimutan ko kasi, gusto lang sana kitang eh invite sa despededa party nang secretary ko. Alam mo na matanda na kaya kailangan ng mag resign. Gusto ko namang memorable at masaya ang pag alis niya kaya nagpa-party ako. Huwag kang mag-alala susunduin naman kita diyan sa shop mo, nagpaalam narin ako sa Tiya Belen mo kanina."
"Eh K-kasi T-tyler."
"Ayaw mo ba Gwen? Kung may gagawin kang mas importante okay lang naman sa akin. Baka naman takot ka sa akin, I admit I've been so rude to you noong bumisita ka dito sa rancho. Baka nabastos kita noong sinabi kong gusto kita. Sorry, nabigla lang talaga ako Gwen."
"Nako hindi akay lang, huwag kang mag-alala pupunta ako sa party. Sige Tyler tatapusin ko muna itong niluluto ko ha, maraming salamat sa pag imbeta."
"Nako walang ano man iyon. See you tomorrow Gwen, bye." wika ni Tyler habang naka ngiting nakatingin kay Gwen.
Napatingin siya sa sinabi nito. Mahirap palang hindi ngitian ito. Mahirap hindi ngitian ito. Mahirap na hindi gantihan ang paraan ng ngiti nito sa kanya. Para itong buwan sa madilim na gabi. Para itong sikat ng araw sa masamang panahon. Napakahirap na hindi pansinin nito.
"Hindi ko talaga tatanggihan iyon. Ano ba, Gwen? Hindi ka ba magpapasaway? Tigilan mo na ang pagpansin sa mga titig at ngiti niya sa iyo. Para kang naghahanap ng clue sa mga kilos niya kung attracted din siya sa iyo. It wasn't a very nice thing to do.
Gusto pa sana niyang humaba ang pag-uusap nila. Ngunit luto na ang iniihaw niya. At kanina pa siya nakakaramdam ng guilt. Kanina pa nang mapansin niya kung gaano ka -attractive ito ngayong bagong paligo ito. Lalo na nang ngitian siya nito na tila nahihiya ngunit nagpapa-cute naman.
Alam na niya kung bakit maraming mga babae ang nagpapapansin kahit may mga boyfriend na at kahit may asawa na. Mahirap pala talagang labanan ang temptation. Lalo na kung tulad ni Tyler ang tempter.
"Hoy bruha ka! sino iyon?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Joy kay Gwen. Nasilip pala sila nito habang nag-uusap sila ni Tyler.
"Gaga, kaibigan ko iyon. Alaga iyon nang Tiya Belen noong bata pa. Siya ang bagong may ari ng rancho at ang sikat na kompanya ng mga luxury cars dito sa Maynila."
Hindi nabawasan ang panlalaki ng mga mata nito. Naging pilya rin ang pagkakangiti nito.
"Super-duper hunk, ah. Imagine three days kalang doon sa rancho tapos close na kayo at pinuntahan ka pa kanina ng isang supercute hunk."
"Correction, hindi kami close. At tigilan mo nga 'yang panlalaki ng mga mata mo. Ikaw rin, baka magmukhang kuwago ang magiging baby mo."
Parang wala itong narinig. "Grabe, Gwen! sa wakas, magkaka-lovelife ka na uli." Nakasunod ito sa kanya hanggang sa makarating sila sa kusina. Sinimulan na niyang hiwain nang manipis ang grilled liempo. "Ang guwapo at ang macho pa ng new prospect mo. Parang kay Thor ng Avengers ang torso."
"Hey, de-siyento na agad ang takbo ng isip mo." Bakit nga ba ang babae, kapag nakakita ng guwapo, naiisip agad ang possibility ng romance sa pagitan nito at ng taong iyon?"
"Aba, bakit hindi? Guwapo siya, mayaman, mabait, pinupuntahan ka dito para lang ihatid iyang kwintas na bigay niya sayo, at invited ka sa party. Maliwanag na exposure 'yon ng beauty mo. I bet napansin agad niya ang alindog mo."
Malungkot na ngiti ang itinugon niya rito. "Hmm, huwag ka nang umasa. He's a rich guy. Samantalang ako ito kumakayod sa buhay."
"Ay, sayang naman."
"Sayang talaga," sang-ayon niya.
Ngumisi ito at tinitigan siya ng pailalim. "Type mo sana, ano?"
"Teka, baka lumamig na itong liempo." Inalis niya sa microwave oven ang pie crust na niluto niya. Nalagyan na niya iyon ng mga ingredients kanina. Nabudburan na rin pala ni Joy ng grated cheese iyon.