"I WONDER kung may lalaking makaka-resist ng charm mo kapag natikman nila ang famous pizza liempo supreme mo," sabi nito habang nilantakan ang isang hiwa ng pizza pagkatapos lagyan iyon ng liempo strips. "Kapag nangyari 'yon, I'm sure makakahanap ka na ng dyowa."
"Alam mo, madali namang makahanap ng lalaking mahu-hook sa alindog ko. Baka nga isang gabi lang akong dumisplay sa mga bar, may mahanap agad ako."
Alam na alam niya ang bagay na iyon. Galing siya sa ganoong paraan ng paghahanap ng boyfriend noon dahil sa impluwensiya ng mga barkada niya. Sa bar sila nagkakilala noon ng college boyfriend niya. Pilit siyang isinama noon ni Joy at Claire sa bar tuwing sabado. Nasa sulok ito ng bar counter nang una niyang makita. She was instantly attracted to him. Siya ang unang lumapit dito at nagpakilala. Halatang napilitan lang ang ex-boyfriend niya noon na kausapin siya. Hindi niya alam kung nakulitan lang ito sa kanya kanya napilitan itong sagutin ang mga tanong niya. Hindi umubra sa kakulitan niya ang pagkasuplado nito. Nang hingin niya ang cellphone number nito ay ibinigay naman agad. Siya rin ang unang nagyaya ng date dito. Nagpaunlak naman ito. Nasundan pa ang mga pagkikita nila. Hanggang sa unti-unti, nakuha niya ang loob nito. Hindi na nito kinailangang manligaw sa kanya. Basta nagising na lang siya isang araw na mag-boyfriend na sila.
"Pero Joy, ayoko na ng ganoon. Ayoko nang ako ang halos manligaw sa lalaki para lang maging boyfriend ko siya. Mas pipiliin ko pang tumandang dalaga kaysa maging ganon."
"Look, Gwen, hindi mo naman nga kailangang manligaw ng lalaki. Hindi mo kailangang ulitin ang tulad ng nangyari sa inyo ng ex-boyfriend mo. Enough of the likes of him. I'm sure, nanghihinayang iyon sa iyo kung nasaan man ang gagong iyon ngayon. Maganda ka, smart, hardworking and you have a very big heart..."
Alam na niyang nanghihinayang si Bernard pagkaraan ng isang buwan pagkatapos ng breakup nila noon. Binabalikan siya nito. Hindi na nga lang niya sinabi kina Joy. Mas malalim ang galit niya rito kaysa sa sakit n naramdaman niya nang maghiwalay sila. Itinaboy niya ito at sinabing huwag na itong bumalik kahit kailan. Mula noon ay hindi na niya ito nakikita at wala na siyang balita tungkol dito.
"At hindi ko sinasabi ito dahil pinakain mo ako ng specialty mong pizza o dahil friend for life kita. Exposure lang ang kailangan mo para maligawan ka uli. Speaking of which, may party ang parents ng boyfriend ko bukas ng gabi. Isasama kita roon, whether you like it or not."
"Teka, hindi ako puwede bukas ng gabi alam mo namang niyaya ako ni Tyler sa Opisina niya para sa despededa party nang Secretary niya."
Napanguso ito. "Siyempre, dahil mas mayaman kaysa sa akin si Tyler, kaya siya ang pipiliin mo kaysa sa akin."
Pinandilatan niya ito. "At kailan pa naging issue ang social status ng mga kaibigan ko sa akin?"
Iningusan siya nito. "Joke lang iyon, no. Sineryoso mo naman agad." Kumuha uli ito ng isang hiwa ng pizza. "Iuuwi ko na lang itong tira natin, ha? Iiinit ko mamayang lunchtime."
Napailing siya rito. Talaga nga yatang naglilihi na ito.
Malapit ng dumilim ang paligid at nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho si Gwen nang makarinig siya ng maingay na tunog ng makina. Hindi iyon tunog ng makina ng sasakyan ngunit tumayo siya. Napakaingay niyon, hindi siya makapag-concentrate sa paglililok ng paso. Mas maingay pa sa tunog ng water pump niya tuwing magpapaakyat siya ng tubig sa tangke. Parang tunog iyon ng isang malaking generator set.
Sumilip siya sa bintana. wala siyang nakitang kahit anong kakaiba sa paligid. Sa ibaba yata nagmumula ang ingay.
Napansin niya na mula nang tumira siya sa shop nila ay naging sensitive na siya sa kahit munting ingay lang. Kahit kaluskos lang ay napapansin niya. Palibhasa ay tahimik ang paligid sa shop at malayo sa highway kung saan maiingay ang mga sasakyan.
Lumabas siya ng bahay at tinitigan ang pinagmulan ng ingay. Tumunghay siya sa ibaba, sa kinaroroonan ng bahay na bagong tayo. Nakita niya ang ilang kalalakihan at ang istruktura para sa drilling ng atesian well.
Tinotoo na pala ng bago niyang kapitbahay ang pagpapagawa ng deeo well sa bahay nito. Sa halip na bumalik agad sa loob ng shop ay umikot siya sa likod. Binisita niya ang mga alaga niyang lovebirds. Tatlong pares ang mga iyon. Nabili niya ang dalawang pares sa isang Aeta nang mamasyal silang magkakaibigan sa Subic.
Pinangalanan niyang "Kakay and Kokoy" ang mga ibon sa silver-painted cage. "Romeo and Juliet" naman ang ipinangalan niya sa pares na nakakulong sa white painted cage. Hindi pa niya napapangalanan ang nasa kukay-gintong kulungan. "Beauty and the beast" sana ang ipapangalan niya sa mga ito ngunit binawi rin niya. Hindi bagay sa Beast ang maging pangalan ng isang ibon.
Napangalahati ng dalawang pares ng lovebirds ang mga saging na ibinigay niya sa mga ito kanina. Ngunit sina Romeo at Juliet ay kaunti lang ang nakain. Matamlay ang mas malaking si Juliet. May sakit yata ang ibon. Wala pa naman siyang kilalang beterinaryo. Nilinis niya ang pinaglalagyan ng inumin ng mga ito at pinalitan iyon ng panibago. Tatawag na lang siya sa mga kaibigan niya kung sino sa mga ito ang may kilalang beterinaryo.
Napansin niya agad ang sasakyan na paparating. Huminto ito sa tapat ng gate nang shop. As usual, nakita na naman niya ang mukha na nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. Bumaba si Tyler ng sasakyan at naglakad papasok ng gate. Naghuhumiyaw na naman ang s*x appeal ni Tyler sa suot nitong gray fitted shirt at black denims.
"Gwen, ready ka na ba para sa party?" nakangising tanong nito.
"Bakit napaka-aga mo naman akala ko gabi pa ang party?"
"Nako, ano ka ba hindi naman ako nagpunta dito para susunduin na kita may ibibigay lang ako sa'yo."
"Huh, ano na naman iyan may nakalimutan na naman ba ako sa mansiyon?" natatawang wika ni Gwen.
"Hindi, binili ko talaga ito para sa iyo. Sanay magustuhan mo iyan Gwen."
"Ano ba ito." Akmang bubuksan ni Gwen ang itim na box ng biglang hinawakan ni Tyler ang kanyang kamay.
"Huwag sa loob muna buksan. Sige na pumasok kana roon at nang makita mo. Aalis na ako Gwen, tatawagan nalang kita kapag papunta na ako."
"Sige, maraming salamat dito ha. Sanay hindi ako sumabog nito." Natatawang wika niya.
Nang makaalis na si Tyler ay pumasok na rin sa loob ng shop si Gwen. Kaagad niyang nilapag sa mesa ang malaking box na bigay sa kanya ni Tyler. Hindi niya napansin na may isang maliit na papel na naka dikit dito at may nakasulat na To: Gwen Salazar. Mas lalong na excite si Gwen kung ano ang laman ng malaking box. Nang mabuksan na niya ito ay tumambad sa kanya ang isang napakagandang damit at may isang maliit na box na naglalaman ng kwintas at hikaw. Hindi makapaniwala si Gwen sa kanyang nakita, gusto niya itong ibalik sa loob pero ayaw naman niyang mabastos si Tyler.