TININGNAN niya ang kanyang relo at napakunot ang kanyang noo ng makita na alas-siyete na pala ng gabi at maaari na siyang sunduin ni Tyler. Pumunta siya sa banyo at nilinis niya ang kanyang katawan habang naliligo ay hindi pa rin niya maiwasang mag-isip kung bakit Binigyan siya ng damit.
"Akala siguro niya wala akong magagandang damit dito. Nakaka-asar din siya ha," wika niya sa sarili.
Tapos na siya sa pag ligo ng tumunog ang kanyang cellphone. Humiwalay saglit ang kanyang kaluluwa dahil ang buong akala niya ay si Tyler ang tumatawag at susunduin na siya. Pero ng tingnan niya ito ay si Joy pala.
"Bruha ka talaga! bakit ka napatawag wag mong sabihin na magpapaluto ka na naman."
"Ay, grabe ka gusto ko lang sabihin sa iyo na goodluck mamaya sa pupuntahan mong party sana mag-enjoy ka doon."
"Sana nga ay mag enjoy ako, baka kasi hindi niya ako masyadong ma asikaso alam mo na naman sikat iyon."
"Ano handa ka na ba diyan? sana andiyan ako para matulungan kita sa pagpapaganda," natatawang wika ni Joy.
"Gaga, sige na mamaya ulit tatawagan na lang kita pag na out of place ako doon. Baka kasi anytime susulpot iyon at hindi pa ako nakapaghanda."
Kinuha niya ang damit na bigay ni Tyler at sinuot niya iyon. Pagkatapos ay humarap siya sa malaking salamin. Maganda ang damit at bagay iyon sa kanya. klarong-klaro ang hubog ng kanyang magandang katawan at maganda ang kulay ng damit. Kulay silver ito na may manipis na tela at may mga maliliit na palamuti na kumikinang kapag natapatan ng ilaw. Pagkatapos niyang mag ayos ay kinuha niya ang maliit na box na bigay rin sa kanya at isinuot niya ang laman nito na kwintas at hikaw. Bumaba siya nang hagdan at kinuha ang kanyang pangmalakasan na high hells bagay ang mga iyon sa kanyang suot na damit. Tiningnan niya ang kanyang selpon at alas-otso na pala ng gabi at hindi parin siya sinusundo ni Tyler. Kaya tiningnan niya muna ang kanyang aquarium. Graceful na lumalangoy roon ang pitong goldfish na malalaki na. Binudburan niya ng pagkain ang mga iyon bago siya umupo.
Bigla na lang siyang nakaramdam ng lungkot sa mga oras na iyon. She felt so lonely. Tila napakahungkag ng Shop niya ngayong wala na ang kanyang mga magulang. Lalo niyang naramdaman ang lungkot nang tiningnan niya ang malaking family picture nila na nakasabit sa gilid ng pintuan. Hindi na niya napigilan na mamalisbis ang luha sa mga mata niya.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay tumunog ang kanyang cellphone at pangalan ni Tyler ang display sa screen ng kanyang cellphone.
"Hello, Gwen ready ka na ba?
"Oo, kanina pa ako ready," pabirong sagot niya.
"Sige, malapit na naman ako hintayin mo na lang ako diyan. Wag mo lang patayin itong cellphone. Okay?"
"O-okay."
"Bakit kaya ayaw pa niyang ipapatay itong cellphone, eh, puwede naman siyang tumawag ulit kapag nandiyan na siya sa labas. Minsan talaga napaka-mysterious niya." wika niya sa sarili.
Hindi nagtagal ay napansin na niya ang isang sasakyan na papunta sa shop niya. Bigla na lang siyang kinabahan ng huminto ito sa tapat nang gate. Pinawisan siya ng bahagya dahil sa nerbiyos, tumayo siya sa kanyang inuupuan at naglakad papuntang pintuan. Hindi paman siya nakarating sa tapat ng pintuan ay nakarinig na siya ng katok. Napalunok siya ng laway sa kaba at hiya para kay Tyler. Pinihit niya ang door knob at tumambad sa harap niya ang guwapong mukha ni Tyler. Pumasok agad sa kanyang ilong ang amoy nito na napaka
bango.
"M-magandang gabi sa iyo Tyler," wika niya habang hindi ito makatingin ng diretso kay Tyler.
"You look so beautiful sa dress na suot mo. I know sobrang na sobrang bagay iyan sa'yo."
Napansin niya na namumula ang mga pisngi ni Tyler noong sinabi niya iyon sa kanya.
"Ang guwapo mo rin sa suot mo Tyler, bagay sayo ang black tuxedo with red necktie," nakangiting wika niya.
"Ano, tara na?"
"Sige."
Hinawakan ni Tyler ang kamay ni Gwen at inalalayan ito palabas ng shop. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pinapasok siya.
Agad pina-andar ni Tyler ang sasakyan at pinatugtog niya ang kanyang paboritong kanta ang Nothing's Gonna Change My Love For You. Hindi mapigilan ni Gwen na kiligin habang nakatitig ito sa nag mamanehong si Tyler. Hindi nagtagal ay narating na nila ang building kung saan maraming mga mamahaling sasakyan at mga mayayamang tao na nasa labas at loob nito. Agad bumaba si Tyler at pinagbuksan ng pinto si Gwen. Hinwakan nito ang kanyang kamay at pumasok na sila sa loob.
"Magandang gabi po Sir," bati sa kanya ng sekyo na nagbabantay sa mga taong papasok sa building.
Nanginig ang mga kamay ni Gwen habang naglalakad sila. Napansin niya na halos nakatingin ang mga tao na nasa loob nila ni Tyler.
"Tyler, how are you? sino nga pala iyang kasama mo girlfriend mo ba?" tanong ng isang lalaki na kasamahan niya sa kompanya.
Mas lalong nanginig at pinagpawisan na ang mga kamay ni Gwen sa mga sandaling iyon. Gusto niyang kumawala sa pagkahawak ni Tyler pero mahigpit itong nakahawak sa kamay niya.
"Huwag kang matakot Gwen, ganyan lang talaga sila baka kasi nagagandahan lang sa'yo," natatawang bulong ni Tyler sa kanya.
Ngumiti nalang siya sa sinabi ni Tyler. Sobrang saya ng gabing iyon. Pero nagtataka siya kung bakit hindi niya nakikita si Luna at Luke.
"T-tyler bakit wala dito si Luna at Luke?"
"Ah, si Luke kasi ay may inasikaso sa rancho at hindi rin iyon mahilig sa mga gatherings.Si Luna naman ay hindi makakapunta kasi may interview daw siyang asisikasuhin."
"Ahh, ganoon ba sayang naman. Masaya sana pag nandito sila."
"Bakit Gwen hindi ka ba masaya na kasama ako ngayon?"
Biglang napakunot ng noo si Gwen sa sinabi ni Tyler.
"Nako, hindi ah masaya nga ako first time ko kasing makapunta ng mga ganito."
"Alam mo sobrang ganda mo ngayon," wika niya na nakangiti.
"Ano ka ba kanina mo pa iyan sinasabi eh, " natatawang sagot niya.
"Thank you pala Gwen, dahil pumayag ka sa invitation ko. Akala ko kasi hindi ka papayag."
"Bakit naman hindi, wala naman akong ginagawa," nakangiting sagot niya.
Hinawakan ni Tyler ang kamay niya at bumulong ito sa kanya.
"Halika ka Gwen, doon tayo sa rooftop."
Hindi maipaliwanag ni Gwen kung bakit siya nakaramdam ng ganoon kay Tyler. Ayaw niyang unahan ang kanyang nararamdam dito. Pero parang iba ang kanyang feelings pag kasama niya si Tyler, iba ang saya na hatid nito sa kanya. Pagdating nila sa rooftop ay namangha siya sa ganda ng view sa ibaba napakaganda tingnan ng mga makukulay na gusali at sasakyan. Napakrus siya sa kanyang mga braso nang makaramdam siya ng ginaw. Sobrang lakas ng hangin doon.
Napansin iyon ni Tyler kaya kaagad niyang hinubad ang kanyang tuxedo at isinuot niya ito kay Gwen. Nagtama ang mata nilang dalawa. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na enerhiya sa kanyang katawan. Kaya pilit niyang iniwasan ang mga titig na iyon kay Tyler.
"Alam mo Gwen, dito muna ako sa Maynila titira kasi gusto kung ma asikaso ang kompanya ko."
"Paano iyong rancho mo?"
"Ibinilin ko na iyon sa pinsan kong si Luke. Puwede ba kitang dalawin sa shop mo minsan?" nakangiting wika ni Tyler.
"H-huh, Sure ka?"
"Oo naman, dadalawin lang kita kapag hindi ako busy sa kompanya. Ayaw mo ba? kasi kung ayaw mo naman okay lang naman sa akin."
"Hindi naman sa ganoon, eh, kasi."
"Kasi ano?"
"Nahihiya ako sa iyo eh." natatawang wika niya.
"Nako, huwag ka na ngang mahiya pa sa akin. Kaibigan naman tayo diba?"
"O-oo naman kaibigan tayo," natatawang wika niya.
"Siya nga pala Tyler, puwede bang uuwi na ako. Alas-onse na kasi ng gabi at wala doon si Paeng para magbantay sa shop kasi umuwi siya sa probinsya upang dalawin ang kanyang mag-ina."
"Sige, tara na ihahatid na kita."
Pagdating ni Gwen sa shop niya ay agad siyang umakyat sa taas at naglinis ng katawan. Napahiga siya sa kama pagkatapos dahil sa pagod na naramdaman niya at nagdasal siya nang mga gabing iyon.
Father God, ito po talaga ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, nag-iisa na lang ako kahit alam kong nandiyan lang para sa akin si Tiya Belen at mga kaibigan ko. Gusto ko po ng boyfriend . Gusto ko pong may magtatanong sa akin kung kumusta ang araw ko. 'Yong kinakausap ako habang pinagsisilbihan ko siya. 'Yong uunawa at magma-mahal sa akin at mamahalin ko rin. Gusto ko ng katuwang na yayakap sa akin at makikitawa sa mga kapalpakan ko, isang lalaki na sosorpresahin ako ng breakfast in bed, at 'yong hindi mahihiyang makita ng iba na sinasapinan ko ng tuwalya ang likod niya kapag pinapawisan siya. Teka, bakit ba niya naisip na ipagdasal pa pati ang partikular na sitwasyong iyon? Napailing siya. Napapaiyak na siya sa taimtim na pagdarasal kung bakit sumingit sa isip niya ang mga eksenang iyon. Nagpatuloy siya sa pananalangin.
Pero Father God, kung ibibigay po ninyo ang wish ko, this time, ayoko na pong ako ang magbibigay ng motibo sa lalaki. Ayoko rin po ng may sabit. Ayoko ko pong maiwang luhaan sa bandang huli. Kaya po dumalangin ako na alisin ninyo ang attraction ko sa kanya. Kayo na po ang gumawa ng way para hindi na kami laging magkita. Tulungan po ninyo ako na maging matatag laban sa tukso. Alam ko pong pareho lang tayong nasaktan nang hindi mag-work out ang relasyon ko noon kay Bernard. This time, gusto ko na po talagang gawin ang kalooban ninyo, dear God. Kaya po ako humihingi ng tulong ninyo. Patatagin po ninyo ang faith ko para makaya kong sundin ang plano ninyo para sa akin....