NARAMDAMAN ni Gwen ang pagtabi sa kanya ng dalawa niyang kaibigan na si Pamela at Jane umaga noon. Dalawang araw na siya sa San Francisco. Kasama ng kanyang Katrabaho noon. Nagpapaaraw sila sa rooftop ng three-storey town house ng mga ito sa kilalang Lombard Street sa matarik at pabulusok na bahaging iyon ng San Francisco. Maganda ang sikat ng araw sa umagang iyon kaya maagang nakatanaw si Gwen sa kalangitan habang nakasandal ang mga ulo sa tanning chair. "Bakit ba malungkot ang big baby ko?" untag nito sa pananahimik niya. "Big baby" na ang tawag ni Pamela nito sa kanya mula nang pumasok siya sa Kompanya noon. Maliban kasi sa baby face si Gwen siya rin ang pinakabata na author noon sa kanilang kompanya. "Okay lang ako, Ate Pamela." "Parang gusto ko nang magtampo niyan, ah. Akala nami

