PAGKAPALIT niya ng damit-pambahay ay kinausap siya ni Lorry. Uuwi na raw ito sa bahay nila. "Gwen, noong isang araw na magpunta ako rito, nadaanan ako ng dati mong nobyo sa labasan." Nagulat siya sa binanggit nito. "Si Bernard po ba, Lorry?" "Oo. Itinanong ka niya sa akin. Ang sabi ko, nasa Amerika. Itinanong niya kung kailan ka uuwi rito." "Sinabi n'yo?" "Hindi. Basta ang sabi ko, wala kang sinabing araw kung kailan ka uuwi. Totoo naman iyon. Pero siyempre, hindi ko sinabi na ngayong linggong ito ka uuwi. Malay ko ba kung ayaw mo nang makita ang isang iyon." "Salamat naman kung ga'non, Lorry. Basta po kapag nagpakita siya sa lumang bahay, huwag ninyong ituturo sa kanya kung saan ako ngayon nakatira, ha?" "Hindi naman niya sinabi na pupuntahan ka niya roon." "Mabuti naman po kung

