HALOS masira lahat ng gamit ni Luna sa kanyang kuwarto dahil sa pagwawala. Hindi niya inaasahan na gano'n din pala ka palaban si Gwen. Tinawag niya ang kanyang kasambahay na si Terry, medyo may pagkalokaloka itong kasambahay niya. Palagi nitong ginagaya si Luna sa tuwing nagsasalita ito ng Ingles. Pinalinis niya ang lahat ng kalat na nakalatag sa sahig. Nang matapos malinis ni Terry ang lahat ng kalat ay nakita ni Luna ang isang babae na nakatambay sa labas ng mansiyon nito. Inutusan niya si Terry na paalisin ang babae. "Terry, may pulubi sa gate,paalisin mo nga." "Right away maam." Hindi alam ni Luna na iyon pala ay ang kaibigan ni Gwen na si Joy. Galing si Joy sa mga magulang ni Carlo ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Limang bahay lang ang pagitan ng bahay nito sa mansiyon ni luna

