MASAYANG pinagmasdan ni Gwen ang diamond ring na bigay ng nobyo nito habang nakahiga sa kanyang kama. Hindi parin siya makapaniwala na engaged na sila nito. Naalala niya ang sabi ng kanyang mga magulang noon na sana ay makita nila si Gwen na nakasuot ng Trahe De Buda habang lumalakad sa pasilyo ng simbahan patungong altar. Hindi niya mapigilang maiyak sa pagkakataong iyon. Kinuha niya ang larawan ng kanyang mga magulang at niyakap ito. "Mama, Papa. Ikakasal na po ako. Sana masaya kayo para sa akin. Alam kong kahit wala na kayo, palagi n'yo parin akong binabantayan. Sana gabayan n'yo po kami ni Tyler para sa aming bagong buhay." wika nito sa sarili. Maingat niyang kinuha sa kanyang kamay ang singsing at inilagay sa kanyang maliit na jewelry box bago ito pumunta sa banyo. Habang-busy s

