BIGLANG napasugod si Joy sa bahay ni Gwen matapos itong pumunta sa clinic. Ikinuwento kasi ni Gwen ang nangyari noong isinama ito ng nobyong si Tyler sa bahay ni Luna. "Ano ka ba naman Gwen, sana pinatulan mo ng bonggang-bongga. Hindi mo sana hinayaan na saktan ka nang babaeng iyon," wika nito habang hinihingal sa pagmamadaling maka akyat ng hagdan. "Joy, alam mo namang hindi ako war freak diba? At isa pa, na sampal ko na siya ng napakalakas at sana nga ay na alog ang utak no'n at makapag-isip ng matino." "Sino ba kasi ang babaeng iyan?" "Kaibigan nga ni Tyler, childhood bestfriend niya," wika ni Gwen. "Eh, bakit ayaw mong sabihin ang pangalan niya?" "Basta, alam ko namang may pagka loka-loka ka rin minsan. Susugod ka na naman gaya ng ginawa mo kay Mikay noong highschool pa tayo. R

