MASAYANG bumaba ng sasakyan si Luna. Hindi nito mapigilang matuwa habang tanaw ang loob ng rancho. Hindi na nito hinintay ang pagbaba ni Luke upang ipagbukas siya ng pinto. Kusa itong lumabas dala ng kanyang excitement. Pagbaba niya ay nag-spray siya kaagad ng pabango. Halos maligo na siya sa pabango ng mga araw na iyon. Pagbukas ng gate ay pumasok ito kaagad. Nakita niya ang nakahubad na si Tyler sa pintuan ng mansiyon habang nakipaglaro kay Troy. Wala itong damit pang itaas kaya kitang-kita ang maganda at ma-abs na katawan nito. Mas lalong na excite si Luna sa kanyang nakita. Palinga-linga ito sa paligid. Tila nagmamasid ito kung nakatingin ba sa kanya si Gwen. Pero ng hindi niya makita ang asawa nitong si Gwen labis nalang ang kanyang pagkatuwa. Nilapitan niya si Tyler at hinalikan a

