HABANG nasa arrival ng NAIA si Luna ay nagpasundo ito kay Luke. Busy kasi ang driver nitong si Kulas. Makalipas ang mahigit sampung minutong paghihintay ay dumating na rin ang sasakyan ni Luke. Nakangiti itong kumakaway sa kanya. Kaagad siya nitong nilapitan at kinuha ang dalang maleta. "Wow, parang iba ata look mo ngayon, ah," wika nitong nakangisi. "Ikaw naman, parang hindi bago sa'yo ang ganito kagandang mukha." "Kumusta naman ang bakasayon mo? Tila nag-enjoy ka doon. Kasi mahigit isang buwan kang nanatili sa Korea." "Hay, gusto ko lang mag unwind, Luke." "Alam mo na ba ang balita?" anito. "Anong balita?" nagtatakang wika nito. Mamaya na pagdating sa bahay mo. Baka kasi magwala ka dito sa airport kapag dito mo malaman. Kumunot ang noo ni Luna sa sinabi ni Luke. Gusto niyang

