"O, MISS Salazar, okay na ang spring water. Pinag-split na namin. Nai-channel ko na sa labas nitong bakuran mo ang isang branch papunta sa dating inaagusan." Kinamayan niya si Engineer Labo. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na hindi siya nito siningil ng extra payment para sa ipinabago niya sa man made pond, gayong napag-usapan na nila noon na magbabayad siya rito dahil wala sa kontrata nito ang gusto niyang ipabago. "Thank you, Engineer." "Kapag nagkaproblema, tumawag ka lang sa office. Covered ng warranty nito ang repair hanggang isang taon." "Okay, thank you uli." "Yon nga palang friend mo, si Joy, hindi ko na yata siya nakikita rito?" Ngumiti siya. Mukhang na-love pa yata ito sa kaibigan niya. "Galing siya rito noong isang araw. Nagkasalisi kayo?" "Puwede ko bang ma

